Chapter 18

16 2 0
                                    

2024 na, nagbabagong buhay na ako, sana talaga tuloy-tuloy na ang mga updates here HAHA. Lovelots guys😘

Geraldine's POV

"Good morning ma'am Geraldine!"

"Hello po ma'am G, you're so pretty po today!"

"Blooming ka ma'am!"

Napangiti nalang ako sa bawat bating marinig ko habang papasok ako sa kompanya. Hindi ko alam kung totoo ba at bukal sa loob nila o plastik lang ang kanilang mga pinagsasabi pero bahala na, basta't walang gulo.

Hindi ko nga pala kasabay si Hunter na pumasok ngayon dahil dumaan muna siya sa kompanya ni Lucas, may pag-uusapan daw kasi silang importante.

Pagkapasok ko sa office ko ay nagtimpla muna ako ng kape bago ko simulan lahat ng trabaho ko. Kinulang kasi ako sa tulog lalo pa't anong oras na kaming nakauwi kaninang madaling araw.

Habang nagf-file ng documents ay natigil ako nang maalalang may papeles nga palang naiwan sa table ni Hunter kung kaya't tumayo na ako upang kunin iyon.

Pagkapasok ko sa kaniyang opisina ay nakapatay pa ang mga ilaw, wala pa rin pala siya. Siguro'y aabutin ito ng lunch doon.

Dumeretso na ako sa table niya at hinanap na ang mga documents na kailangan ko.

Habang naghahanap ay biglang may nahulog na envelope. Hay nako Geraldine, napaka-clumsy!

Nang pulutin ko iyon ay napakunot ang noo ko nang makitang nakasulat ang pangalan ko sa pinakaibabaw na parte niyon.

What is this?

Bubuksan ko na sana ito nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng office. Wala na akong nagawa kundi ibalik ang envelope sa pwesto nito kanina.

Nang puntahan ko kung sino ang tao sa labas ay si Zoya pala.

"Good morning sis---I mean ma'am Geraldine!" bati muna nito bago ituloy ang totoong pakay niya. "Wala raw kasing sumasagot sa telephone mo sa office mo kaya pinapunta na ako dito."

"Oh, sorry. May hinahanap kasi akong files dito sa office ni Hunter. Ano ba iyon?"

Ang kaninang masaya niyang ngiti ay napalitan ng ngiwi. "May naghahanap kasi kay Sir Hunter sa baba, feeling ko siya ang kontrabida sa love story niyo sis."

Kumunot ang noo ko. "Did you ask her name?"

"Alisa raw."

Bigla akong napaseryoso. Why is she here? I'm sure she's not here for business matters, she's here for my Hunter.

"Mukhang kilala mo sis, 'wag ko bang papasukin?" pilit na ngiti ang pinakita ni Zoya, mukhang natakot siya sa naging reaksyon ko.

"Papasukin mo pero paderetsuhin mo siya sa opisina ko." seryoso ang tono ng aking boses. Aba hindi ko alam pero may namumuo na pala akong kaunting galit sa babaeng iyon.

Sino ba naman ang hindi magagalit kung alam na alam mo namang may binabalak siyang hindi maganda? Ramdam ko ang pagnanasa niya kay Hunter at hindi ako papayag na makagalaw siya para ituloy ang pinaplano niya.

Umalis na si Zoya at bumalik na rin ako sa aking opisina dala ang mga dokumento na aking hinanap.

Kung kanina'y mabilis ang aking pagtatrabaho, ngayon ay napakabagal. Baka kasi kapag binilisan ko ay mapunit ko ang mga ito.

Ilang minuto lang ang lumipas ay biglaan nang bumukas ang pinto. Wala talagang galang ang babaeng ito. Well, I did expect it to happen, I'm just disappointed.

DuplicateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora