Chapter 13

108 10 2
                                    

Geraldine's POV

Nagising ako na napakasakit ng ulo ko. Pinilit kong umupo kahit na sobrang sakit ng katawan ko.

Nang mahimasmasan ako ay napagtanto kong nasa ospital ako. Oo nga pala, nahimatay ako.

Pero, si Hunter nasaan? Siya naman siguro ang nagsugod sa'kin dito diba?

The guy I saw before I passed out, he's the one who tried to rape me. Siya ang ipapakasal sa akin? How dare them. Mamamatay muna ako bago nila ako maipakasal sa demonyong lalaking iyon.

Hinanap ko ang cellphone ko ngunit hindi ko iyon makita. Mukhang naiwan sa bahay nina auntie. Alam niya ba na nasa ospital ako?

Nabaling ang tingin ko sa pinto nang bumukas iyon. Iniluwal niyon ang pinakakinamumuhian kong babae sa balat ng lupa.

"Oh, you're awake." giit nito at isinara ang pinto.

"Nasa'n si Hunter? Bakit ka nandito?" napakasama ng tingin ko sa kaniya. Mas sumama rin ang pakiramdam ko.

"Your boyfriend? I'm sorry Geraldine but he's not the one who brought you here, it's mom. Ngayon, wala ka ng kawala."

"Julienne, 'wag mo akong sinisimulan dahil kahit masakit ang buong katawan ko, kapag nahawakan kita, papatayin kita agad."

"Oh, I'm so scared~" sarkastiko nitong giit. "Kahit anong gawin mo, wala kang mapapala. Ipapakasal ka ni mom kahit anong mangyari."

Ikinuyom ko ang aking kamao. "Alam mong ipapakasal ako sa lalaking muntik ng mang-rape sa akin?! Wala ka ba talagang puso, Julienne?!"

Inirapan niya ako. "He's not the one who almost raped you. Si Xion ang lalaking muntik ka ng i-rape. Si Zion ang ipapakasal sa'yo, Xion's younger brother."

"Nag-iisip ka ba?! Wala ka ba talagang utak, Julienne?! Even if I marry his younger brother, I would still be connected to him!" sa sobrang galit ay napasigaw na ako. Tumulo rin ang luha ko. Nanginginig ako sa galit.

"Move on, Geraldine. Ang tagal na no'n! As if naman na-rape ka talaga, ang arte mo."

Sa sobrang galit ay sinugod ko siya kahit na sobrang sakit ng katawan ko. "Ikaw ba ang muntik nang ma-rape?!" sinabunutan ko siya. "You don't know how much it traumatized me!"

"Ow, it hurts you bitch!"

"Talagang masasaktan ka! Wala kang puso, demonyo ka rin!" buong pwersa kong hinila ang buhok niya.

"Masyado ka lang maarte, sana nga ni-rape ka nalang talaga ni Xion!"

Sinapak ko siya sa mukha. "You're a trash!" sigaw ko sa kaniya at tinulak siya. Nakita ko ang pag-agos ng dugo mula sa ilong niya.

"Ahh! Mom!" malakas na sigaw nito nang makita rin na dumudugo ang ilong niya.

Agad namang may pumasok sa kwarto. Si mom at ang lalaking ipapakasal sa akin.

Bigla akong nanghina kung kaya't napa-urong ako.

"What the hell is happening in here?! Oh my god Julienne, why is your nose bleeding?!"

Napa-upo ako sa kama at napapikit, my hands are trembling as I feel his presence. Kahit hindi siya ang muntik nang mang-rape sa'kin, I'm still scared. Kamukha niya talaga ito.

"Geraldine punched me!" nakakairitang sigaw ni Julienne.

"Damn it." narinig kong giit ni mom pero hindi niya ako pinagalitan. Mabuti naman, baka pati siya masaktan ko na talaga kapag pinagtanggol niya pa 'yang walang kwenta niyang anak.

DuplicateWhere stories live. Discover now