Chapter 11

124 8 0
                                    

Geraldine's POV

"Sam, paki-print nalang 'yung mga files na sinend ko sa email mo. Dalhin mo nalang sa office ko mamaya."

Super busy ng Alvareoz Main ngayon at halos walang pahinga ang mga empleyado. Eto nga ako at nakikisuyo nalang sa iba ko pang mga katrabaho na i-print ang mga documents na kailangan para sa mga meetings ni Hunter this whole week.

"Ma'am Geraldine, baka mga isang oras ko pa mabigay ah? May mga pinapaprint din sa'kin si ma'am Anne." giit ni Sam at kumuha ng isang ream ng bond paper sa baba ng desk niya.

"Okay lang, basta lagay mo nalang sa desk ko mamaya. Sa office kasi ako ni sir Hunter ngayon eh." giit ko.

"Sige po, ma'am." sagot nito at nagfocus na sa pino-proofread nitong document.

Pagkatapos kong magbilin ay pumunta muna ako sa mini kitchen upang ipagtimpla ng kape si Hunter. Mukhang kailangan niya dahil kita ko ang stress sa mukha niya kanina noong pumasok ako sa office niya.

Nang makapagtimpla na ako ng kape ay agad na akong dumeretso sa office ni Hunter. "Sir, lagay ko nalang po dito yung kape niyo." giit ko at inilagay ang kape sa mini table ni Hunter para kung sakaling matapon man ay hindi mababasa ang mga importanteng dokumento.

Hindi na ako binalingan ng tingin ni Hunter at tinanguan nalang ako dahil busy talaga itong nakaharap sa computer niya.

Ako rin naman ay nagfocus na sa ginagawa ko. I'm currently editing some documents para ipasa sa every company ng Alvareoz Group of Companies.

Tinawagan nga ako ni Diana kanina at sinabing i-proofread ko raw iyon ng maigi dahil magkakaroon ng bawat copies ang mga board members. Kung magkamali kasi ng kahit konti ay kagagalitan ka raw talaga ng mga ito. Sabi nga ni Diana, stress na nga ang kompanya, dadagdagan mo pa? Kaya focused talaga ako sa ginagawa ko.

"Geraldine, I'll just remind you na pupunta rito sina Calixter and Lucas. We'll have an important meeting." giit ni Hunter kung kaya't napabaling ang tingin ko sa kaniya.

Wait...why is he so handsome right now? Bakit parang iba ang awra niya ngayon? Bakit ang hot--wait what?

"Ah okay po, sasama po ba ako sa meeting?" tanong ko at bahagyang umiwas ng tingin dahil nakakalaglag ng panty ang mga tingin niya.

"No, tatlo lang kaming magmemeeting. Just finish all your works at that time. Pagkatapos kasi ng meeting, we'll have our lunch outside."

"Kasama po ako?" inosenteng tanong ko.

Tumango siya at tumayo mula sa kina-uupuan niya. "Kasama rin sa lunch sina Vinxiuo at Diana."

Lumapit siya sa'kin at kinuha ang kape na nasa mini table. Agad siyang humigop kahit na sobrang init pa niyon. Kitang-kita ko ang pag-alon ng adam's apple niya which I find so sexy. My god, ano bang nangyayari sa'yo, Geraldine?

"Do you want some?" tanong niya sa'kin nang makita niya akong nakatingin sa kaniya. Agad akong umiling at nagfocus nang muli sa ginagawa ko. Oh ano? Diba nahuli ka? My god.

Kahit na nakatutok ako sa ginagawa ko ay nakikita ko pa rin sa peripheral vision ko ang mga ginagawa ni Hunter. After he finished his coffee, pumunta siya sa sarili niyang banyo. Kumunot ang noo ko nang marinig siyang magsuka. Luh, anyare?

Itinigil ko muna ang ginagawa ko at pumunta sa harapan ng banyo. Kumatok ako bago magsalita. "Sir Hunter, are you okay?" idinikit ko pa ang tenga ko sa pinto upang mas marinig ang nangyayari sa loob.

Nag-alala ako nang hindi siya sumagot sa tanong ko. Anyare na kay Hunter? Baka nagcollapse sa sa sahig? 'Wag naman sana.

Mga isang minuto lang nang lumabas na si Hunter mula sa banyo. Napa-atras pa ako dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Napansin ko rin na namumutla ito.

DuplicateOnde histórias criam vida. Descubra agora