Chapter 1

269 21 1
                                    

Geraldine's POV

Share ko lang talaga pero napakaganda ng suot ko ngayon. Nag-ipon ako ng pera para bilhin ang damit na ito. Actually, para talaga ito sa interview ko with Alvareoz Main. Wala ni isang kusing ang galing sa mga magulang ko nang bilhin ko ito.

Mga sampung minuto lang naman ang biyahe papunta sa kompaniyang pupuntahan ko kaya sinulit ko na ang oras para magpaganda.

Simula palang nang magstart ako sa high school, pangarap ko na talaga ang makapasok sa kompaniya ng mga Alvareoz. Ang alam ko kasi, never pang bumaba ang ratings ng kompaniya nila. Lagi itong tumataas at hindi kailanman bumababa.

Kung itatanong naman sa akin kung ano ang pinaka ayaw kong kompaniya, isa lang ang maisasagot ko. Ang kompaniya ng mga magulang ko. The end.

"Pinlantsa mo ba iyang suot mo, Aldine?" tanong ni auntie habang nagluluto. May pasok nga pala sina Lovelie at Angela ngayon. Si ate Alyana naman ay papasok sa trabaho bilang saleslady.

"Opo auntie." sagot ko at kumain na nang ihapag ni auntie ang niluto niya. Lagi mang bwiset ang personalidad ni auntie pero kapag nagluto iyan, puno ng pagmamahal. Ang sarap kaya ng luto niya.

Inihanda ni auntie ang mga baong pananghalian ng tatlo niyang anak. "Ayusin mo, Aldine ha. Sabi niyang si Alyana, malaki raw ang ibinibigay na sweldo niyang Alvareoz company na iyan. Kapag nakapasok ka riyan, pwede kang makapag-ipon at matupad mo na ang pangarap mong makaalis sa kadena niyang pamilya niyo."

Napatango ako. "Iyon nga rin ang naisip ko auntie kaya gagalingan ko talaga. Lagi kitang ililibre sa salon kapag natanggap ako."

Nakatanggap ako ng batok. "Maging masipag ka muna at 'wag mo'kong madawit dawit diyan sa kalokohan mong iyan. Bwiset ka." iniwan niya ako at dinig na dinig ko ang sigaw niya kina Lovelie at Angela, pati na'rin pala kay ate Alyana. Napailing nalang ako.

"Mga bwiset talaga kayo! Naghanda na'ko ng pagkain at lahat-lahat! Ako pang nagplantsa diyan sa damit ninyo, mga bwiset kayo talaga! Kaunti nalang at ako na'rin ang magpapaligo sa inyo pati na ang pagbibihis ninyo ay ako na'rin ang gagawa. Mga anong klase kayo, bwiset!"

Mabuti nalang at sanay na sanay na ako kay auntie. Lagi talaga siyang ganiyan. Tamad kasi lahat ng mga taong nasa poder niya. Pero kahit ganiyan si auntie, mabait pa'rin iyan. Kabaliktaran siya ni mama.

"Bwiset, bumaba kayo diyan! 'Wag niyong hintaying hambalusin ko kayo ng hanger!"

Natawa nalang ako sa boses ni auntie. Mukhang bwisit na bwisit na talaga siya.

Tinapos ko na ang pagkain ko at nagready na ulit paalis ng bahay. "Auntie, alis na'ko!" sigaw ko palabas ng bahay. Siguro naman ay narinig niya ako. Mukhang busy siya sa hanger thing with her children.

Sumakay ako ng jeep dahil ito lang naman ang kaya kong sakyan sa ngayon. Wala pa akong pera masyado dahil nagtitipid ako. Ayaw na ayaw kong gamitin ang perang ibinibigay ng mga magulang ko. Alam ko kasing may kapalit iyon.

Ilang sandali pa nang biglang tumigil ang jeep. Anyare?

"Na'ko patawad po pero hanggang dito nalang po tayo. May sira po ang jeep." giit ni manong driver. Umingay ang jeep dahil sa mga talak ng mga tao sa driver. Pero in the end, bumaba nalang din ang lahat ng pasahero. Wala naman silang magagawa.

Mga tatlong minuto nalang naman ang lakaran papunta sa kompaniya ng Alvareoz kaya nilakad ko nalang. Sayang pera kung sasakay pa ulit ako ng jeep.

Akala ko maaga pa pero nang tingnan ko ang relo ko ay halos mapatalon ako sa gulat. Isang minuto nalang ang natitira!

Mabuti nalang talaga at malapit na ako. Kaya ko 'to. OMG!!!

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa——— WAAHHH!!


DuplicateWhere stories live. Discover now