Chapter 14

94 8 0
                                    

Super sorry sa napakatagal na update, stress ako sa ABM HAHHAHAHA. #NeverEnterABM

Thank you sa walang sawang paghihintay, patawarin ninyo akooo. Lovelots❣️




Geraldine's POV

It's been two weeks simula nang makauwi ako kina auntie. Ngayon ay 100% na talaga akong bumalik sa dating lakas ko.

Babalik na rin pala ako sa Alvareoz Main, mabuti nalang talaga at naroon si Victoria para mag-sub noong mga nakaraang araw. Biro mo bang dalawang kompanya ang i-handle mo. She really have my respect.

Linggo ngayon kaya balak ko sanang dalawin si Lovelie sa ospital. Sakto namang nagpapatulong si auntie para mag-grocery, pagkatapos daw nun ay didiretso na kami ng ospital.

Sa ngayon din ay wala pa akong nakukuhang message mula kay Hunter. Mukhang busy talaga siya sa Australia. 

"Aldine, tara na."

Tumayo na ako mula sa sofa at sumunod na kay auntie palabas ng bahay. Si Angela naman ay nasa likod ko. Napapansin ko talagang paganda siya ng paganda every day. Mukhang may crush na ito.

"Angela, may crush ka na 'no?" pabulong kong tanong dito dahil sigurado akong mababatukan ako ni auntie 'pag narinig niya.

Agad namang namula si Angela. "H-Ha? W-Wala no." umiwas ito ng tingin.

Natawa ako. "Okay lang 'yan, normal lang 'yan, basta crush lang muna ngayon dahil magagalit si auntie 'pag nag-boyfriend ka agad."

Ngumiti lang si Angela at nagpatuloy na kaming maglakad.

Pagkarating namin sa mall ay agad na kaming dumeretso sa grocery pero pinigilan kami ni auntie.

"Ako nalang ang mag-grocery, ipambili niyo na ng damit at laruan si Lovelie." giit ni auntie at nag-abot ng pera.

Umiling ako. "Ako na do'n auntie, idagdag mo nalang 'yan sa grocery."

"Hay, hindi. Ipambili niyo 'to." giit niya at pilit na ibinigay sa'kin ang pera. Ibabalik ko pa sana sa kaniya pero dali-dali na siyang pumasok sa grocery.

"Ang dami mo na kasing ambag, ate. Eh halos ikaw na nga sumagot nung hospital bills ni Lovelie."

"Ano ka ba, kulang pa nga 'yon sa mga ginawa ni auntie para sa'kin. Dagdag mo pa na pinapatira niya pa ako sa bahay niyo."

"Grabe ang bait mo talaga, ate. Libre mo nga akong ice cream."

Natawa ako. "Oo na."

"Yey! Kaya ikaw pinaka-favorite kong pinsan eh."

Napa-iling nalang ako at isinama na si Angela para bumili ng ice cream.

Katatapos lang naming bumili ng mga damit at laruan ni Lovelie kung kaya't tinext ko na si auntie na magkita nalang kami sa food court.

Malapit na rin namang magtanghalian kung kaya't nagpasya na ako na kumain muna kami sandali. Ipang-te-take-out nalang siguro namin si ate Alyana.

"Ate, dun tayo ulit sa Farah's ah! Ang sarap ng porkchop nila dun eh."

"Pa'no mo naman nasabing masarap?"

"Eh sa ibang kainan, lalo na sa school, yung mga porkchop nila parang bubble gum. Sa Farah's, wala talagang tatalo, super sarap."

"Oo na, wala naman din akong choice, ikaw boss eh." giit ko.

Ngumiti lang si Angela at nauna nang pumunta sa Farah's.

Habang papunta roon ay may humarang sa akin.

"Candy?"

Kumunot ang noo nito. "Wow, wala ka talagang galang ano? Porke't wala tayo sa kompanya ay tinatawag mo na ako sa first name ko? How dare you."

DuplicateWhere stories live. Discover now