Chapter 10

102 5 0
                                    

Geraldine's POV

"What's happening? Who the hell are you?!"

Inalalayan akong tumayo ni Hunter at hinawakan ako sa bewang para hindi ako muling bumagsak sa sahig.

"What the heck did you do to her?!" rinig na rinig ang boses ni Hunter kung kaya't ang ibang mga bumibili ay napapatingin na'rin sa'min.

"H-Hunter, l-let's just go.." giit ko sa mahinang boses. I'm too scared to face him, bumabalik sa'kin ang lahat.

"I will sue you, asshole!" sigaw ni Hunter at inalalayan na ulit ako palayo sa lalaki.

Hindi ko napigilan ang pagluha ko. I'm so scared to death. Bakit siya bumalik? Ano na naman ang kailangan niya sa'kin?

Ilang minuto pa nang makarating kami sa sasakyan. Nanginginig pa'rin ang kamay ko at hindi ko talaga mapigilan ang pagluha ko.

"Shh, I'm here." niyakap ako ni Hunter. I started bawling. I can't do this. My anxiety's killing me.

Paanong nagkita kami sa lugar na iyon? Is he stalking me? Balak na naman ba niya akong i-rape?

I can't help but cry in Hunter's arms. I somehow feel safe. I somehow feel na walang kahit na sino ang makakapanakit sa'kin.

"H-Hunter...pwede bang ihatid m-mo nalang ako sa bahay?" I asked while sobbing.

Inilayo niya ako ng kaunti sa kaniya at tinitigan ako sa mata. "Are you okay?" Umiling ako at muling siyang niyakap. "Okay, I'll drive you home." niyakap niya ako nang mahigpit.

I'm so thankful that he's here beside me. Kung wala siguro siya sa tabi ko, siguradong may nangyari nang masama sa'kin.



Nang maka-uwi ako sa bahay nina auntie ay agad akong nagkulong sa kwarto. How the hell did he found me? Bakit kung kailan malapit nang pumayapa ang buhay ko ay dumating na naman siya?

Bakit gusto na naman niyang guluhin ang buhay ko?

Bakit nandiyan na naman siya?

Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang hindi ko pala nai-lock ang pinto sa sala.

Paano kung sinundan niya kami?!

Agad akong tumakbo palabas ng kwarto at dumeretso sa sala. Napadapa ako sa sahig at niyakap ang sarili nang bumukas ang pinto.

"What the fuck do you want from me?!" sigaw ko na halos marinig ng buong barangay.

"Luh siya. Ate Aldine, okay ka lang?"

Napaangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni Angela. Naginhawaan ako at napasandal na lamang sa pader. Tumulo rin ang luha ko dahil yata sa sobrang takot ko.

Agad na lumapit sa akin si Angela at umupo sa tabi ko para alalayan ako. "Hala ate, anong nangyari sa'yo?"

Pumikit lamang ako at umiling. Hindi rin tumigil ang luha ko sa pagpatak.

I thought I was going to die.

"Hala ate, tatawagan ko na ba si nanay?" giit ni Angela kung kaya't napamulat ako at agad na umiling.

"O-Okay lang ako..."

"Hala naman ate...wait nga." tumayo siya at tumakbo papunta ng kusina. Pagkabalik niya ay may dala na siyang tubig. "Uminom ka muna, baka mauna ka pa kay Lovelie eh."

Nanlalaking mata akong tumingin sa kaniya. Awkward naman siyang ngumiti at nagpiece sign. "Sorry, nadala lang. Joke lang." giit niya.

Umiling na lamang ako at ininom ang tubig na ibinigay niya.

DuplicateWhere stories live. Discover now