Chapter 19

18 2 0
                                    

Hi guys, I do appreciate your comments so please do comment more, vote and share if you want as well. Thank youuu😘

***

Geraldine's POV

Bakit sa dinami-rami ng pwede kong maging ina ay si mom pa ang ibinigay sa akin?

I loved my mom, I seriously loved her when I was a kid. Kahit na hindi ko ramdam ang pagmamahal niya noon ay tinitiis ko dahil siya pa rin ang nanay ko kahit na anong mangyari.

Noong dumating si Julienne sa buhay namin ay nakita ko rin kung papaano niya ito bigyan ng atensiyon na para bang siya ang tunay na anak at ako naman ang napulot kung saan.

I did love Julienne before because even though we're not related, she was still my sister.

Pero nagbabago ang lahat. Napupuno ang damdamin ng isang tao at nauubos rin ang pasensiya.

Ano ba ang kulang ko bilang anak kay mom? Minahal ko naman siya, ibinigay ko lahat ng gusto niyang mangyari noon pero kulang pa rin iyon sa kaniya.

Kapag naiisip ko ang mga bagay na iyon ngayon ay purong galit na lamang ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Do mothers really sell their children off just for money? Mas mahal ba talaga nila ang pera kaysa sa sarili nilang dugo?

Kanina ko pa tinitingnan ang cellphone ko. May gusto akong tawagan pero baka maabala ko lang siya lalo pa't marami siyang ginagawa. Pero kung hindi ko naman siya makausap ay para na akong mamamatay.

Kusa nang gumalaw ang aking mga kamay at tinawagan ang isang numero. Ilang ring lang ang tumunog hanggang sa may sumagot na.

"Hello, love?"

Napapikit lang ako nang marinig ko ang kaniyang boses. Napakasarap nito sa pakiramdam na para ba itong musiko na paborito kong ulit-uliting patugtugin.

"Love? Are you there?"

Hindi ko alam na tumutulo na pala ang mga luha ko. Hindi ako makapagsalita at pilit lamang siyang pinapakinggan.

"Love, are you okay? Where are you?"

Hindi ko na napigilan ang aking sariling mapahikbi nang marinig ang mga salitang iyon. Hindi ako okay. Para bang nagdurugo ang puso ko.

"Love, please say something. Where are you? Pupuntahan kita."

Umiiling lamang ako at hindi sumasagot habang pinipigilan pa rin ang aking pag-iyak. Natakpan ko na lamang ang aking bibig.

Sa boses ni Hunter ay ramdam ko na ang pag-aalala niya at ayoko naman siyang pumunta rito at iwan ang trabaho niya para lang patahanin ako.

Pinatay ko na lamang ang tawag at doon ay bumuhos na ang kanina ko pang pinipigilang pagtangis.

Kailan ba ako matatahimik?

How ironic that the one who's squandering my peace is my mom that should be the one who's my most trusted person.

Kung dati ay may kaunti pa akong pag-asa na magkaayos kami, ngayon ay wala na.

I do wish na hindi nalang talaga sila nagkatuluyan ni dad. Mas matatanggap ko pa na wala ako rito sa mundong ito dahil kahit na nandito naman ako ay wala naman akong kwenta sa paningin ni mom. At kahit na gawin ko pa ang lahat ng gusto niya ay hindi ko rin naman matatamo ang noon ko pang gusto na mahalin niya ako bilang anak niya.

Ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak. Mabuti na lamang at kaunti lang ang mga tao dito sa park na pinuntahan ko.

Napayuko na lamang ako nang may marinig akong padaan sa aking harapan. Nakakahiya kung makita nila akong umiiyak.

DuplicateWhere stories live. Discover now