Chapter 8

131 11 3
                                    

Geraldine's POV

"Ikaw ba eh, nanliligaw dito sa pamangkin ko ha?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tinanong ni auntie. "Auntie, hindi!" sagot ko. Nabatukan ako nang dahil doon.

"Punyeta ka talaga, ikaw ba ang tinatanong ko ha?"

Napairap nalang ako at tumingin kay Hunter. Nakangiti lang ito at para bang walang narinig sa tinanong ni auntie.

Yung bulaklak nga pala kanina, hindi para sa'kin, para pala kay auntie.

"Tatanungin kita ulit hijo ha, nililigawan mo ba 'tong pamangkin ko?"

Nakangiwi akong nakikinig sa kanila. Duh, halata namang hindi niya ako nililigawan. Pumunta lang siya dito dahil caring siyang boss.

"I'm not but I can."

Nabulunan ako sa sarili kong laway nang dahil sa narinig ko. ANO DAW?!

"I would like to know her better." tumingin sa'kin si Hunter. Bitch, I'm dreaming right?

"Basta 'wag mo munang ikakama ha? Puputulan talaga kita."

Napatakip ako sa mukha ko. Nakakahiya! Argh!

"Oh siya, lumabas muna kayo dito sa kwarto at mag-aayos ako. Mag-usap na kayo kung kailan kayo magpapakasal."

"Auntie!"

"Punyeta, manahimik ka!"

Napa-irap nalang ako at agad ng lumabas ng kwarto. Agad akong naghanap ng mauupuan at umupo roon.

Napakabilis ng pagtibok ng puso ko. Myghad! Si Hunter Alvareoz, liligawan ako? I mean, yung sinabi niya kanina...ugh!

Bakit ba ako kinikilig? Grabe talaga as in. Kaunti na nga lang ay maiihi na ako. Shet, what's the meaning of this?

"Geraldine."

Napatayo ako. "H-Hoy Sir, di'ba nagbibiro ka lang naman kanina? H-Hindi naman 'yon totoo di'ba?" nakatingin lang ako sa kaniya at masinsinang hinihintay ang sagot niya.

Please...please...

"It's true. I want to know you better." ngumiti siya sa'kin.

Yes—I mean, no! Hala... Ano ba kasi talagang nangyayari?

"Sir, gusto mo ba'ko?" bigla kong tanong. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang lakas ko para tanungin iyon.

Tumaas ang kilay niya. "I think so. You remind me of someone." giit niya habang titig na titig sa'kin. Shet, Sir! Baka matunaw ako!

"Sir..." napalunok ako. Kinikilig talaga ako, shet! "Bwisit ka!" giit ko at tinalikuran na siya. Nakaka-inis! Sigurado ako na sobrang pula na ng mukha ko. Huhu, paano ako makakapagtrabaho ng maayos sa Lunes? Ugh!

Dumiretso ako sa isang comfort room at pumasok sa isang cubicle. Binuksan ko ang dala kong bag at hinanap ro'n ang cellphone ko nang marinig itong tumunog. Mukhang may nagtext.

Nang tingnan ko kung sino ito ay napapikit nalang ako. Waahh, bakit mo'to ginagawa Hunter?!

From: Sir Hunter

I'll go now. See you on Monday, Geraldine. Matulog ka ng maaga mamaya. Kumain ka bukas ng breakfast, lunch and dinner sa tamang oras. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. I'll miss you.

Waaaahhh!!! I can't!!!



Kanina pa'ko dito sa labas ng Alvareoz Main. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba'ko o hindi. Nakakainis kasi, bakit ba ako ang natipuhan ni Hunter? Aish!

DuplicateWhere stories live. Discover now