Chapter 5

119 16 2
                                    

Sorry for the late update guysss🌺❣️

~~~~~~~~~

Geraldine's POV

"I'm sorry about Candy."

Napa-angat ang tingin ko nang magsalita si Hunter. Sa ilang minuto kong pagka-upo dito sa couch niya sa loob ng kaniyang office ay ngayon palang niya ako kina-usap. Mabuti naman at para matapos na'rin. Kailangan ko na kasing bumalik sa desk ko at may gagawin pa ako.

"Ah, okay lang po 'yon. It's also my fault for being a Bartolome."

Kumunot ang noo niya. "Why are you saying such things? Hindi ba kayo maayos ng pamilya niyo?"

Pinigilan kong huwag mapa-irap. Okay Geraldine, nagtatanong lang siya..you can answer nicely.

"A-Ah..kasi.." napapikit ako at tumango nalang. I just can't say it and I don't know why. Oo hindi kami maayos ng pamilya ko at sigurado akong hindi na maaayos pa. It's haunting me every time kapag naaalala ko ang marriage thing na ipinipilit nila sa'kin.

"Why?" tanong niya.

Huminga ako ng malalim. Mukhang hindi lahat ng tao ay kagaya ni Zoya. "Marriage arrangement."

Siguro naman ay maiintindihan niya ang gusto kong sabihin. Common na iyon lalo na kapag may kakaibang 'rules' ang pamilya ninyo.

Napatango siya. "Just like that bastard." mahinang sabi niya pero narinig ko pa rin iyon. Sinong bastard ang sinasabi niya? Si Shawn? "I'm sorry for asking though." giit niya. Muling napa-angat ang tingin ko sa kaniya.

"It's okay." sagot ko. Lahat naman siguro maliban kay Zoya ay magtatanong rin kagaya niya.

Naputol ang pag-uusap namin nang tumunog ang telepono sa desk niya. Agad niya iyong sinagot.

"Hello?" bungad niya sa tawag. Sino kaya iyon? Business partner? O baka secret girlfriend? "Tito Celadon will take care of it, dad. Sylvester and Cold as well so why bother?" giit niya mga ilang segundo lang ang lumipas.

Napapalo siya sa desk at halos mapatalon ako sa gulat ng dahil doon. Nang tingnan niya ako ay nagsorry naman siya ka-agad. "Dad, you know I hate being with that as$."

Tahimik lang akong naka-upo at nakikinig sa mga sinasabi niya. Hindi niya naman kasi ako pinalalabas ng opisina niya so mukhang dito lang ako hanggang sa matapos ang pag-uusap nila ng papa niya.

"Dad, please. I want to talk with Travis not with that mother f'ing Flinn Cedric!" napasabunot siya sa buhok niya. Ano bang nangyari between the two of them? May pinag-agawan ba silang babae?

"Dad, you're the one who took him from the company. I'm not going." ibababa na sana niya ang telepono pero mukhang may sinabi pa ang papa niya. "Then who? You're still the official CEO, for your information, dad so take care of it." Ilang sandali pa nang mapapalo siyang muli sa mesa at umupo sa kaniyang upuan.

Gugulatin niya ba ako ng gugulatin? My gosh. Sasamaan ko sana siya nang tingin habang nakafocus siya sa pag-uusap nila ng papa niya pero hindi iyon natuloy dahil tumingin na siya sa'kin. "Really? Then I have one already. I'll send her profile to you. Don't ask me why so just take care of it. Bye." in-end niya na ang tawag.

Tumayo siya nang nakatitig pa'rin sa'kin. What's happening?

"Can you help me tomorrow?"

Tumaas ang kilay ko. "Tomorrow?" Ano 'to? 'Tsaka hindi kami close ano. Pero, ano nga 'to?

"I know we're not close but I just need someone tomorrow because my secretary retired from the company just a while ago. I need someone who'll accompany me tomorrow."

DuplicateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon