Like you'll never understand someone's behavior unless otherwise you got the chance to know her more, to stay with her, and earn her trust so she can finally show her true self with you.

 

 

Ewan ko ba kay Gilliana! Masyado siyang takot subukan ang mga bagay-bagay dahil sa hindi niya pa nararanasan. Paano naman niya mararanasan kung hindi niya hinahayaan ang sarili niya para sa ibang bagay? Nananatili siya sa comfort zone niya kaya mananartili rin siyang takot.

 

 

"Oh!" She handed me a small brown paper bag with her poker face.

 

 

Kahit na sa malakas niyang boses ay kapansin-pansin ang panginginig ng kamay niya habang inaabot ko ang paper bag. I was just looking at her and she immediately looked away.

 

 

I smirk.

 

 

Grabe naman 'yun Gilliana Marie, dati pinanlilisikan mo lang ako ng mata ngayon naman ay hindi ka na makatingin ng diretso sa akin.

 

 

The glow up tho.

 

 

"Ano 'to, Marie?"mapang-asar kong tanong sa kaniya.

 

 

"Tingnan mo na lang, ang dami mong tanong 'no?" masungit niyang sagot.

 

 

Ako naman ang nagulat sa saad niya na kalaunan ay itinawa na lang.

 

 

"Anong marami? Isa pa nga lang tinatanong ko!" dipensa ko, natatawa na nga.

 

 

Nakita ko ang pag-irap ng kaniyang mga mata bago ito pinanatili sa paper bag na hawak ko.

 

 

I picked a black cap with a logo of adidas on it. Hindi ko mapigilan ang pag ngisi nang hawakan ito at itaas, tama lang para makita naming dalawa.

 

 

"Ano 'to?" hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya, umaabot ang ngiti sa mga mata.

 

 

Her faced remained stoic while she speak.

 

 

"Cap, 'di mo alam tawag dyan?" masungit na pambabara niya.

 

 

I played my tongue from the inside of my mouth before laughing.

To Win You (Pamantasan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon