Fifteen: Gilliana

Start from the beginning
                                    

Grabe, sobrang pafall ng lalaking ito! Talagang dinayo niya ang Pasig para lang ilibre ako.

At pinuntahan niya ako para isurprise? Nababaliw na ata talaga ito.

"Ang galante mo naman, talagang pupuntahan mo ako para lang ilibre?"

[Sabi ko sayo, loyal ako basta Gilliana Marie ang pangalan.]

And there, I felt the butterflies in my stomach wanting to get out of my body.

Nagmamadali akong magbihis at mag-ayos ng sarili para mapuntahan siya. Sabi naman niya ay ililibre niya lang ako ng pagkain dahil birthday niya. Nang tanungin ko kung bakit sa SM East Ortigas niya napiling magyaya ay dahil raw malapit sa amin.

Abnormal talaga.

"Hi!" nakangiti niyang bungad sa akin nang salubungin niya ako habang papasok sa mall.

Halos kuminang ang mga mata niya at ang mga labi ay umaabot sa mata sa sobrang tuwa kaya napairap ako.

He's wearing a dark blue polo shirt and a white shorts paired with a plain white vans. While I am just wearing a dark jeans and a military green silk tank top. I paired it with a flat shoes to make it look simple.

"Bilisan mo na manlibre para makauwi ka na agad," sagot ko pabalik.

Sumimangot siya sa akin dahil sa asal ko ngunit nanatiling nakatayo sa harap ko, tinitingnan ang suot ko.

"Grabe..." he mouthed.

Agad kumunot ang noo ko dahil sa reaksyon niya. Hindi mawari kung anong tumatakbo sa isip niya.

"Bakit?" naguguluhan kong tanong.

To Win You (Pamantasan Series #2)Where stories live. Discover now