Twelve: Lawrence

173 15 22
                                    

Gilliana Marie:

Hey, I wanna say sorry. I know my words are so harsh so I probably hurt you... I just want to say that I'm sorry for those words, but I'm not sorry because you are really stupid. Huwag kang magtanong kung pwedeng manligaw kung ang "oo" lang ang sagot na gusto mong matanggap. Tsaka don't let your personal feelings affect your academics, you look pathetic.

I softly laugh after reading Gilliana Marie's messaged. May pa-LSM siya umagang-umaga.

Kinusot ko ang mga mata ko bago bumangon. I fixed my bed and walked out of the room to prepare for my morning class.

Nararamdaman kong maganda ang bungad ng umagang ito! I can feel the positive vibes around me!

Ang korni ko, tangina.

Lawrence:

Wala ka manlang good morning? HAHAHAHAHAHA Joke! Wala 'yun, kasalanan ko rin naman. Pero sana naman next time patapusin mo ako sa sasabihin ko para hindi ka nagagalit at nagwawalk-out ng biglaan. Pero basta, oks na tayo ha? See you sa school Marie, namiss kita asarin. HAHAHAHAHAHAHA.

Pagkatapos kong itipa ang mga mensaheng iyon ay naghanap ako ng picture ng meme sa gallery ng cellphone ko para isend.

Napailing ako, nangingiti.

Napakarupok mo naman Lawrence Jake! Isang sorry lang okay na ang lahat. Isang message niya lang, nawala lahat ng ikinagagalit ko.

Okay lang basta Gilliana Marie ang pangalan... Bale wala ang ilang linggo kong pagmumukmok.

I stopped and immediately hide the smile plastered on my face. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakangiti dito. Kung sino man ang makakita sa akin ngayon ay iisiping nababaliw na ako.

"Hoy! Aning ka ba?" nakakunot na tanong sa akin ni Carlo pagkatapos akong hampasin sa balikat.

Agad nagseryoso ang mukha ko saka hinampas sa kaniya ang libro sa Thermodynamics. Inilag naman niya ang braso niya kung saan siya natamaan, bakas pa rjn sa mukha ang pagtataka.

"Problema mong gago ka?" singhal ko sa kaniya bago sumubo sa kinakain kong java rice.

Lunch break namin ngayon at naghahanda para sa susunod na klase. Bigla-biglang nagset ng quiz yung prof namin para sa course niya. Kaya ito kami, nagmamadaling kumain at nagcracram sa pag-aaral.

Si Miguel ay tahimik na nagprapractice ng mga problems habang kumakain. Ganoon rin si Joshua, samantalang si Mark ay nanunuod ng mga videos tungkol rin sa course sa youtube. Itong si Carlo lang ang nangingialam sa buhay ko.

"Kanina ka pa pangiti-ngiti dyan, gago! Nababaliw ka na ba?" he exclaimed that made our other friends look in our direction.

Sumeryoso agad ang mukha ko at uminom sa tumbler ko. Naramdaman ko ang lamig sa mukha ko mula sa hangin, para akong nasa hotseat.

To Win You (Pamantasan Series #2)Where stories live. Discover now