"Pinagsasabi mo," pabulong kong sagot bago muling tumingin sa binabasang libro at notes sa harap ko.

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko at ang malamig na pawis mula sa gilid ng mukha ko. Narinig ako ang mahinang pagtawa ni Joshua sa gilid bago muling nag-aral. Si Carlo at Mark naman ngayon ang nag-uusap habang pasulyap-sulyap sa akin.

Naghahanap ng kakampi 'tong si Carlo, para maasar ako. Napakaabnormal.

"Malalaman rin naman namin 'yun, Lawrence. Maghintay ka," banta ni Carlo habang nanduduro.

Si Mark naman sa tabi niya ay nangingiti lang habang umiiling. I raised my middle finger that made them laugh.

"Hindi pa ako tapos sayo, Manalastas. Tangina mo ah, ba't kayo close no'n ni Lea? Kung sino-sino na lang chinachat mo tapos ipapamigay mo pa schedule natin. Napakalandi mo!"

Nakita ko ang mabilis na pamumula ng mukha ni Carlo kasabay ng paglaki ng mga mata niya. Para siyang batang nahuli sa ginawa niyang katarantaduhan.

"Anong malandi pinagsasabi mo?" nakanguso niyang sagot, nagmamaang-maangan pa.

"Ulol, 'wag ako. Parehas kayo ni Mark na malandi!" I remarked.

"Oh, ba't ako nadadamay? Nananahimik ako dito," Mark wondered.

I shook my head.

Grabe talaga magmalinis ang dalawang ito! Hindi manlang nagdalawang-isip sa mga lumalabas sa bunganga nila!

Mga gago talaga.

I focused on the notes in front of me. Marami pa pala akong kailangan aralin.

Bumuntong hininga ako, naalala na naman si Gilliana Marie. Nagreply siya kanina at oo, na-okay-zoned na naman ako.

Umokay siya na okay na kami? O umokay siya kasi nagreply ako? O umokay siya kasi magkikita kami sa school?

Kung ano man 'yon, wala na akong pakialam. Basta sinabi niyang okay, okay na kaming dalawa. Pilit kong hinanap ang tampo ko sa kaniya dahil sa ginawa niya, kahit ang sakit na binigay niya. Pero para itong nawalang parang bula.

Shet! Kinikilig ako gago. Parang sinisilaban ang pwet ko!

I bit my lower lip, trying to cover up smile. Nilagay ko ang kamay ko sa ilalim ng baba, hawak-hawak ito habang tinatakpan ang mga labing pilit na tumataas.

Finally! Maasar ko na siya ulit, wala na akong paki kung magtaka siya pati na ang mga kaibigan ko.

Let's start again, Marie.

"Gilliana Marie Elchico!" masayang sigaw ko sa buong pangalan niya nang maabutan namin siyang nagtatap ng ID palabas ng pamantasan.

To Win You (Pamantasan Series #2)Where stories live. Discover now