"HAHAHAH buti nga!" Sabay belat ko sa kanya.

"Jema oh, inaaway ako ng jowa mo." Sumbong ni Ate Bea kaya napatigil sa pagkain si Jema at tumingin sa kanya.

"Hindi naman kami." Sagot niya atsaka nagpatuloy sa pagkain. Napasimangot naman ako sa naging sagot niya.

"Malapit na ulit Margarett." Bulong ko sa kanya pero hindi na naman niya ako pinansin. Huhuhu.

Natapos kaming kumain pero hindi ako kinakausap ni Jema. Nakikipagkwentuhan siya sa mga teammates ko at kila Ate Ly pero sakin hindi :( Nagpagpasyahan muna naming bumalik sa mga kwarto at magpahinga. By the way, roommates ko sina Ate Bei, Ate Mads and Pongs.

"Mukha kang ewan dyan Wongskie." Basag ni Pongs sa katahimikan.

"Syempre deadma lang siya kay Mare. Hahahaha!" Ang lakas talaga mang-asar ni Ate Bei.

"De Leon! Tigilan mo yang si baby D." Suway sa kanya ni Ate Mads kaya napangiti naman ako. "Kawawa ka naman baby D HAHAHAHA!"

Napasimangot ulit ako. "Nakakatulong kayo sobra."

"Kami pa. HAHAHA!" Pongs chuckled kaya nilapitan ko siya at dinaganan. "Deans!!!"

"Oh ano laban ka?" Mapang-asar kong tanong sa kanya.

"Hindi na HAHAHA! Umalis ka dyan!" Umalis naman ako at naupo.

"Tulungan niyo kasi ako." Parang bata kong paki-usap sa kanila.

"Masyado ka kasing feeling e. Yan napala mo. Hahaha." Asar ulit ni Ate Bea.

"Suyuin mo na lang yun mamaya Wongskie. Mapahinga na muna tayo. Napagod ako sayo." Sabi naman ni Pongs at humiga na sa kama. Bumalik na rin ako sa kama ko at natulog ng sandali.

.....

Nagising ako dahil may nambato ng unan sakin.

"Ano ba yan Pongs! Porket okay na ako, pwede mo na akong batuhin?" Inis kong tanong at binato ulit ang unan sa kanya.

"Pwede rin. Hahaha! Tumayo ka na dyan at magdi-dinner na tayo!" Sagot niya at lumabas na ng kwarto. Ganun na ba katagal yung tulog ko at umabot ng ilang oras?

Naligo muna ako at nagsuot ng long sleeves and jogging pants. Habang naglalakad ako papunta sa resto dito sa resort, may biglang lumapit sa akin na babae.

"Deanna Wong?" Tanong nito nang makalapit sakin.

"Hmm yes. Do I know you and pano mo ako nakilala?"

"I don't think so hahaha. I'm Ysa Jimenez. I'm also a volleyball player like you. Taga UST ako. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Deanna Wong na Best setter last season." Mahabang sagot niya. Sasabihin ko sana "hindi ko tinatanong." but I don't want to be rude noh. HAHAHA.

"Oh okay. I'll go ahead na." Naglakad na ako palayo pero may narinig akong sinabi niya.

"See you around!" Sabi niya.

Naabutan ko na silang kumakain at nagtatawanan.

"Baby D, buti naisipan mo pang sumabay samin. Hahaha." Bungad sakin ni Ate Jia pero hindi ko na siya pinansin at kumuha na ng pagkain. Bumalik ako at tumabi kay Pongs dahil yun na lang ang vacant. Nakagitna kasi si Jema kina Kyla at Risa.

"Ah Deans, umuwi na pala sa Cebu ang family mo. May kailangan pa daw kasi silang asikasuhin. Hindi na sila nakapagpaalam dahil tuloy ka." Sabi ni Ate Mads. Tumango na lang ako bilang.

Nabalot kami ng katahimikan ng ilang minuto. Hanggang sa may nagsalita.

"Guys, may pinalagay akong bonfire dun sa seashore. Let's play Truth or Dare doon." Alok ni Ate Bea.

"Ang luma naman ang naisip mo Bei." - Ate Ly.

"Let's give it a twist." Suggest ni Ate Jia.

"Ano?" Sabay-sabay nilang tanong.

"Kung nagtruth ka and you don't want to answer the question, you have to drink those." Sabay turo sa mga whiskey, vodka and other alcoholic drinks. "And ganun din kapag dare ang napili mo. So game?"

"Game!" Naglakad na kami papunta sa bonfire bitbit ang mga drinks. Nilapitan ko si Jema at sinubukang kausapin pero wala talaga e! Kaya wala akong nagawa kundi tumabi sa mag teammates ko.

"Let's start. Paikot na lang. Una sayo Pongs." Sabi ni Jules.

"Truth or Dare?" Tanong kanya ni Dani.

"Hmm truth."

"What's the real score between you and Kobe?" Tanong ni Ate Ly.

"He's courting me po." Sagot naman ni Pongs. Sunod naman si Ate Bea.

"Truth or Dare?"

"Truth." Sagot niya.

"Okay na kayo ni Jho?" Tanong sa kanya ni Ate Jia. Bumuntong hininga muna si Ate Bei bago sumagot.

Akala namin sasagot siya pero ininom niya ang tatlong baso ng whiskey.

"Woahhhhh."

Nagpatuloy ang game hanggang sa ako na ang sasagot.

"Deans, truth or dare?" Tanong ni Kyla.

"Uhmmm...." Tulungan niyo ko. Hindi ako ready sumagot. Hindi rin ako ready sa ipapagawa nila.

"Sagot."

"Truth." Yan na nga lang.

"Nagkiss ba kayo ni mich?" Tanong ni Ate Mads. Si Ate Bei na may nakatingin sakin at nakangiti ng nakakaloko. Yari na!

Lahat sila naghihintay ng isasagot ko.

"Ahhh.."
































































A VolleyLife With You Where stories live. Discover now