XXXVIII (WAKAS)

4.3K 221 60
                                    

Hindi mapakali ang kinakabahang si Rafael na kanina pa naglalakad ng pabalik-balik sa labas ng operating room sa isang Ospital. Sa loob kasi ng kuwartong iyon, ang asawa nitong si Joshua na higit isang oras ng inooperahan ng mga doktor, para sa panganganak nito sa ikalawa at ikatlo nilang anak.

"Diyos ko, iligtas mo po ang anghel ko at ang kambal namin." paulit-ulit na usal na dasal ni Rafael na patuloy parin sa ginagawang paglalakad.

Gaya ng asawa ng kanilang anak, naroon rin at kinakabahan ang mag-asawang Santos.

"Grandma, is papa and my little brother and sister are going to be alright?" tanong ni Kristoff sa lola na kalong-kalong siya.

"Oo naman apo, basta pag-pray natin sila." sagot ni Wilma sa apo.

"Uncle, magiging okay lang silang lahat." pagpapalakas ng loob ni Luis sa tito nito.

"Tama ka Luis." sang-ayon ni Rafael sa pamangkin, dahil hindi nito alam ang gagawin niya, kapag may nangyaring masama isa man sa kanyang anghel o sa kanilang mga anak.

"Uminahon ka Rafael, makakaya ni Joshua iyan, kaya umayos ka." seryosong saad ni Jaime sa kapatid.

"Oo kuya." sagot ni Rafael at matapos nitong uminahon, sunod na narinig nila ang mga ingay na dulot ng bagong silang na mga sanggol.

"Ang mga anak ko." saad ni Rafael na nabuhayan ng loob sa narinig, at naluha na rin sa sandaling iyon dala ng labis na kaligayahan.

Gaya ni Rafael, masaya rin ang mga kasama nito. Kaya naman sa pagbukas ng pinto, mataman silang naghintay sa sasabihin ng lumabas na rin na doktor.

"Congratulations, parehong ligtas at malulusog ang dalawang sanggol, pati na si Joshua, pero dala ng gamot na nasa katawan ng pasyente ay pansamantalang nakatulog ito, ilan sandali lang at maaari na ninyong makita ang mga sanggol sa nursery." nakangiting saad ni Dr. Alcatara na doktor rin noon ni Joshua sa una nitong panganganak.

"Salamat po dok." saad ni Rafael at nakipagkamay ito sa doktor.

Matapos isa-isang magpasalamat ang mag-anak na Santos at Montero sa doktor ni Joshua. Naghihiwa-hiwalay na ang mga ito, si Rafael na kaagad sinamahan ang bagong panganak na asawa kasama ng panganay na si Kristoff, ang mga magulang naman ni Joshua at ang mag-amang Jaime at Luis ay sa nursery nagpunta para makita ang kambal.

"Salamat sa Diyos at okay kayo ng kambal natin, anghel ko." kausap ni Rafael sa natutulog parin na asawa, sabay hagkan nito sa ulo ni Joshua.

"Daddy, excited na po akong makita ang mga kapatid ko." saad ni Kristoff.

"Pareho tayo Kris, kaya be a good kuya to them okay." sagot ni Rafael at pangaral nito sa panganay na anak.

"Opo daddy, I'll be the best kuya!" maagap na sagot ni Kristoff.

Natuwa naman si Rafael sa sagot na iyon ng anak, at sabay silang nagbantay ni Kristoff hanggang sa magising na si Joshua.

...

Sa pagkakaroon ng malay ni Joshua, kaagad bumungad sa kanya ang asawang si Rafael na kalong sa magkabilang braso ang kanilang kambal.

"Anghel ko, ang sarap pala sa pakiramdam na hawak-hawak ang mga munting anghel natin." saad ni Rafael na piniligilan ang maluha, habang nakatingin sa nagising ng asawa.

"Tama ka Rafael, ganyan na ganyan ang pakiramdam ko noong isilang ko si Kristoff, paano bilang bawi mo sa akin, mukhang mapapasabak ka sa pagpapalit ng mga lampin at pagpadede ng mga gatas nila." sagot at biro ni Joshua sa asawa.

"Ayos lang sa'kin 'yon anghel ko, mukha namang mababait ang mga munti nating anghel." maagap na sagot ni Rafael at inilapit na ang kalong-kalong na kambal, para itabi ito sa asawa.
"Anong ipapangalan natin sa kambal anghel ko." tanong nito sa asawa.

Puti at Itimحيث تعيش القصص. اكتشف الآن