XXXIII

3.3K 205 29
                                    

Matapos ang ilang oras na pamamasyal sa Ocean Park, at kumain sa restong malapit sa lugar. Ngayon ay sakay na ng sasakyan ang nagmamanehong si Rafael, kasama ang kanyang mag-ama, at tinatahak na nila ang daan pauwi sa resthouse sa Batangas.

"Napagod ang anak natin." saad ni Joshua na pinagmamasdan ang natutulog nilang anak, na nakahiga sa kanyang hita at kasama niya ngayon sa likurang bahagi ng sasakyan.

"Oo nga, naubos ang energy niya sa kakatakbo sa lugar." sang-ayon ni Rafael, na tumingin naman sandali sa salaming nasa harapan ng sasakyan, para makita ang ayos ng kanyang mag-ama.

"Salamat, Rafael." saad ni Joshua na abala rin sa paghaplos sa buhok ng natutulog na anak.

"Hindi anghel ko, salamat sa inyo ng anak natin." ngiting sagot ni Rafael na muling tumingin sa salamin, para magtagpo ang mukha nila ni Joshua.

...

Pagkahinto ng sasakyan na minamaneho ni Rafael, ibayong pagkamangha ang naging reaksyon ni Joshua sa magandang bahay na bumungad sa kanya.

"Ang ganda." mahinang saad ni Joshua na 'di na napigil ang sarili.

"Mabuti naman ang nagustuhan mo, heto ang susi, ikaw na ang magbukas at kakargahin ko ang anak natin." saad ni Rafael at abot nito ng mga susi kay Joshua.

Pagkaabot ni Joshua sa mga susi, mabilis nitong nabuksan ang gate, sunod ay tinungo na nito ang pinto ng magandang bahay para buksan rin ito.

Karga ang natutulog na anak, sinundan ni Rafael ang kanyang anghel na mabilis na nabuksan ang gate, at ngayon ay nasa pintuan na ng nakabukas na bahay.

"Pasok na tayo." ngiting yakag ni Rafael at isang tango naman ang naging sagot sa kanya ni Joshua.

Pigil parin ni Joshua ang sarili na mamangha, habang abala ang kanyang mga mata sa pagtingin sa paligid ng bahay ni Rafael.

"Samahan mo kami sa taas ng anak natin, nandoon ang kuwarto ni Kristoff at syempre ang kuwarto natin." ngiting baling ni Rafael, sa anghel niya na abala parin sa pagtingin sa kabuuan ng bahay nila.

"Ang mahal siguro ng bili mo dito Rafael." 'di na napigilang komento ni Joshua, na nasa likod ngayon at sinusundan ang pag-akyat ng kanyang mag-ama sa ikalawang palapag ng bahay.

"Hindi ko ito binili, minana ko ito kay mom at dad." sagot ni Rafael at sandali itong tumigil ng makarating na ito sa pintuan ng kuwarto ng kanilang anak.

"Ako ng magbubukas." saad ni Joshua ng makita nitong akmang bubuksan ni Rafael ang pinto.

"Salamat anghel ko, sana magustuhan ni Kristoff ang kuwarto niya." saad ni Rafael, matapos mailagay sa kama ang natutulog parin nilang anak.

"Hindi lang gusto, gustong-gusto, tignan mo nga ang dami ng mga ito Rafael!" 'di makapaniwalang bulalas ni Joshua, na ngayon ay nakatingin sa maraming iba't-ibang laruan na narito sa kuwarto.

"Marami na ba 'yan? Dadagdagan ko pa sana bukas pagpunta natin sa mall." saad ni Rafael na mabilis na pumunta sa likod ni Joshua, at kaagad rin kinulong ang huli sa kanyang mga braso.

"Tama na ang mga ito, hindi sobra-sobra na nga Rafael." sagot ni Joshua at humarap na sa mahal.

"Hayaan mo na akong i-spoil ang anak natin, at syempre ikaw rin." saad ni Rafael. At dahil magkaharap na sila ngayon ni Joshua, dahan-dahang yumuko at nilapit ng binata ang kanyang mukha sa kanyang anghel.

Alam ni Joshua ang gustong mangyari ni Rafael sa oras na iyon, at wala siyang pagtutol sa bagay na iyon. Dahil maging siya ay hinahanap-hanap ang masarap na halik ng lalaking minamahal.

Puti at ItimUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum