XXIII

3.2K 222 28
                                    

Sa ginawang paghalik ni Rafael kay Joshua, batid ng una ang gulat na reaksyon ng huli dahil sa parang naestatwa ito. At sinamantala na ng bilyonaryong binata ang pagkakataon iyon, gamit ang dalawang niyang kamay ay lalo pa nitong diniinan ang pagtatagpo ng mga labi nila ni Joshua.

Sa panig ni Joshua, tila tumigil ng panandalian ang nasa kanyang paligid, hindi rin nito alam ang gagawin sa 'di nito inaasahang paghalik sa kanya ni Rafael, kaya naman nanatili lang ito at hinayaan ang ginagawang paghalik sa kanyang mga labi ng kani-kanilang ay kinaiinisan nito.

Hindi alam ni Rafael kung anong tumatakbo sa isipan ngayon ni Joshua, pero sa panig ng binata ay higit pa pala ang sarap na dulot ng mga labi ng kanyang anghel na ngayon ay natitikman na niya, kumpara sa naiisip nito noon at palagi rin nitong napapanaginipan, kaya naman hindi niya hahayaan na hindi kaagad muling matikman ang masarap ng mga lambing ito ni Joshua.

Hindi maipaliwanag ni Joshua ang sarap na nararamdaman, na dulot ng mga labi nila ni Rafael na patuloy sa paghahalikan. At ng maisip na ng binata ang kasalukuyang nangyayari sa pagitan nila ni Rafael, mabilis na naitulak nito ang pangahas na unang umangkin sa kanyang birhen pang mga labi.

Ang masarap na sandaling ayaw ng matapos pa ni Rafael, na dulot ng magkatagpong mga labi nila ni Joshua ay pinutol ng huli sa ginawa nitong pagtulak sa kanya. Sunod ay ang namumulang mukha at namamagang mga labi ni Joshua ang bumungad kay Rafael.

"Binabawi ko na ang sinabi kong idemanda mo ako sa ginawa ko ngayon, mukhang gustong-gusto mo rin pala." ngising saad ni Rafael na muli ay gusto nitong makita ang inis na mukha ng kanyang anghel.

"Gusto mo mukha mo! 'Di hamak na mas magaling humalik sa'yo ang pamangkin mo." 'di papatalong balik ni Joshua at muli ay nagsinungaling na naman ito.

"Anong sabi mo?!" saad ni Rafael na ibayong selos at pagkapahiya ang naramdaman nito.

"Hindi ko alam na bingi ka na rin pala ngayon Mr Montero. Siguro naman maliwanag na sa'yo na wala akong interes sa iyo, at lubayan mo na kami ng anak ko." ngiting sagot ni Joshua at alam ng binata na nanalo ito sa bangayan nila ni Rafael.

"Nagkakamali ka yata Mr Santos, wala na akong pakialam kung wala kang interes sa akin, pero inuulit ko, kikilalanin ako ng anak ko tapos ang usapan." saad ni Rafael na bagamat nagsinungaling ito, dahil umaasa parin itong mamahalin rin siya ni Joshua.

"Kung ganun goodluck na lang sa'yo, dahil alam kong mas papaniwalaan ako ni Kristoff." ngising sagot ni Joshua at iniwanan na nito si Rafael.

Napabuntong hininga na lamang si Rafael na tumingin sa papalayong si Joshua.

'Nagalit man, ang importante ay natikman ko na rin sa wakas ang mga labi ng anghel ko.' saad sa isip ni Rafael at napailing na lang ito pagkatapos.

...

Sakay ng minamanehong sasakyan ni Joshua ay magkasama silang bumalik ni Kristoff sa kanilang bahay. Nakasunod naman ang kanyang tatay na minamaneho ang pinampapasadang taxi. Pero ang ikinanoot-noo ni Joshua ay ang isa pang sasakyan na sumusunod parin sa kanila, ito'y ang sasakyan na minamaneho ni Rafael.

"Nakakainis talaga ang lalaking iyon." saad ni Joshua.

"Papa, sino pong nakakainis?" tanong ni Kristoff sa papa niya, na kasalukuyang hindi maipinta ang itsura at abala sa pagmamaneho.

"Ah wala baby, may naisip lang si papa." sagot ni Joshua.

At ilang sandali pa nga ay nakarating na sila sa kanilang bahay.

"Kristoff pasok ka na sa loob okay, may kakausapin lang saglit si papa." baling ni Joshua kay Kristoff matapos nitong pagbuksan ng sasakyan ang anak.

"Okay po papa, si tito Rafael po ba iyon, ang bait po niya no, kasi he gave us toys po." saad ni Kristoff bago ito tuluyang bumaba sa sasakyan.

"Yeah baby si tito Rafael nga ang kakausapin ni papa. Sige na pasok kana sa loob." sagot ni Joshua at sinamahan na munang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang anak.

"Sige anak, pagkatapos niyong mag-usap ng boss mo ay ayain mo siyang mananghalian sa atin." saad ni Martin na narinig ang sinabi ng anak.

"Ah hehe, sige po tay." ilang na sagot ni Joshua, at pigil nito ang inis, dahil sa maikling panahon ay nagawa ng kuhanin ni Rafael ang loob ng dalawang lalaking mahalaga sa kanya.

"Ang sweet mo naman Josh, hinintay mo pa talaga ako." ngiting saad ni Rafael pagkababa nito sa sasakyan.

"Ang sweet ko no, hayaan mo papakainin kita palagi ng matatamis para magkadiabetes ka." inis na balik ni Joshua sa nakangiti at aaminin niyang guwapong mukha ng kaharap.

"'Di na kailangang ng iba pa, mga labi mo palang sapat na para magkadiabetes ako." ngising sagot ng hindi papatalong si Rafael.

Pinamulahan naman ng mukha si Joshua sa narinig nito kay Rafael, at tsaka mabilis na bumalik sa kanya ang unang halik na ipinadama kanina ng huli.

"Hahaha hayan ah tumawa na ako, nakakatawa kasi ang joke mo." inis na saad ni Joshua.

"Sus kunwari ka pa, kung nakita mo lang ang mukha mo kanina habang sarap na sarap ka sa ginawa ko, gusto mo ulitin natin." suhestiyon ni Rafael na hindi parin mawala ang ngisi sa mukha.

"Subukan mo at ingungod ko ang mukha mo sa pader, mas gugustuhin ko ng halikan si Ash kesa ang mahalikan muli kita."

"Ang bayolente mo talaga pagdating sa akin, mas gusto mo pang halikan ang asong bigay ko sa'yo kesa ang halikan muli ako?" 'di makapaniwalang saad ni Rafael na nadulas na sa sandaling iyon.

"A-anong sabi mo?" tanong ni Joshua na 'di nakaligtas ang narinig nito kay Rafael, tungkol sa alaga niyang aso.

"Ano bang sabi ko?" kunwaring tanong ni Rafael na nagsisisi, at nabanggit nito ang tungkol sa asong bigay niya kay Joshua noon.

"Sa'yo ga-galing si Ash?" kumpirma ni Joshua at alam nitong posible ang bagay na iyon, dahil noong panahong masaya pa silang magkasama ni Rafael, nabanggit nito sa bagong kaibigan ang tungkol sa kagustuhan nitong magkaroon ng alagang aso.

Isang tango lang ang naging sagot ni Rafael, alam ng binata na wala ng dahilan pa para itanggi nito ang tungkol sa bagay na iyon, dahil alam nitong matalino ang anghel na kaharap niya.

"Salamat Rafael." nakangiting saad ni Joshua.

Hindi naman makapaniwala si Rafael sa nakikitang nakangiting mukha ngayon ng kanyang anghel, akala ng binata ay ikagagalit ni Joshua kapag nalaman nito ang katotohanan.

"Walang anuman anghel ko." nakangiting sagot ni Rafael at lumapit pa ito lalo kay Joshua.

Kita ni Joshua ang paglapit sa kanya ni Rafael, at kasunod nga noon ay ang dahan-dahang paglalapit rin ng kanilang mukha. At bilang sagot ni Joshua sa mga mata ng kaharap na wari mo'y humihingi ng permiso sa kanya, isang ngiti ang naging sagot ni Joshua at pumikit na rin sa sandaling iyon, kasunod nito ay ang muling pagtatagpo ng mga labi nila ni Rafael.

Puti at ItimWhere stories live. Discover now