VI

4K 217 29
                                    

Handa na muling pumasok si Joshua sa eskwelahan, at muli ay papunta na ito sa pila ng mga tricycle driver na malapit sa kanila. Habang papunta na nga ang binatang sakristan sa pila ng mga namamasada, kaagad nakatawag ng pansin kay Joshua ang bagong tricycle na nasa unahang pila at nakilala rin nito ang driver ng nasabing trike.

"Josh, sakay ka na." saad ni Rafael ng makita ang lalaking anghel, na ilang metro na lang ang layo sa kanya.

"Sige kuya." sagot naman ni Joshua at sumakay nga ito.

"Hindi kita nakita kahapon, wala ka bang pasok." tanong ni Rafael, kahit pa alam na nito ang totoo at ang nais lang ay magkausap sila ni Joshua.

"Ah oo kuya, ikaw kuya, buti at namasada ka ngayon, kasi nung dalawang beses akong nakasakay sa'yo ay parehong Lunes iyon." saad ni Joshua. Lihim sa kaalaman ng binatang sakristan, iba ang dating ng pagkakasabi niyang iyon para kay Rafael. At dahil sa iba nga ang dating  nito kay Rafael, naramdaman na lang ng sigang binata ang pagsikip ng kanyang patalon.

"'Di bale Josh, limang beses mo na akong sasakyan." ngising sagot ni Rafael na natawa pa sa sandaling iyon.

"Ibig sabihin araw-araw ka ng mamasada kuya? Mukhang bago rin itong trike mo ah." tanong at pansin pa ni Joshua, na walang kaide-ideya sa sagot kanina ni Rafael.

"Oo bago nga, pero hulugan lang iyan, kaya dapat lagi mo akong sakyan, para may panghulog ako." sagot ni Rafael, na lalo namang tumigas ang malaking laman sa pagitan ng mga hita nito.

"Hahaha maari ba iyon, paano naman kung sa iba ako sumakay bukas, hindi naman siguro posible na laging ikaw ang masasakyan ko hindi ba? Oo nga pala paandarin mo na kuya at medyo napahaba na ang kuwentuhan natin." saad ni Joshua.

"Tama ka Josh, mahaba na nga at matigas pa." sagot ng pilyong si Rafael.

"Ha? Anong matigas?" takang tanong ni Joshua.

"Ah itong preno medyo matigas pa, kasi bago pa lang." palusot na sagot ni Rafael at pinaandar na nito ang tricycle.

...

"Salamat kuya, heto ang bayad." saad ni Joshua, pagkahinto ng motor sa sakayan ng jeep.

"Salamat din Josh, oo nga pala, anong oras ang uwi mo para maisakay rin kita pauwi sa inyo?" tanong ni Rafael.

"Alas-singko ng hapon kuya at ano pala ang pangalan mo? Kasi ako kilala mo na ako." sagot at tanong ni Joshua na nakangiti pa sa sandaling iyon.

"Oo nga, ako pala si Rafael." ngiting sagot ni Rafael.

"Sige mauna nako, kuya Rafael." paalam ni Joshua at masaya itong nalaman ang pangalan ng tinawag nitong minsan, na wirdong driver.

"Sige ingat ka Josh." sigaw na sagot ni Rafael.

Pagkaalis ni Joshua, sandaling inayos ni Rafael ang malaking kargada na dulot lang ng pag-uusap nila ng una.

'Tang-ina! Anong ginawa mo sa akin Josh.' saad sa isip ni Rafael.

...

Sa sumunod pang mga araw ay laging si Rafael ang naghahatid-sundo kay Joshua, papunta sa kanto ng sakayan ng jeep at pauwi sa kanilang bahay.

Nagkapalagayan na rin ng loob ang dalawa ng dahil dun. Si Joshua na masaya sa bagong kakilala, na kahit mukhang barumbado sa unang tingin para sa kanya, inaamin ng binatang sakristan na parang kuya na ang tingin niya kay Rafael, kahit pa minsan ay madalas na biruin siya nito, lalo na ng ipinagtapat nito sa bagong kakilala na hindi pa siya nagkakaroon ng nobya. Sa panig naman ni Rafael, hindi kumpleto ang araw niya sa tuwing hindi niya masisilayan ang kanyang anghel, iba ang naging epekto ni Joshua sa buhay niya, dahil sa lumipas na isang buwan mula ng ihatid-sundo niya ito, hindi na muli siya nakipag-basag ulo, kaya naman wala nang rambol pa ang nangyari sa kanilang lugar.

Puti at ItimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon