II

4.9K 259 26
                                    

Pagdating ni Joshua sa kanila, sa tulong ni Luis na inihatid siya.

"Pasok ka muna brother." anyaya ni Joshua kay Luis.

"Salamat brother, pero kailangan ko na rin umalis." tanggi ni Luis.

"Sige ingat ka pagdadrive brother, at ako nga ang dapat na magpasalamat, naabala pa tuloy kita." nahihiyang saad ni Joshua.

"Walang kaso iyon brother, sige kita na lang tayo sa linggo."

"Sige, salamat ulit brother." saad ni Joshua.

...

Kinabukasan ay maagang nagising si Joshua, para muling pumasok sa paaralan. Kasalukuyang grade 12 siya sa pampublikong paaralan, at isang sakay ng tricycle at isang sakay pa ng jeep, ang araw-araw nitong ginagawa para marating iyon.

Ang tatay niya ay nagtatrabaho bilang driver ng isang pulitiko sa kanilang lugar at mananahi naman ang kanyang nanay. Isang beses lang sa isang buwan kung umuwi ang kanyang tatay, pero madalas naman na nakakausap nila ito ng kanyang nanay sa cellphone.

At gaya ng dati, sanay na ang binatang sakristan sa mga gawaing bahay, dahil na rin sa ayaw na nitong dumagdag pa sa nanay nitong pagod sa maghapong pananahi.

Pagkatatapos makaluto ng almusal nilang mag-ina, pinuntahan na ni Joshua ang kanyang nanay sa kuwarto, para gisingin ito.

"Nay, bangon na, nakahanda na ang almusal." gising ni Joshua sa ina.

"Hay ang bait talaga na anak ko, sige mauna ka na, lalabas na rin ako." sagot ni Wilma sa anak.

"Sige po." sagot ni Joshua at lumabas na ito.

...

Habang kumakain ang mag-ina.

"Anak, nabalitaan ko kay Mareng Matet na may rambol na naman daw kagabi sa basketball court." kwento ng ginang sa anak.

Sa narinig na iyon ni Joshua, kinakabahan man sa magiging reasyon na 'yon ng kanyang ina, ipinagtapat ng binatang sakristan ang pangyayaring nakita mismo ng kanyang dalawang mata.

"Alam ko po 'yon nay, kagabi ng pauwi ako galing ng simbahan, nasa malapit na ako sa basketball court at nakita ko mismo ang rambol na iyon ng mga kalalakihan." kuwento ng binatang sakristan, na sa tanang buhay ay hindi pa nagawa ang magsinungaling kahit na isang beses lang.

"Susmaryosep anak! Mabuti at walang nangyaring masama sa iyo!" gulat at alalang bulalas ng ginang.

"Nay, dumating naman si brother Luis at siyang naghatid sa akin dito sa atin." paliwanag ni Joshua.

"Eh paano anak kung hindi siya dumating para maihatid ka, iyan na nga ba ang sinasabi ko, hindi naman sa gusto kong tumigil ka na sa pagsasakristan, pero anak masyado ng delikado ngayon, magkokolehiyo ka na rin sa susunod na pasukan, ayaw mo bang iwanan na ang pagsasakristan at magpokus ka na lang sa pag-aaral." nag-aalalang suhestiyon ng ginang sa nag-iisang anak.

"Nay naman, alam ho ninyo ang sagot ko sa bagay na 'yan hindi ba? At malakas ang pananalig ko sa Diyos na hindi naman niya ako papabayaan." saad ni Joshua at pilit nito sa pagsisilbi sa simbahan.

"Hay! Ano pa nga bang magagawa ko, nagmana ka talaga sa tito mong pari, pero anak, sigurado ka bang ayaw mong magpari?" saad at muling tanong ng ginang sa anak.

"Opo, sapat na po siguro ang pagiging sakristan ko, para mapaglingkuran ang Diyos. Isa pa nay, gusto kong mabigyan ko kayo ng apo ni tatay." sagot ni Joshua at pagtitiyak nito sa ina, na nag-aalalang magpapari siya at hindi nito mararanasan ang pagiging lola.

"Salamat kung ganun anak, hindi sa ayaw kong magpari ka, pero sapat na siguro na pari ang tito mo." depensa naman ng ginang.

Matapos ang pagkain nila ng almusal ng kanyang ina, nagtungo na sa banyo si Joshua para maligo at para makapasok na rin ito sa eskwelahan.

Puti at ItimWhere stories live. Discover now