XXXI

3.2K 191 50
                                    

Piniling 'wag tugunan ni Joshua ang ginagawang paghalik ng mga bihasang labi ni Rafael, kahit pa alam niya sa sarili na gusto rin nito ang ginagawang pag-ankin ng guwapo at matipunong lalaki sa kanyang mga labi.

At gaya nga ng kanyang inaasahan, huwilay na ang mukha ni Rafael ng wala itong makuhang pagtugon sa kanya. Sa paghihiwalay nga ng kanilang mukha, sunod ay isang sampal rin ang ibinigay ni Joshua sa pangahas na lalaki.

Naiintindihan ni Rafael ang hindi pagtugon ni Joshua sa pangahas na mga halik niya. At pagkahiwalay nga ng kanyang mukha sa anghel na nasaktan niya na naman, inaasahan na rin niya ang malakas na sampal na iginawad sa kanya ng mahal.

"Hindi ko alam kung anong laro ang gusto mo Rafael, pero utang na loob, tama ng ako na lang at 'wag na 'wag mong idadamay si Kristoff." saad ng nagpipigil ng emosyon na si Joshua.

"Anghel ko, hinding-hindi ko gagawin iyon sa anak natin, at sorry kung iyon ang naiparamdam ko sa'yo sa nakalipas na araw. Kaya nga nandito ako, para ipaliwanag sa'yo, kung bakit nagawa ko ang masaktan na naman kita."

"Sige pagbibigyan kita at pagkatapos mong magpalinawag, sabihin mo na rin sa akin kung bakit may kasama kang abogado."

"Salamat anghel ko." sagot ni Rafael at inumpisahan na nito ang pagkukuwento sa lahat ng kanyang mga nalaman, kasama na ang pagpapaliwanag nito kung bakit nito nagawang masaktan muli si Joshua.

Sa mga nalaman ni Joshua ay naliwanagan na ito kahit papaano. At isang bagay ang gumugulo ngayon sa kanyang isip, ito ay kung sino ang taong nasa likod para magkasira sila ni Rafael.

"Paano anghel ko, galit ka parin ba sa akin?" kabang tanong ni Rafael pagkatapos nitong magkwento at magpaliwanag.

"Anong sa tingin mo?" masungit na sagot ni Joshua.

"Ang sabi ko nga galit ka parin." sagot ni Rafael sa sariling tanong at napakamot na lang ito sa batok.

Kita naman ni Joshua ang pagflex ng malaking braso ng guwapo at makisig na lalaki, na parang mabait na tupa ngayon at hinihingi ang kapatawaran niya. Nang maisip ang ginagawa ay mabilis ng inalis ni Joshua ang kanyang paningin sa malaking brasong iyon ni Rafael.

"Hindi mo pa sinasagot ang dahilan ng pagpunta mo rito kasama ng abogado mo. Single pa ba ang guwapong iyon?" saad ni Joshua at ganti nito sa selosong si Rafael.

"Tungkol sa pagpunta namin ng abogado ko, a-anong sabi mo?!" sagot ni Rafael at inis na tanong nito kay Joshua, dahil hindi nito nagustuhan na interesado ang kanyang anghel kay Steven.

"Napapadalas ang pagkabingi mo Mr Montero, mabuti pa ay ipatingin mo na iyan sa espesyalista at baka malala na 'yan. At huwag mo ng sagutin ang tanong ko, mas maganda siguro kung ako na lang mismo ang magtatanong kay Attorney sa bagay na iyon." sagot ni Joshua at napangisi pa sa huling binitawan nito.

"Subukan mong gawin iyon at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." banta ni Rafael na pigil rin ang selos na nararamdaman.

"Pinagbabantaan mo ba ako Rafael? At ano namang masama kung itanong ko iyon kay Steven, sa pagkakaalala ko, wala naman akong karelasyon." tanong ni Joshua at muli'y asar nito sa nakatiim bagang ngayong si Rafael.

"Hindi mo pa ako sinasagot, pero hindi ibig sabihin nun ay maaari ka ng tumingin sa iba, hindi ako makakapayag." seryosong saad ni Rafael.

"Huwag mo 'kong didiktahan sa gagawin ko, dahil wala kang karapatan sa'kin. At kahit pa halikan ko si Steven sa harapan mo, wala kang magagawa." inis pa ni Joshua sa alam nitong sasabog na sa selos na lalaki.

"Putang-ina! Akin ka lang Joshua!" galit na saad ni Rafael na sumabog na nga sa ibayong selos na nararamdaman. At sa isang iglap lang, mabilis na kinaladkad nito si Joshua papunta sa isang kuwarto. Pagbukas ni Rafael sa kuwarto, mabilis nitong naihiga sa kama si Joshua.

Puti at ItimWhere stories live. Discover now