XXXII

3.1K 201 15
                                    

Sa mga lumipas na mga araw, pinili ni Joshua at Rafael ang maging lihim ang relasyong mayroon sila. Sunod ito sa kagustuhan ng una, dahil hindi pa ito handa na malaman ng mga kasama nila sa hotel ang bagay na iyon.

Naiintindihan naman ni Rafael ang kagustuhang iyon ng kanyang anghel, at matapos nga ang hapunan sa bahay ng mga Santos noong isang gabi. Napag-usapan rin nila ang tungkol sa taong nagnanais na magkasira sila. At isang tao kaagad ang naisip ni Rafael na posibleng may kagagawan sa bagay na iyon, at ito'y ang sekretarya ni Joshua.

Sa panig naman ni Joshua ay hindi ito makapaniwala na magagawa iyon sa kanya ni Rica. Ganunman, naisip nitong posibleng tama ang narinig nito kay Rafael, sapagkat ang sekretarya ang nagsabi sa kanya na gusto siyang makausap ng kaibigang si Luis, na naging dahilan nga ng hindi pagkakaunawaan nila ng kanyang mahal.

Kaya naman sa pagpasok ni Joshua sa mga sumunod na mga araw sa trabaho, pinili nitong mag-ingat sa mga sasabihin at mga gagawin, habang kasama niya ang kanyang sekretarya, na hindi parin niya lubos maisip na sasaksakin siya patalikod.

Sa mga lumipas rin na mga araw, naging madalas rin ang pagsabay sa kanyang kumain ng bagong kaibigang si Russell. Ganunman, kaagad na nagpapaalam muna si Joshua sa kanyang selosong nobyo, tungkol sa pagsama sa kanya ni Russell.

...

At ngayon nga, dumating na ang araw ng Sabado na pinakahihintay ng magkasintahan.

"Kristoff, wake up na at may pupuntahan tayo ni papa." gising ni Joshua sa kanyang anak.

"Really papa?" pupungas-pungas na sagot ng bibong bata.

"Yes baby, kaya bangon na dali para makaligo ka na." sagot ni Joshua at halik nito sa magkabilang pisngi ng cute nilang anak ni Rafael.

...

Sa kusina sa baba, nandoon na ang bihis na bihis na si Rafael at hinihintay ang kanyang mag-ama.

"Excited ka na ba anak?" nakangiting tanong ni Wilma kay Rafael at abot nito sa kape sa nobyo ng anak.

"Opo nay, pero sa susunod kailangang sumama rin po kayo ni tatay."

"Sige kukunbisihin ko si Martin sa susunod, pero tama na munang kayong tatlo ang mag-bonding, tsaka na kami makikigulo ng tatay ninyo."

"Sige po nay, salamat po ulit at binigyan ninyo ako ni tatay ng pagkakataon na makabawi sa mag-ama ko." sinserong pasalamat ni Rafael sa matanda.

"Nararapat lang iyon anak, at isa pa, kung napatawad ka ng anak namin, sigurado kaming dahil iyon sa lubos na pagkakakilala niya sa pagkataong meron ka." sagot lang ni Wilma.

Sa binitawang salitang iyon ng nanay ni Joshua, pigil ni Rafael ang kanyang emosyon. Sa isip ng binata, tunay ngang napakasuwerte niya at dumating sa kanyang buhay ang mabuti at maunawain niyang anghel.

Ilang minuto pa nga ang lumipas at nakita na niya, ang pagbaba ng dalawang taong pinakamahalaga sa kanyang buhay.

"Okay na ba ang lahat?" nakangiting tanong ni Rafael sa kanyang anghel.

"Oo Rafael." sagot ni Joshua na pigil ang sarili na muling titigan ang makisig at guwapong lalaki na kaharap niya ngayon.

"Akin na ang mga bag, at mamaya malaya mo akong titigan kahit gaano pa katagal." saad ni Rafael at bulong nito sa kanyang anghel ng makalapit na ito, para kuhanin ang mga gamit na bitbit ni Joshua.

Pinamulahan naman ng mukha si Joshua, dahil nahalata pala ni Rafael ang ginawa niya kanina.

"Papa, kasama po natin aalis si tito Rafael?" tanong ni Kristoff sa papa niya.

Puti at ItimWhere stories live. Discover now