V

4.2K 243 42
                                    

Gaya nga na sabi ng nanay niya kanina, nadatnan ni Joshua pag-uwi sa kanilang bahay ang kanyang tatay.

"Tay!" masayang saad ni Joshua at mabilis na yumakap sa ama.

"Hahaha, ikaw talaga anak, nung isang linggo palang ang uwi ko, namiss mo naman ako ng sobra." natatawang saad ni Martin sa anak.

"Miss ko talaga kayo tay, buti po nakauwi kayo kaagad?" amin ni Joshua at tanong nito sa ama.

"Mamaya na ang tungkol dun, mabuti pa samahan na nating ang nanay mo, sigurado akong malapit ng matapos ang niluluto nun." saad ni Martin at ginulo pa ang buhok ng anak.

"Sige tay." masayang sang-ayon ni Joshua.

...

Matapos ang masayang hapunan kasama ang mga magulang, nagpresinta si Joshua na siya na lang ang maghugas sa mga pinagkainan nila.

At habang abala ito sa paghuhugas ng plato, naalala nito ang nangyari kaninang umaga.

'Bakit kaya tuwing Lunes lang siya namamasada.' saad sa isip ni Joshua at napangiti pa ito, dahil sa naalalang pagtawag muli sa kanya ng father ng lalaki.

'Oo nga pala, bakit hindi ko naitanong ang pangalan niya, samantalang alam na niya ang pangalan ko.' saad sa isip ni Joshua.

At matapos ang pag-iisip sa lalaki, muling ipinagpatuloy ni Joshua, ang paghuhugas ng mga plato.

...

Ngayon ay nasa sala sila ng kanyang mga magulang, dahil may importante daw na sasabihin ang mga ito sa kanya.

"Anak hindi ba magkokolehiyo ka na sa susunod na pasukan?" simula ni Martin.

"Opo tay, bakit po?"

"Hindi ba ang amo ko ay isang pulitiko? At bilang tulong niya sa akin, binigyan ka niya ng full scholarship sa kolehiyo anak." lahad ni Martin sa magandang balita sa anak.

"Talaga tay! Puwede po ba isang araw ay sumama ako sa inyo, para makapagpasalamat rin ako sa kanya." sobrang sayang reaksyon at pakiusap ni Joshua sa ama.

"Oo naman anak, basta pangako mo sa amin ng mama mo ay pagbutihan mo ang pag-aaral." saad ni Martin na natutuwa sa mabuting anak nilang mag-asawa.

"Pangako, tay, nay, pagbubutihan ko po." maagap na sagot ni Joshua.

...

Martes ng umaga'y, isang bagong tricycle ang pumila sa todang kinabibilangan ni Onyok.

"Pare, naligaw ka yata, miyembro lang ng toda namin ang maaring pumila dito." saad ni Onyok sa lalaking malakas ang loob na pumila at nauna pa sa pilahan nilang magkakatoda.

"May sinasabi ka Onyok?" kunot-noong saad ni Rafael na tinaggal na ang takip na damit sa mukha.

"B-boss! A-anong ginagawa mo dito?!" takot at gulat na gulat na bulalas ni Onyok.

"Ano bang ginagawa ng mga pumipila sa toda, malamang mamasada." walang ganang sagot ni Rafael.

"Pero bakit boss?" 'di na napigilang tanong ni Onyok, na gusto ng batukin ang sarili dahil sa matabil nitong dila.

"Manahimik ka na lang Onyok, at 'wag mong sirain ang araw ko." sagot ni Rafael, na abala na sa pagtanaw sa tanging pasaherong gusto nitong ihatid.

At dahil sa nauuna nga sa pilahan ng mga tricycle drivers ang sigang binata, kaagad na may umakupang pasahero sa trike nito.

"Pogi sa bayan ako." saad ng isang baklang parlorista, na kinikilig sa guwapong driver na ngayon lang nito nakitang nakapila sa todahang iyon.

"Dun ka sa pangalawa sumakay." sagot ni Rafael na nasa kalsada parin ang tingin.

Puti at ItimWhere stories live. Discover now