XII

3.5K 201 6
                                    

Mabilis na lumipas ang dalawang linggo, matapos ang masamang naranasan nito. Ngayon ang araw na pupunta sila sa resort na pagmamay-ari nila Luis, para sa huling pagsasama-sama nilang magkakaibigan. Hindi na rin ipinagpatuloy ni Joshua ang pagiging sakristan nito, na lubos na ipinagtaka ng mga taong nakapalibot sa kanya. Para kay Joshua, matapos ang nangyaring panggagahasa sa kanya ni Rafael, hindi na siya karapat-dapat para pagsilbihan ang simbahan. Natuto na rin itong magsinungaling, para sa ikabubuti lalo na ng kanyang mga magulang. Nagtataka man nung una ang mga magulang sa biglaan nitong pagtigil bilang sakristan, idinahilan na lamang ni Joshua ang tungkol sa pag-aaral nito sa kolehiyo. At dahil ito rin ang gusto, lalo na ng kanyang nanay na nag-aalala sa kanya, mabilis na natanggap ng kanyang mga magulang ang pagtigil ni Joshua bilang isang sakristan.

Matapos mailagay sa isang bag ang mga damit at gagamitin niya sa dalawang araw nila sa resort. Dala ang bag ay lumabas na ng kuwarto si Joshua.

"Anak mag-iingat kayo ah, at huwag masyadong magpakalasing lalo na kung maliligo kayo sa dagat." bilin ni Wilma sa anak ng makitang dala na nito ang kanyang bag, para sa magiging bakasyon kasama ang mga kaibigan.

"Opo nay. Kayo na muna ang bahala kay ash."

"Beep! Beep!" maingay na narinig ni Joshua na galing sa busina ng sasakyan.

"Sige nay, alis na kami, para hindi kami gabihin sa biyahe." paalam ni Joshua sabay halik nito sa ina.

"Bye nak, huwag kang mag-alala sa cute na aso mo, at sabihin mo sa driver ninyo, mag-ingat sa pagmamaneho." huling bilin ng ginang.

"Opo nay."

Paglabas nga ni Joshua, ang van na pag-aari ng pamilya ni Luis ang bumungad sa kanya at sakay na nito ang limang mga kaibigan.

"Sakay na Josh, tabi tayo." sigaw ni Luis na nasa ikalawang bahaging upuan ng van.

Sumunod naman si Joshua at umupo ito katabi ni Luis.

"Excited na ako." saad ni Joshua pagkasakay nito.

"Kami rin Josh, oo nga pala, napag-usapan namin kanina na dalawa ang magtatabi sa isang kuwarto, at ako na lang ang wala pang kasama, payag ka bang magsama na lang tayo?" tanong ni Luis.

"Syempre naman Luis, sino-sino ang magkakatabi sa inyo?" sagot ni Joshua at baling nito sa mga kasama pa nila na nasa likurang bahagi ng van.

"Kami syempre ng kababata ko." sagot ni Wilson na akbay si Francis.

"At kami nitong amboy na ito." sagot naman ni Marlon na akbay si July.

"Gaya lang ng dati Josh." saad ni Luis na umakbay na rin kay Joshua.

"Oo nga, mamimiss ko itong samahan natin." saad ni Joshua.

"Mamaya na ang drama Josh, magsaya na muna tayo!" sigaw ni Wilson na narinig ang kaibigang si Joshua.

At habang patungo sila sa resort nila Luis sa Boracay, sabay-sabay na kumanta ang magkakaibigan.

...

Pagdating nila sa resort, parang batang nag-unahan ang apat sa magkakaibigan papasok sa loob, naiiling naman si Joshua at Luis sa kalokohan ng mga kasama nila.

"Tara na Josh, sundan natin sila at hindi alam ng mga iyon ang mga magiging kuwarto nila." yakag ni Luis sa kasama.

"Tama ka Luis, sigurado akong hinihintay na tayo ng mga iyon." sang-ayon ni Joshua, habang abala ito sa paghanga sa ganda ng resort hotel na pag-aari ng kaibigan.

...

"Heto ang sa inyo, Wilson, Francis." saad ni Luis at abot nito kay Wilson ng dalawang susi na may nakalagay na numerong 55.

Puti at ItimWhere stories live. Discover now