XXXIV

3.1K 207 13
                                    

Matapos maligo, muling sinamahan ni Rafael sa kama ang natutulog niyang anghel, na batid nitong napagod niya ng husto sa tatlong beses na pagniniig nila. Habang pinagmamasdan niya ang payapang mukha ng natutulog niyang anghel, ibayong pasasalamat sa Diyos ang nasa isip ngayon ng binata, at wala na siyang mahihiling pa sa sandaling iyon, dahil natupad na ang muling dasal niya noon sa maykapal, matapos siyang matapawad ng kanyang anghel, at ito'y ang makasama si Joshua at makabuo sila ng pamilya na magkasama.

"Goodnight my angel." saad ni Rafael at hagkan nito sa noo ng natutulog na mahal, sunod ay humiga na rin ito sa kama at inilagay sa kanyang dibdib ang ulo ng kanyang anghel.

...

Gaya nga ng inaasahan ni Joshua, ibayong sakit sa katawan ang bumungad sa kanya pagkagising, pansin rin nito na mag-isa na lang siya sa kuwarto at wala na si Rafael. Kaagad rin bumalik sa kanya ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi, kaya naman nanakit man ang katawan, lalo na ang medyo makirot parin niyang pang-upo, dulot nga ng ilang beses na may nangyari sa kanila ni Rafael, aaminin ng binata na masaya ito at wala siyang pinagsisisihan.

Ganunman ng makita nitong alas-ocho na ng umaga, minabuti na nitong bumangon para makapaghanda na ng almusal. Pero ang tangka nitong pagbangon ay hindi na natuloy, dahil naramdaman nito na lalo pang sumakit ang kanyang katawan, lalo na ang pang-upo nito.

"Ouch!" daing ni Joshua sa sakit at kirot na nararamdaman.

Halos sabay ng pagdaing na iyon ni Joshua, ang pagbukas naman ng pinto sa kuwartong iyon, na dulot ni Rafael na may dala-dalang tray na puno ng mga pagkain.

"Magpahinga ka na muna anghel ko." alalang saad ni Rafael sa nakitang nakangiwing mukha ni Joshua, pagkapasok niya sa kuwarto.

"Rafael ang sakit ng ano ko." reklamo ni Joshua.

"Kaya nga diyan ka muna sa kama anghel ko, heto may dala akong pagkain at may kasama rin na gamot, mamaya inumin mo ang painkiller na ito." saad ni Rafael, na kahit papaano'y nakaramdam ng pagsisisi, dahil nasasaktan ngayon ang kanyang anghel.

"Salamat Rafael, ano ka ba wala kang kasalanan." saad ni Joshua at pagtitiyak nito sa kaharap na magiging okay rin siya.

"Hindi anghel ko, alam kong kasalanan ko, mamaya tatawagin ko ang kakilala kong doktor para matignan ka." maagap na sagot ni Rafael, habang pinagmamasdan ang nagsisimula ng kumain na si Joshua.

"Rafael hindi na kailangan, magiging okay rin ako sigurado pagkatapos kong inumin itong gamot, ang anak pala natin, gising na ba siya at nakakain na?" tanggi ni Joshua sa nais ni Rafael at tanong nito patungkol sa kanilang anak, na paraan rin nito para ilihis ang usapan nila ng nag-aalalang kaharap.

"Oo, gising na siya at sabay kaming kumain, pero bago kami naghanda ng almusal, sinamahan ko siya kanina para makita ka niya." sagot ni Rafael at kwento rin nito.

Sa narinig ay napangiti si Joshua.

"Ibig mong sabihin kasama mo siyang naghanda ng mga ito?" tanong ni Joshua na hindi maalis ang ngiti sa mukha.

"Oo anghel ko, kung nakita mo lang ang sobrang tuwa niya ng sabihin kong maaari niya akong samahan sa pagluluto." sagot ni Rafael at masayang kuwento pa nito sa ginawa nila kanina ng anak nila ni Joshua.

"Ganun talaga ang batang iyon, lahat yata ng bagay ay gusto niyang matutunan, pero kilala mo ang lola niya, sa sobrang pagkaprotective ayaw nitong mapaso o matalsikan ng mantika si Kristoff, at ngayon sa nalaman ko, naiimagine ko na ang malapad na ngiti ng anak natin at sa wakas ay nagawa na rin niyang makapagluto." masayang kwento naman ni Joshua.

"'Di bale, makikita mo rin ang saya sa mukha ng anak natin sa susunod, at tama ka anghel ko, namana nga sa'kin ng anak natin ang pagpapalusot." saad ni Rafael.

Puti at ItimWhere stories live. Discover now