XXXVII

3.1K 169 29
                                    

Nang magkamalay muli si Joshua, isang malakas na sampal ang iginawad nito sa lalaking nakayakap sa kanya.

"Ouch, anghel ko naman, bakit mo'ko sinampal?" tanong ni Rafael na nagising sa lakas ng sampal na iginawad sa kanya ni Joshua.

"Ra-rafael! Anong ginagawa mo dito? Hindi, anong ginagawa natin pareho dito?" gulat na reaksyon ni Joshua ng mapagtanto na si Rafael ang sinampal niya, at tanong rin nito sa huli.

Alam ni Rafael sa sandaling iyon na naguguluhan ang kanyang anghel, kaya naman habang hawak parin nito ang nasaktang pisngi na dulot ng pagsampal sa kanya ni Joshua, sinimulan na nito ang pagkukuwento sa mga nangyari sa pinakamamahal.

Sa mga nalaman niya kay Rafael, naging malinaw na ang lahat kay Joshua. Ganunman, hindi nito maiwasan na makaramdam ng lungkot sa mga nagawa sa kanya ni Rica. Batid man ni Joshua na hindi tama ang mga nagawa ng kanyang sekretarya sa kanila ni Rafael, may bahagi sa kanyang puso ang nalulungkot sa nangyari sa itinuring nitong kaibigan, kaya naman para masagot niya ang mga tanong sa kanyang isipan, isang hiling ang hiningi nito kay Rafael.

"Gusto ko siyang dalawin, Rafael."

"Ano?! Bakit pa anghel ko?" 'di makapaniwalang tanong ni Rafael kay Joshua.

"May gusto lang akong malaman Rafael, bukod dun kahit pa malaki ang kasalanan na nagawa niya sa atin, ramdam ko na naging mabuti rin sa akin si Rica." aming sagot ni Joshua.

Sa narinig ay napailing na lamang si Rafael, alam niyang mabuting tao ang kanyang anghel, pero ang gawin ni Joshua na bisitahin pa si Rica, para sa kanya ay hindi na tama iyon.

"Anghel ko naman, para saan pa? Hindi pa ba malinaw sa'yo na loka-loka ang babaeng iyon, na handa niyang saktan ang sinuman para lang sa pansarili niyang kagustuhan? Pasalamat siya at babae siya, kungdi baka ano nang nagawa ko sa kanya." saad ni Rafael at muling nakadama ng inis sa naisip na ginawa sa kanila ni Rica.

"Anong gagawin mo? Papatayin mo siya ganun?!" tanong ni Joshua at pagtatapos nito sa sinabi ni Rafael.

"Oo, bakit hindi? Te-teka nga lang? Bakit parang galit ka sa akin?" maagap na sagot ni Rafael at tanong rin nito kay Joshua.

"Bakit hindi ang sarili mo ang tanungin mo? Kapag alam mo na ang sagot, tsaka na lang ulit tayo mag-usap Rafael." saad ni Joshua at pinili nitong tumayo na at iwanan ang kasama.

Sa nakitang pagtayo at paglabas ni Joshua sa kuwarto, hinayaan na lang ni Rafael ang ginawang iyon ng una. Sa isip ng binata ay parang siya pa ang masama, matapos niyang ipakulong si Rica.

...

Pagbaba ni Joshua ay nadatnan nitong nagkakape sa sala si Russell.

"Nagising ka na pala, gusto mo ba ng kape o kahit na anong maiinom?" saad ni Russell nang makita ang presensya ni Joshua.

"Oo Russ, pero ako na lang ang magtitimpla at ipagpatuloy mo na lang ang pinapanood mo." sagot ni Joshua, ngunit tanggi nito sa alam nitong gagawin ni Russell.

"Hindi ayos lang, ako na lang ang magtitimpla, promise wala na 'tong pampatulog." saad ni Russell at biro pa nito.

"Ano ka ba Russ, ako na lang, 'wag ka ng makipagtalo rin sa akin." sagot ni Joshua na nadulas na rin sa sandaling iyon.

Natigilan naman si Russell sa narinig nito sa kaibigan, kaya naman hinayaan na lamang nito ang kagustuhan ni Joshua.

"Sige Josh, pero kung gusto mo ng makakausap, nandito lang ako sa sala."

...

Ilang minuto matapos iwanan siya ni Joshua, minabuti ni Rafael na lumabas na rin sa kuwartong iyon. Pagkalabas nga niya sa kuwarto, natigilan ito ng marinig ang pag-uusap nila Joshua at Russell.

Puti at ItimWhere stories live. Discover now