"Cali, kaya mo nga jinowa kasi karamay mo sa lahat, ano bang akala mo hindi ka niyan ipaglalaban?" Her life lessons are giving me so much ideas in life.
"Natakot kasi ako...si Mommy na pinaguusapan e."
"You do have a point pero sana cinonsider mo rin mararamdaman niya..." I felt guilty and started crying again, I don't have a choice.
"If that's what it takes para gumaling si Mommy, I'll do it..." I heard her sigh and took a deep breath.
"Hay, I understand...Sana gumaling na si Tita, Cali. I love you, punta ako dyan mamaya, ha?" she said in a charming and concerned manner.
"Okay I love you mor-" Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ang overhead system na mag announce.
"Code Blue on ICU 4664! Code Blue on ICU 4664!" agad akong napatayo nang marinig ko ang room number ni Mommy. Sinundan ko ang pag-akyat ng mga nurse kahit naiiyak at nanghihina na ako sa takot na baka kung ano na ang nangyari kay Mommy.
"Ma'am, hindi po kayo pwedeng pumasok, sa labas nalang po muna." pag awat sa 'kin nung nurse.
"Ano pong nangyari? Gusto ko lang po makita si Mommy, please papasukin niyo na po ako!" I was begging for them to let me enter the room but they just won't let me.
"Ma'am hindi po talaga pwede, dito nalang po muna kayo sa labas. Guard!" nagtawag na sila ng guard dahil hindi ako maawat sa pagwawala ko.
"Kuya! Please just let me in Kuya! Hindi ko kaya...please..." napaupo na ako sa sobrang iyak, hindi ko na alam akong nangyayari sa paligid ko.
"Sorry Ma'am, antay nalang po kayo." sabi niya matapos ako saraduhan ng pinto. Lalo lang nanlambot ang aking tuhod dahil kabado at takot talaga ako kung ano na ang nanyayare sa loob.
I wanted to call my friends and ask for guidance kasi feeling ko bibigay na ako pero hindi ko magawa sa sobrang iyak ko. I just sat down and prayed a lot dahil nawawalan na ako ng pag-asa. It took them a couple of minutes bago lumabas ang doctor at binuksan ang pinto.
YOU ARE READING
Unbind the Strings
Teen FictionCali, a doctor, established a charity program that heals children with chronic illnesses through music. Her ex, Jay, who's a musician was invited to perform in one of their events.
Twenty One
Start from the beginning
