Chapter 25

9.4K 214 11
                                    

"FUCK! fuck! fuck!"

Nataranta siya ng maramdaman niyang namimilipit sa sakit si Austin habang nakasubsob ang ulo sa kaniyang leeg. Hindi niya alam ngunit hinawakan niya ang lalaki at iniaayos ito ng higa.

"P-phone."

Biglang sabi nito sa kaniya habang ang kamay nito ay nakahawak sa uluhan nito. Nakaramdam siya ng pagaalala ng makita niya ang marahas na paghawak nito sa sariling ulo.

"G-get my phone, Inside my p-pants. P-please."

Mabilis niyang hinanap ang pantalon nito kahit na ramdam niya ang sobrang paghapdi ng kaniyang pagkakababae dahil sa ginawa nito sa kaniya.

Naguguluhan siya sa sarili, dahil ang taong lumapastangan sa kaniya noon ay kasama niya ulit ngayon, but looking at him right now, gave her the guts to help him.

"C-call Del Vicio."

Sabi nito sa kaniya, binuksan niya ang cellphone nito, wala itong password kung kaya dali-dali niyang hinanap ang pangalan na sinambit nito. Habang ang lalaki naman ay patuloy parin sa pagsigaw at pagdaing.

Pinindot niya ang nakasulat na "Del Vicio" doon at ilang segundo pa lamang ay agad nitong isinagot ang tawag.

"What's the problem?"

Nakarinig siya ng isang baritonong boses. Dumadaing pa rin si Austin. Gusto niyang maiyak sa nakikita dahil kitang-kita niya ang sobra-sobra ng pamimilipit ng ulo nito.

"S-si Austi-"

"Fuck!"

Bigla nitong pinatay ang tawag na para bang nagmamadali. Lumapit siya sa binata habang hawak-hawak nito ang ulo.

Napatitig ito sa kaniyang mga mata, at bigla siya nitong hinila. Isinubsob nito ang mukha sa kaniyang balikat. At naramdaman niya ito na nanginginig habang humihikbi.

"I'm sorry, forgive me, forgive me. I want you back. Please. Bumalik ka na sa'kin. Forgive me, please."

At naramdaman niya ang biglang pagkawala ng malay nito. Hindi niya alam na tumutulo na ang maraming luha sa kaniyang mata. Nabasag siya ng marinig ang pag-iyak nito. Ang madiin na pagyakap nito sa kaniya na para bang nangungulila.

Nagulat siya ng biglang mayroong malakas na kumakatok sa may pintuan. Kung kaya't binalot niya ang sarili ng kumot. Agad niyang binuksan ang pintuan habang naghihikahos ng hininga.

Halos lumuwa ang kaniyang mata ng makita kung sino ang "Del Vicio" na tinutukoy ni Austin. Ito iyong lalaki na kaniyang nakita malapit sa puntod ng kaniyang ina.

"Where is he?"

Tanong nito sa kaniya. Agad niya naman itinuro kung nasaan ang binata na ngayon ay natatakpan ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan nito. Nakita niya ang pagkuha nito ng cellphone at mayroong tinawagan.

"Pumunta ka rito kay Austin."

HINDI niya alam kung ano ang gagawin ng makita ang isang doctor habang may kasama itong nurse. Naiilang siya sa titig nito na katulad sa Del Vicio noong tumitig ito sa kaniya sa sementeryo.

Ngayon ay may suot na siyang damit sapagkat binigyan siya ng katulong sa loob ng bahay ni Austin.

"So, you were the one that he's saying."

Napaitda siya ng marinig ang boses ng nagngangalang Del Vicio. Kitang kita niya ang karangyaan sa buhay nito, base pa lamang sa tindig at dating nito na kapantay ni Austin at ng doctor na tinawag nito.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Ramdam niya na pasmado ang kaniyang kamay dahil sa kaba na nararamdaman niya ngayon habang nakatitig lamang ito sa kaniya. Dumagdag pa ang isa pang titig ng doctor na ngayon ay nakabantay rin sa kaniyang kilos.

"Cut the crap Ms. Santillan. Kilalang-kilala ka namin. Kilalang-kilala."

Sabi nito sa kaniya habang naka-cross ang dalawang kamay nito sa dibdib.

"Sino kayo?"

Tanong niya rito. Bigla namang tumingin si Del Vicio sa kasama nitong doctor. Pinalabas nito ang nurse na halata ang nakalatay na pagtataka sa mukha. Biglang isinarado ng doctor ang pinto at umupo ito sa upuan na nakalagay sa tabi ni Austin, na ngayon ay nakaayos ng higa.

"Isa kami sa Hombres Crueles. At Alam kong narinig mo na ang grupong iyon, tama ba?"

Nagulat siya sa sinabi nito. Alam niya ang grupong iyon, dahil dati na itong kumakalat dahil halang daw ang mga bituka ng mga taong kasangkot dito. Tiningnan niya si Austin, hindi nga iyon isang kasinungalingan.

"B-bakit mo sinasabi sa'kin ito?"

Taka niyang tanong dito. Ngunit titig lang ang ibinigay nito sa kaniya. Sobrang nakakatakot ang presensiya ng mga ito. Nakakalunod ang mga tingin nito na animo'y mga demonyo.

"T-Tazzana."

Napalingon siya ng marinig niya ang boses ni Austin, na ngayon ay parang naghahabol ng hininga habang nakatitig sa kaniya.

Nagkatinginan ang mga ito. Ilang segundo itong nagtitigan na animo'y naguusap gamit ang kanilang mga utak. Pagkatapos no'n ay sabay na itong umalis na parang walang nangyari. Narinig miya na lamang ang pagsarado ng pintuan, hudyat na lumabas na ang mga ito.

"D-dont leave."

Sabi sa kaniya ni Austin. Hindi niya alam sa sarili, ngunit nakaramdam siya ng awa para rito. Ambang babangon ito nang makita niya napahawak ulit ito sa ulo. Nilapitan niya ito habang natataranta.

Nabigla siya nang yakapin siya nito ng sobrang higpit.

"Don't leave."

Mas humigpit pa ang yakap nito sa kaniya. Sinubukan niyang pumiglas ngunit mas matindi ang lalaki sa kaniya. Naramdaman niya na mayroong tumutulo sa kaniyang balikat.

"H-huwag mo na akong iwan. Hindi ko kaya, h-hindi ko kaya."

Ang luhang bumabadyang tumulo sa kaniyang mga mata ay tuluyan ng nahulog. Nagdadalawang isip siya. Hindi niya parin alam kung anong mangyayari.

"A-austin."

"Pakiusap, Tazzana. A-ayaw ko na pakiusap. Pinagsisihan ko iyon lahat, b-bumalik ka na sa'kin."

Garalgal na ang boses ng lalaki, habang siya ay hinahayaan lang ang luha na tumutulo sa kaniyang mga mata. May kung anong lumulukob sa kaniyang loob, habang dinadama ang mga yakap nito sa kaniya.

"M-mahirap, mahirap, Austin."

Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Where stories live. Discover now