Chapter 3

13.3K 245 1
                                    

NAPATATDA siya nang makita ang ina at amang naguusap na naman sa loob ng kanilang bahay.

"Kailangan na nating umalis Elmira."

Sabi ng kaniyang ama habang nakahawak sa kamay ng ina. Hindi niya alam pero sobrang bigat ng nararamdaman niya habang nakikita ang kaniyang mga magulang na ganoon.

"T-tazzana."

Nagulat siya ng marinig ang boses ng kaniyang ina, na ngayon ay nakatitig na sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Agad naman siyang lumapit sa mga ito at umupo. Tahimik lamang siya at inihahanda ang sarili para makinig sa mga sasabihin ng magulang.

"Lilipat tayo ng bahay."

Sabi ng kaniyang ama. Gulat at pagtataka ang pumasok sa kaniyang kalooban.

"H-how about my studies?"

Taka niyang pagtatanong sa magulang. Ilang araw nalang kase ay magtatapos na siya sa high school at college na siya pagtapos no'n. Naramdaman niya ang sarili na biglang nanlambot sa isiping baka hindi niya matapos ang pag-aaral.

"Don't worry, next week pa tayo aalis."

Her mom said with assurance. Ngiti naman ang iginanti niya rito.

Nalaman niya na nakaayos na lahat ng kanilang gamit. Nagtataka siya sa ikinikilos ng mga magulang dahil parang sobra itong nagmamadali.

NGAYON ay kumakain siya kasama ang kaibigan na si Andrea. Yes! hanggang ngayon ay magkaibigan sila ni Andrea na nakilala niya sa party ng kaniyang lolo.

Ngayon ay mage-grade eleven na rin ito.

"Kayo na ni Ysmael no?!"

Biglang sabi nito habang nanlalaki ang mata at nakaturo sa kankiya. Agad niya naman itong inilingan.

Hanggang ngayon ay iniisip ng mga tao na magsyota talag sila ng kaibigang si Ysmael, kahit ang totoo naman ay kaibigan niya lang ito.

Wala naman siyang nakikita at nararamdamang malisya kapag kasama niya ito. Sadyang may mga malilikot lang talaga ang utak. Katulad nalang ng kaibigan niyang ito.

"Hindi nga sabi, may sasabihin kasi ako."

Bigla namang nalungkot ang kaniyang kalooban. Ilang araw nalang ay aalis na sila ng magulang sa malayong lugar. Hindi nito sinabi kung saan, ngunit pakiramdam niya ay sobrang layo talaga ng kanilang lilipatan na bahay.

Parang naapektuhan din ito ng makita ang pagbaba ng kaniyang balikat. Kita niya ang pagtataka at lungkot sa mukha ng kaibigan.

"Lilipat na kasi kami ng bahay pagkatapos kong magtapos ng grade twelve."

Sabi niya rito na mas ikinalungkot ng mukha nito. Ito lang kasi at si Ysmael ang mga tunay niyang kaibigan. Lahat sila ay magkakapitbahay kung kaya't madalas silang tatlo na magkakasama.

Wala naman silang pakialam kung mas bata si Andrea sa kanila ng dalawang taon, basta't hindi sila maghihiwalay.

Pero ngayon hindi niya alam kung matutupad niya ang huli niyang sinabi. Wala naman kasi siyang magagawa dahil mga magulang niya iyon. Napanguso nalang siya.

"E-eh, saan daw kayo lilipat?"

Takang tanong nito sa kaniya. Sinabi niya rito na hindi niya talaga alam kung saan sila titira ng pamilya. Nakapagtataka nga rin iyon dahil parang malihim ang kaniyang Mommy at Daddy.

"Kelan daw?"

"Next week sabi nila. So matatapos ko pa yung grade twelve."

Sabi niya rito. Limang araw nalang kasi at graduation na nila. Lahat na ng kailangang ipasa para sa requirements ay naipasa niya na ng kumpleto at maayos.

Hindi na rin siya magtataka kung magiging Valedictorian na naman siya sa taong ito. Lagi namang ganoon, hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko.

"Sayang naman, chat mo'ko kung saan kayo, para makabisita."

Sabi nito sa kaniya at inubos nila ang buong oras para masulit ang mga araw na magkakasama silang magkaibigan.

Pinanood nila ang laban ni Ysmael. As usual, maraming mata ang nakatitig ngayon sa kaniya. Ngunit isinawalang bahala niya na lamang ito at sinuportahan ang kaibigan.

"TAZZANA Cleigh D. Santillan."

Announce ng speaker. Siya ulit ang valedictorian ngayon. Tumayo siya at naglakad paakyat ng stage upang magbigay ng speech sa lahat.

She composed herself, hindi naman na siya gaanong kinakabahan at may script naman di siya na nakapatong sa pulpit.

Tiningnan niya ang lahat ng mag-aaral, ngumiti siya ng sobrang tamis. She looked at her parents at kita niya ang tuwa sa mga mata ng kaniyang ina at ama na animo'y sobrang proud.

"Today is the day that we all had waited for so long."

Panimula niya sa kaniyang speech at dinama ang tagumpay na kaniyang naasam.

"I wanted to say that this is not the end of our long journey because this is just the beggining. As we enter the life of being a senior high school students, there are tons of circumstances that we had experienced and right now, new challenges are awaiting for us. New things that we will going to discover and those thingas will help us to be strong and brave in the future. Today is the day that we had waited for so long, and we must give ourselves a clap because we did it."

Hindi niya tuloy mapigilang maluha habang sinasasabi ang kaniyang speech. Narinig niya ang palakpakan ng mga kapwa estudyante.

"I just wanted to give ny gratitude for my teacher, because they don't get tired on teaching us. For my parents and friends that are always there in my side. I wouldn't be a valedictorian not because of all of you. Once again, let's clap for ourselves because we will encounter a new journey on our life."

Nagpalakpakan ang mga tao ng malakas. Tiningnan niya ang lahat ng kapwa estudyante.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga ito.

Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Where stories live. Discover now