Chapter 12

10.6K 214 1
                                    


"There's no more question to ask Tazanna, I will save you from this place, alam kong may masama siyang binabalak sa'yo, he even also tried to kill me."

Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng binata. Alam niyang mabait na tao si Austin at alam niya ring kapatid lang ang turing nito sa kaniya. Nagkakamali lamang ito!

"Halika na! itatakas kita rito."

Sabay hawak nito sa kaniyang kamay. hinila siya nito, ngunit nandoon parin ang pagtataka sa kaniyang isipan.

"Ano bang sinasabi mo Ysmael?!"

Hindi pa man ito nakakapag salita ay naramdaman niyang bigla itong nawalan ng malay at napahiga sa lapag.

Making her speechless, and at the same time nervous. Bigla siyang nakarinig ng yapak ng isang tao, the footstep of the person is only the thing that she can hear, kinakain ng katahimikan ang lugar na'yon. making the unknown person's steps visible.

Hindi siya makagalaw, natatakot siya sa kung anong gagawin ng taong iyon.

"Kung hindi pa'ko umuwi, siguro wala kana."

Napatatda siya ng marinigan ang boses ng lalake, hindi nga siya nagkakamali, it was Austin. mas nadagdagan ang takot sa puso niya ng malaman ito.

"Are you going to escape away from me?"

Hindi siya makaimik sa mga sinasabi nito.Dinig niya ang paglapit nito sa kaniya. it is nerve-wrecking.

She didn't know what is he going to do next, She can't even find a hint of emotions on his voice na dumadagdag sa pagkalabahala niya.

"Dapat pala pinatay ko na yan."

Making her eyes wide-open, nasa likod niya na'to, Ramdam niya ang hininga nitong tumatama sa kaniyang batok, natatakot siya sa binata, ramdam niya ang pawis na tumatagaktak sa kaniyang noo.

"A-anong s-sabi mo?! akala ko'y-"

She tried herself to utter any word, lumayo siya rito. Gulat at takot parin ang nasa loob niyawhat did the man said made her whole-being begun to be confused.

She thought mala-anghel ang binata ngunit kabaliktaran ang lumalabas sa anyo nito ngayon.

"Iiwanan mo ako kapag nalaman mo."

Sabi ng binata sa kaniya. Mas lalong nadagdagan ang kalituhan sa utak niya, gulong-gulo siya sa anyo ngayon ng binata, she didn't knew kung ano ang sinasabi nito.

"Iiwan mo ako kapag nalaman mo!"

Nagulat siya sa pagsigaw ng lalake, nakakatakot ang uri ng pagsigaw nito, takot na takot siya ngayon. napapaatras siya habang paulit-ulit nitong sinasabi ang mga katagang iyon.

"Iiwan mo ako kapag nalaman mo!"

"A-ano ba Austin?! Kapatid ang tingin mo sa'kin diba?!"

"Iiwan mo ako kapag nalaman mo diba!"

Ramdam niya ang galit sa boses nito, hindi niya man nakikita pero ramdam niya ang tigas ng boses nito na parang aagawan ng isang bagay.

Patuloy parin siya sa pag atras kahit na wala siyang makita. Hindi niya alam ang gagawin dahil nalulukuban na siya ng sobrang pagkataranta.

"T-tumigil ka na Austin!"

Narinig niya lang ang halakhak nito, kasabay ng paglakad nito palapit sa kaniya. hindi niya alam kung saan niya nakuha ang ideyang tumakbo palayo rito.

Hindi pa man siya nakakalayo ng may maramdamang tumama sa kaniyang likod, dahilan para mapatumba siya. biglang may naramdaman siyang lumapit sa kaniya.

"Akin ka."

Bigla siya nito binuhat sa balikat nito. Pagkatapos no'n ay bigla siyang nahilo at kinain ng kadiliman.

Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora