Chapter 2

14.9K 231 5
                                    

TAZZANA! nasaan ka?!"

She heard her nanny said. Napatitig naman siya rito. Kita niya sa mukha ng Yaya Asing niya na natatakot ito kinakabahan.

Nawala na ang lalaking nasa harap niya kanina. 'Green eyes' Sabi ng kanyang utak.

"Nandito ka lang palang bata ka!"

Hysterical na sabi ng kaniyang Yaya. Iniyuko niya ang sariling ulo sa takot at lungkot na naghalo sa kaniyang katawan. Naramdaman niya naman ang kaniyang Yaya na lumapit sa kaniya.

"S-sorry po Yaya."

Sabi niya rito na papaiyak na. She felt her legs trimbling because of the guilt that she was feeling. Niyakap naman siya ng kaniyang Yaya at pinagsabihan na huwag ng magkukulit at makinig dito. She nodded and hugged her nanny.

Ngayon ay nakatingin lang siya sa mga puno na gumagalaw habang papauwi na sila ng kaniyang Mommy and Daddy.

"Tazzana, are you okay?"

Dinig niyang tanong ng kaniyang Mommy. Hinilig nito ang kaniyang ulo sa katawan nito at niyakap siya.

Pakiramdam niya'y pagod na pagod siya sa sobrang kalalaro kasama ang mga kalaro niya sa party ng kaniyang Lolo Dan-Dan. Pati na rin ang lalaking mayroong green eyes. Tinanggal niya iyon sa kaniyang isipan.

Tinanguan niya lang ang Mommy at pumikit habang yakap yakap ito sa kaniyang tabi. She felt relieved all of a sudden.

INIHIGA niya sa kama ang kaniyang pagod na katawan.

She felt so very exhausted. Sobrang daming school works ang tatapusin niya ngayong araw dahil malapit na magbakasyon.

"Kung kailan naman kasi malapit na magtapos itong school year doon pa maraming pinapagawa!"

Angal niya habang nakatitig sa iba't ibang notebook na mayroon ding iba't ibang subjects. Gusto niya sabunutan ang sarili dahil sa sobrang frustration.

"Ms. Tazanna, kakain na raw po kayo sabi ni Ma'am!"

Dinig niyang sigaw ni Yaya Asing sa kaniyang kwarto. Tiningnan niya ang oras sa kaniyang cellphone at alas 12:00 na pala. Maaga kasi sila dinismiss ngayon ng kanilang guro at naisipan niyang umidlip.

"Pababa na po!"

Sagot niya sa matanda. Tumingin siya sa gawing kanan at nakita niya ang kaniyang malaking salamin.

Ngayon ay magcocollege na siya pagkatapos nito. She took the ABM Strand noong nag grade eleven siya. Gusto niya kasing sumunod sa yapak ng ama na pumasok sa track ng business.

Ganoon pa rin naman ang kaniyang itsura hanggang ngayon. Nagmature lang kaunti at mas lalo siyang pumuti at kuminis.

She got her beautiful face from her mother. Ang mata niya naman ay galing sa amain. Maganda siyang bata at alam niya iyon. Lagi rin siyang isinasali ng mga guro sa tuwing may patimpalak na ginaganap para maging contestant.

In the past 7 years ay marami ang nagbago sa buhay nilang magpapamilya. Lalo na ang company ng kaniyang Daddy, hindi niya alam kung ngayon ay may problema parin itong kinakasangkot.

Lagi niya kasing nakikita na nagtatalo ang ama at ina tungkol sa kumpanya nito. Iwinaksi niya nalang sa sarili ang itsura sa tuwing nagtatalo ang Mommy at Daddy. Hindi niya tuloy mapigilan na malungkot ng kakaunti dahil dito.

Tiningnan niya ulit ang sarili sa salamin at ngumiti ng pilit. Magiging okay ang pamilya niya at ipinapangako niya iyon.

"TAPOS ka na?! tinatamad ako magpasa."

Biglang sabi ni Ysmael, habang siya'y ipinagsama-sama na ang mga requirements na kailangan niyang ipasa. Sa totoo lang ay hindi pa naman ngayon ang deadline ng mga ito, ngunit mas gugustuhin niya pang tapusin ito ng maaga kaysa ang magahol na naman kapag last day nalang.

"Manahimik ka Ysmael! Huwag mo'ko demonyohin."

Sabi niya rito. Humalakhak naman ng napakalakas ang kaniyang kaibigan. Gusto niya tuloy sapakin ang mukha nito. Nakakainis!

"Si Ma'am kasi, hindi na nga marunong magtura ng Accounting, ginagahol pa tayo sa paggawa ng Accounting Papers. Pakain ko yan sa kaniya eh!"

Natawa naman siya sa mukha ng kaibigan habang inilalabas lahat ng saloobin nito sa Accounting teacher nila. Hindi naman kasi talaga ito marunong magturo, dagdag mo pang puro chismis lang ang ginagawa at pampe-pressure sa kanila tuwing gumagawa ng accounting papers nila nahindi naman nito itinuturo.

"Kain tayo maya."

Bigla sabi sa kaniya ni Ysmael. Tiningnan niya naman ang silid at nakita ang mga babaeng kaklase na masama ang titig sa kaniya.

Hindi naman mapagkalaila na gwapo nga naman talaga si Ysmael, maputi kasi ito, mayroong mapupungay na mata at dagdag pa na isa ito sa mga varsity ng kanilang school pagdating sa basketball.

Nagsimula ang pagkakaibigan nila noong elementarya siya at malaman na magkapitbahay lang pala sila sa subdivision na kanilang tinitirahan. Hanggang ngayon ay mainit parin ang mata ng kaniyang mga kaklaseng babae dahil kasama niya ang sinasabi nilang "Campus Crush"

"Pinapauwi ako ng maaga ni Mommy eh."

Sagot niya rito. Nakita niya ang pagtataka sa mga mata nito at parehas lang din sila. Ipinagtataka niya rin ang maagang pagpapauwi sa kaniya ng mga magulang.

She just shrugged her shoulders.

©SinlessApple

Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Where stories live. Discover now