Chapter 8

11.3K 218 1
                                    

NGAYON ay nasa doctor sila ng binata habang ichinecheck ang kaniyang mga mata.

Hindi niya nakikita ang ginagawa nito sa kaniya ngunit nararamdaman niya na parang may itinututok ito sa kaniya.

"Ilang araw ay pwede na siyang ipa-surgery Mr. El Gracia."

Biglang sabi ng doctor. Hindi niya naman mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso. Ang galak sa kaniyang loob at ang ngiti na nakalagay sa kaniyang mga labi.

Naramdaman niya na iginuide siya ng binata palabas ng ospital na kanilang pinasukan. Hanggang ngayon ay tuwa parin ang namamayani sa kaniyang puso kung kaya't hindi niya mapigilan ang matinding pagyakap dito.

Gusto niyang humingi ng sobrang daming pasasalamat dahil sa pagtulong nito sa kaniya. Naramdaman niya ang kaniyang mga luha na kanina pang gustong tumulo sa sobrang kasayahan na kaniyang nadarama.

"S-salamat, salamat."

Bumawi ito ng yakap sa kaniya. Ang mainit at matigas na katawan nito ay bumalot sa kaniyang pagkatao. She felt safe and sound in the arms of this man.

"Akin."

Narinig niyang bulong ng binata. Nagtaka naman siya rito ngunit hindi ipinahalata. Kuwa'y binitiwan niya na rin ito at nahihiyang yumuko.

"Kakain tayo ngayon."

Biglang sabi sa kaniyan ng binata. At nagpasalamat siya ulit dito. Ngunit hindi man lamang siya pinansin.

Dinala siya nito sa isang restaurant. Naririnig niya ang iba pang mga tao na nasa loob no'n. Ramdam din niya ang pagiging elegante dahil mayroon din siyang naririnig na violin.

"How's your whole night?"

Nagulat siya ng marinig na magsalita ang lalaki na nasa kaniyang harapan. Hindi naman siya mapanghusga ngunit hindi siya sanay sa tuwing nagsasalita ang binata. Pakiramdam niya kasi ay parang may bayad ang mga salitang lumalabas sa bunganga nito.

"Uhmm...Okay naman ako."

She tried to composed herself para sumagot sa tanong nito. Alam siguro nito na sa tuwing siya'y natutulog ay lagi siyang binabangungot. Baka sinasabi nila Aling Mienda rito.

"Are you feeling uncomfortable with me?"

Nagulat siya sa tanong ng binata. She didn't expect that question from him. Patago siyang nabahala dahil sa tanong nito.

"Sorry."

Iyon lang ang kaniyang naisagot at yumuko lamang. She don't know what to act, dahil hindi naman sila ganoong naguusap ng binata. Except ngayon na parang napansin nito ang pagiging hindi niya komportable sa aura nito.

"Don't worry, Para na rin naman kitang kapatid. So don't be."

Ngayon niya lamang narinig ang boses ng binata na parang magaan. Dahil sa tuwing ito'y nasa loob ng bahay ay nakakatakot ito at parang dominante ang dating sa kaniya. Lalo na sa tuwing may napapansin lamang itong mali sa mga maids nito.

"B-bakit mo ako t-tinutulungan?"

Ito ang matagal niya ng tanong dito. Gusto niyang itong malaman. Pakiramdam niya kasi'y hindi niya deserve ang pagiging mabait nitong tao. Kahit na nakakatakot ito ay hindi niya pa rin matatanggal sa isipan na isa itong anghel na binigay sa kaniya.

"Sabi ko nga. I saw my sister on you and when I saw you. Guilt will eat me kung hindi kita tutulungan."

Naramdaman niya naman ang luha niyang pumatak. Kahit ilang beses pa siyang magpasalamat dito, pakiramdam niya ay kulang na kulang pa rin ito.

Naramdaman niya ang pagtabi nito sa kaniyang upuan at niyakap siya. Pakiramdam niya'y nasa bisig siya ng isang panangga. Isang taong magtatanggol sa kaniya.

"K-kapag naibalik na ang p-paningin ko. Itatanaw ko ang utang na loob mo. Maraming salamat."

Maybe she looks so messy right now, ngunit hindi iyon ang nasa utak niya, kundi ang pagpapasalamat ng sobra-sobra sa binata.

TAPOS na silang kumain ni Austin. Ngayon ay nasa labas na sila ng restaurant, habang tulak-tulak siya ng bodyguard nito.

"May naiwan lang ako sa loob. Ipasok mo na siya."

She heard the man's voice with authority that makes her goosebumps, hanggang ngayon ay naiintimidate pa rin siya sa tuwing seryos ito.

Narinig niya naman ang pag "oo" guard dito, ipapasok na siya ng bodyguard sa loob ng sasakyan ng marinig siya ng isang pamilyar na boses.

"Tana!"

Sinabi niya naman sa bodyguard na teka lang at sumundo naman ito. Narinig niya ang yapak ni Andrea na papalapit sa kaniya.

Nang malaman niyang lumapit ito sa kaniya ay agad niya itong binati at niyakap.

"Saan ka ngayon nakatira?"

Biglang tanong sa kaniya ng kaibigan. Na mimiss niya na ito ng sobra-sobra. Lalo na sa tuwing iniikot nila ang buong campus ng kanilang paaralan noon.

"H-hindi ko alam."

Yuko niya rito dahil nahihiya siya sa sinapit ngayon. Naramdaman niya naman ang paghawak nito sa kaniyang kamay.

"Itatanong ko kay Mr. El Gracia. Isasama ko si Ysmael, pupunta kami sa inyo."

Biglang sumaya ang kaniyang puso sa narinig na sinabi ng kaniyang kaibigan. Nagtaka naman siya ng malaman na kilala nito si Austin ngunit iwinaksi niya muna iyon.

"N-nasaan si Ysmael?"

"Kaya ako nandito kasi may sasabihin daw siya sa aking importante. Ngayon na nga lang nagparamdam simula noong nawala ka. Nagulat nalang ako nung bigla niya akong chinat sa Facebook. Hindi ba kayo nagkita?"

Inilingan niya naman ito. Huling kasama niya si Ysmael noong nasa ospital siya naka confine. At nagtaka siya ng malaman na hindi na ito nabisita.

"H-hindi ko alam na b-boyfriend mo pala ang isang A-Austin Christoff El Gracio."

"S-sa totoo lang h-hind-"

Naputol ang sasabihin niya nang makarinig sila ng isang yapak.


Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Where stories live. Discover now