Chapter 21

8.8K 152 5
                                    

NAGULAT siya nang magsalita si Viohr sa kaniyang likuran. Habang siya ay nakatingin dito.

"Ako po ang asawa ni Tazzana, Ian Cruz po."

Sabi nito. Ngunit ang ikinapagtaka niya ay ibang pangalan ang sinabi nito sa kaniyang tita. Mabilis namang nagbago ang pagtataka sa itsura ng kaniyang tiyahin at agad na nginitian si Viohr.

"Hali kayo, tiyak na matutuwa ang tito mo at si Arleen na nandirito ka na."

Iwinaglit niya ang mga katanungan sa kaniyang isip. At agarang binuhat si Sebastian sa kaniyang mga bisig.

"My, bakit po Ian yung sinabi ni Tito?"

Takang tanong ng anak sa kaniya, dahilan upang mapaisip siya kung ano ang sasabihin dito.

"Palayaw iyon ng tito mo, baby."

Sabi niya rito at naglakad na diretso sa bahay ng kaniyang tita. Ngunit bago pa sila makapasok ay naramdaman niya na nasa kaniyang likod si Viohr. Tiningnan niya ito at alam niyang may kahulugan ang mga titig nito sa kaniya, na magiging sa got sa isang katanungan na nasa kaniyang utak.

"T-TAZZANA, ikaw ba iyan?"

Pagkaapak palang ng kaniyang paa sa tirahang iyon ay nakita niya na ang pamilyar na mukha ng kaniyang Tito. Agad itong lumapit sa kaniya at niyakap siya nang sobrang higpit. Ginantihan niya rin ito ng yakap.

"Ate?!"

Napatingin siya ng may marinig na sigaw ng isang babae. Si Arleen. Grabing tuwa ang nakapaskil sa mukha nito at niyakap din siya nito. Hindi niya man noon nakita ang itsura nito ngunit alam niyang ito iyon. Ang kaniyang pinsan.

Nakita niya naman si Viohr na buhat-buhat ang kaniyang anak na tulog ulit dahil siguro sa pagod sa byahe. Pinagmamasdan lang nito ang mga tagpo. Ngunit sa mga mata nito'y nakikita niya ang tuwa at galak.

"S-sino ang nagligtas sa'yo?"

Tanong ng kaniyang tito, ngunit ang kaniyang tita ang sumagot at itinuro si Viohr sa ngalan na Ian.

Nagkaroon sila ng maliit na pagsasalo. Nagluto ang kaniyang tita ng mga pagkain na animo'y mayroong selebrasyon.

"Kumusta ka na, Tazzana?"

Tanong sa kaniya ng tito. Nilunok niya ang sariling laway sa katanungan nito at agad na ngumiti. At sumagot dito.

"Maayos na po ako ngayon, Ta."

"Maraming salamat at tinulungan ka ng asawa mo, a-akala namin pagkatapos ng sunog ay wala ka na. Akala namin ay iniwan mo na kami."

Kita niya ang luha na tumutulo sa mga mata ng kaniyang tita habang ang kaniyang tito naman ay hinihimas ang likod nito para tumahan sa pag-iyak. Hindi niya rin mapigilan ang sarili.

HABANG nakatitig sa may labas ng bintana ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng guilt at isipin na dahil kay Austin ay nawalan ng tirahan ang kaniyang tiya at tiyo.

"Sorry."

Nagulat siya ng marinig ang boses ni Viohr sa kaniyang likuran. Hinarap niya ito at tiningnan sa mga mata.

"Alam kong may alam sila."

Sabi nito sa kaniya. Siya naman ay nagtaka rito. Agad itong lumapit sa kaniya at kita niya na may gusto itong sabihin.

"Kaya kong sinabi na Ian Cruz ang pangalan ko, dahil alam nilang may kinalaman ang kuya ko sa nangyari. El Gracio ang may pakana ng sunog.


At pumaloob na naman ang guilt sa kaniyang loob. Agad siyang napayuko dahil dito.

"But, I found out na mayroong tumulong sa kanila. Pero hindi ko alam kung sino."

Dahilan upang mapataas ang kaniyang ulo. Sino iyon? iyon ang tanong sa kaniyang utak.

"Mayroong itinanong sa'kin ang Tito mo kanina."

Huminga ito ng malalim habang hinihintay ang kaniyang sasabihin.

"A-ano?"

"K-kung pwede ba nating puntahan ang puntod ng mga magulang mo."

Dahil sa sinabi nito ay bigla niyang naalala ang mga magulang niya. Simula ng kaniyang pagkabulag ay hindi niya na nakasama ang mga ito.


"O-oo, pakiusap."

"Bukas, bukas tayo pupunta."

Sabi nito sa kaniya. At sinuklian niya ito ng ngiti. Pagkatapos ay umalis na rin ito habang siya ay bumalik sa kaniyang pwesto kung saan ay ramdam niya ang lamig ng hangin.


HABANG sakay-sakay sila ng sasakyan ni Viohr ay hindi niya mapigilan ang pagkagusto na makita ang mga magulang kahit sa puntod lamang.

Kasama niya ang kaniyang tiyuhin, tiyahin at si Arleen. Ito lamang ang pinsan niya na kaniyang kilala. At nagiisiang anak lamang ito ng kaniyang Tita kung kaya't magaan ang kaniyang loob dito.

"Pupuntahan natin sila Lolo at Lola mo, baby."

Sabi niya kay Sebastian habang ito ay kumakain ng French Fries na ipinabili nito kay Viohr.

"Mommy, ipapakita ko sa kanila yung airplane ko."

Napaka cute nito, dagdag pa ang mga mata nito na kulay berde at ang namumula nitong mga pisingi. Hindi niya tuloy mapigilan na halikan ang pisngi nito.

"Tazzana, saan nga pala kayo nakatira ng asawa mo?"

Tanong sa kaniya ng Tita niya. Si Viohr naman ang sumagot dito. Gusto niyang magpasalamat dito dahil ito ang sumasalo ng mga bagay.

Ilang minuto lamang ay huminto na ang kanilang sasakyan.




















Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon