Chapter 4

12.5K 234 2
                                    

PAGKATAPOS niyang magsalita sa harapan ng mga madla. Ay mga kung ano-ano pang ginawa sa graduation nila.

Nang matapos ang ceremony, ay nagsama-sama silang tatlo. Nagpaalam ang mga ito sa kaniyang magulang at inaprubahan naman ang iyon.

Pumasok sila sa isang restaurant. Alam niyang ito ang restaurant na pagmamay-ari nila Ysmael. Marami ring mga tao sa loob nito na nakatoga rin.

"Hindi mo pa rin alam kung saan kayo lilipat?"

Biglang tanong sa kaniya ni Ysmael. Kung kaya't napatitig siya rito.

"Hindi talaga."

Sabi niya at bumuga ng hangin. She badly wanted to know kung saan talaga sila lilipat ngunit ayaw talagang sabihin sa kaniyang ng mga magulang.

"Mami-miss ka namin."

Sa buong araw na iyon ay sinulit nilang tatlo ang huling araw na magkakasama sila. Mamimiss niya rin ang mga kaibigan niya na sobra niyang minahal.

NGAYON ang araw para umalis na sila ng kaniyang mga magulang. At hanggang ngayon ay hindi niya parin alam ang lokasyon kung saan sila lilipat ng bahay.

She remembered her friends. Kung paano umiyak si Andrea habang inaalo ito ni Ysmael.

She just sighed. Tiningnan niya ang buong kwarto. Ito ang nakasaksi kung paano siya lumaki simula pagkabata. At ngayon ay iiwan niya na ang kaniyang kwarto. Ngiti nalang ang kaniyang ginawa dinala ang mga kaniyang bag.

"Mamimiss mo ba ito, princess?"

Narinig niya ang kaniyang Mommy na nagsalita sa kaniyang likuran. Hinarap niya ito at tumango habang pinupusan ang kaunting luha na nasa kaniyang mga mata.

Tiningnan niya ang kaniyang cellphone at makita ang message ni Ysmael at ni Andrea sa kaniya.

Napangiti naman siya dahil dito. How she will miss her true friends. Gusto niya tuloy na huwag ng sumama sa kaniyang mga magulang at magpaiwan dito sa magiging dati nilang bahay.

"Nakaready na ang airplane, tayo nalang ang kulang."

Sabi ng kaniyang ama, pagkapasok nila sa loob ng sasakyan. Nagulat naman siya nang marinig ito.

Airplane?!

"Saan po ba talaga tayo?"

Hindi niya mapigilan ang tanong sa ina. Her curiousity got her. Hindi niya na talaga makayanan na hindi magtanong dahil nalilito na rin siya sa mga nangyayari. But her parents just remained quiet, na ikinasama ng kaniyang loob.

HILIG niya parin talaga ang pagtingin sa mga puno sa tuwing sumasakay sila sa sasakyan ng ama.

Her frustrations and confusions suddenly faded dahil sa mga ito. Kitang-kita niya kung paano ang mga ito isinasayaw ng hangin.

Kung sana kasi ay puno nalang siya. Payapa lang tignan at parang isinasayaw lang ng mga magagandang bagay. She just sighed.

Nagulat siya ng maramdaman na huminto ang kanilang sasakyan. She looked at her Dad at makita itong tensyunado. Bigla namang bumilis ang tibok ng kaniyang puso dahil dito.

Tumingin naman siya sa gawi ng ina at nakita rin itong kinakabahan. Gusto niyang magtanong ngunit natatakot siya. Sobra siyang natatakot sa mga nangyari na hindi niya alam.

"Natunton niya tayo!"

Bigla namang bumilis ang takbo ng kanilang sasakyan. Na dumagdag sa tensyon na kaniyang nararamdaman sa mga oras na ito.

Naramdaman niya ang sobrang higpit na yakap ng kaniyang ina sa kaniya. Yumakap din siya rito ng napakahigpit. She felt her whole body is trembling in fear.

She look at the back of their car, at nakita niyang may mga sumusunod nga sa kanilang sasakyan. Tatlo ito, at katulad nila'y matulin din ang pagtakbo ng mga ito.

"Tulungan mo kami."

Narinig niyang sabi ng kaniyang ina. Tiningnan niya ito at nakita niyang mayroon itong tinatawagan sa cellphone nito.

"What are you doing?!"

Her father shouted at dumagdag iyon sa malakas
na kalabog ngp kaniyang puso. Sobrang daming luha na ang nasa kaniyang mga mata. She sohbed so hard.

"Humingi ako ng tulong kay kuya."

Sagot naman ng kaniyang ina. kinakausap nito ang kapatid at umiiyak habang nagsasalita.


Naramdaman niya ang kanilang sasakyan na mayroong bumangga.

Napasigaw siya at ang kaniyang ina dahil sa takot. Naramdaman niya ang biglang pagkirot ng kaniyang ulo dahil sa sobrang hilo na nararamdaman.

Sobrang higpit ng yakap sa kaniya ng kaniyang ina. Umiiyak na ito ng sobra, habang ang Daddy niya naman ay pinagpapawisan na habang hawak hawak ang kanilang manibela.

Ilang segundo lang ay naramdaman niya ang pagtilapon ng kanilang sasakyan. Gumulong-gulong ito, dahilan upang maramdaman niya ang pag-untog niya sa bahagi ng sasakyan.


Nagulat siya ng maramdaman na mayroong tumusok sa kaniyang mga mata.


"Aaaaaaaah!"


Sigaw niya sa sobrang hapdi. Naramdaman niya na lang ang sarili na biglang namanhid.


Ang pamilya niya, ang sarili niya.

Mayroong lumapit sa kaniya na tao. Hinang-hina na ang kaniyang katawan at nararamdaman niya ang pagpintig ng kaniyang tainga.


Binuhat siya ng lalaki.


"T-tulong."

At wala pang ilang segundo ay naramdaman niyang may bumaril sa taong bumuhat sa kaniya.



bang!




Ang gabing iyon ay puno ng paghihinagpis, lungkot at takot.

Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon