Chapter 28

59 6 0
                                    

"Hoy!"

Napalingon sila parehong dalawa sa nang Hoy sa kanila, kakalabas palang nila sa Condo unit ni Arie dahil nagpalit ito ng damit at papunta na sila sa bahay kung saan pinapaayos ito. They saw Gab held the doorknob of her unit at mukhang kakauwi nya lang dahil hindi maintindihan Ang itsura nito.

Napa kunot ang noo ni Arie ng makita ang itsura ng kaibigan, hindi nya alam kung haggard ba sa trabaho ito or what.

"Anong hoy?! Ano bang itsura yan ah?! Haggard ka bang masyado sa work mo at ganyan ka?" She asked curious

Napatingin naman ito sa itsura nya at may ibinulong na hindi narinig nila Arie.

"Wala. N-nag sleep over ako sa... Sa ka-work ko." Nauutal nyang sabi.

Dahil sa sinabi ay hindi napigil ni Samuel na mapa- ngisi.

"Ka- work mo na pala ngayon si Leon? Akala ko ba boss mo yun?" Nagulat pareho ang dalawa sa sinabi ni Samuel.

"What are you talking about?" Arie asked in a curiosity.

"What the hell Samuel?! How did you know it?!"

"Sa Condominium building lang naman ang condos namin na pagmamay- ari ni Hugo– ang M Condominium Building, ang chismosong yun sinabi sa akin na hindi kana raw naka alis kagabi sa unit ni Leon like my Wife." Nanlaki ang mata ni Gab, tinuro nya si Arie.

"What?! T-teka anong..... H-hoy! Anong wife hah?! Mag- asawa na kayo? Bruha ka! Ang rupok mo!" Napa ngiwi naman ai Arie sa sinabi ng kaibigan habang ang lalaki naman na nasa tabi nya ay naka ngisi Lang.

"Ang OA ah, wag kang maniwala jan. Tsaka anong ako marupok? Baka TAYO, remember kakauwi mo lang galing sa unit ni Leon" Arie laughed, si Gab naman ay hindi na maipinta ang itsura kaya naman pabalang nyang binuksan ang pinto ng unit at pabalang din na sinara iyon.

Napangiti naman si Arie sa kinilos ng kaibigan, naasar nya nanaman ito.

Potek! Naka- score ang magkaibigan!


"Marupok ka pala, Wife" sabi nito habang nakangisi



"Oo, kaya magpapakasal na ako sa iba" pang- aasar nya.



Ganti ganti lang.


"Sure! Basta ako yung iba." She rolled her eyes. Natututo ng bumanat ang Hubby nya.



Wew, hubby

*

"Mabuti naman dumating kana, Engineer Lopez!" Sinalubong kami ni Hugo na halatang naiinip ng kakaintay sa amin

"Akala ko susulitin nyo na eh at hindi na kayo mag ta-trabahong dalawa" he added

"Gago" Mura ko sa kanya. Ano kami hagok para hindi na lumabas at magtrabaho?

Buset!

"Hindi muna ngayon next time na kukulong sa kwarto. For now, I need to talk to her parents first." Samuel said

I blink twice, thrice.


Talk to my parents? Ohmygosh!



Gosh! Hindi ko alam ang sasabihin ko, gusto nya ba talagang makausap parents ko? Shet.




"Ah!.... Tamang tama andito sila ngayon, andun sa loob. Hihingi kana ba ng blessing bro?" Hugo laughed pero umiling iling nalang si Samuel habang naka ngiti.




Ako naman hindi alam ang nararamdaman. Ngayon pa talaga ako kinabahan ah! eh may nangyari na nga sa amin kagabi eh!




Hooh! Okay, Arie. Inhale, exhale! Sya naman ang kakausap sa parents mo eh kaya relax lang.

Under The Moon | Moon Series #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon