Chapter 13

55 6 0
                                    

 
"May practicum kami ngayon eh, sorry. Alam nyo na sa next next  day na ang foundation, deadline namin eh."

Nagmamadaling sabi ni Gab na lalabas para bumili ng naubos na kailangan nya para sa practicum nila. Vacant kasi kami ngayon tapos nakita ko syang nagmamadali kaya tinawag ko at tinanong kung san sya pupunta at kung sabay syang kakain ng lunch sa amin pero mukhang hindi ata kasi busy sya. Busy din ngayon si France at sila Viel at Sierra dahil may mga submittion sila bukas kaya double time sila now.

So? Maiiwan akong kasama itong si Bliss ngayon na parang ewan. Himala ata na hindi to nang aasar sa akin 1 week na.

Kinalabit ko sya, " hoy! Problema mo?" Humarap sya sa akin. "Yung pinsan mo"

Ano daw? Tama ba narinig ko? Yung pinsan ko? Hah?

Naguguluhan ako sa kanya," hah? Teka? Pano mo naman naging problema ang pinsan ko, hah?" Tinaasan ko sya mg kilay

"Wala"

"Hoy! Pinsan ko yun hah baka nakakalimutan mo, oh ano?" Umiling lang sya. Aba't! Ayaw pang sabihin hah!

"Teka nga..... May hindi ba ako alam hah, Bliss?" Napakamot sya sa batok nya. I knew it! Meron nga akong hindi alam sa kanila.

"On process pa nga eh, kaso baka ma hold pa" his words na sya Lang ang nakaka intindi. Galing!

"Basta! Kung ano mang namamagitan sainyo ng pinsan ko ngayon, ayusin mo!"  Pagkasabi ko nun bumalik na ako sa room namin dahil andito kami sa tambayan namin ngayon.

Basta! Ingatan nya pinsan ko!

Eh, Si Bliss ba talaga? Ohmygosh Sierra Marie Fernandez! Naglihim ka sa akin ah, si Bliss pala. Bakit hindi ko man lang nahalata yun? Ahh!

Hinahanda ko na ang sarili ko sa mga pasabog na malalaman ko tungkol sa mga kaibigan ko at sa mga nalilink sa kanila, jusme! Baka mamaya nyan si Viel na! Aishh! O di kaya si Gab at Leon kasi napapansin kong nagbabarahan sila minsan at parang iba! Basta ganun!

"Ohh, the rumored girlfriend of Samuel is here oh!" hah? Sino ba tong mga t0?

Nakakagulat naman ang mga babaeng to, haharang harang sa daanan ko at sasabihing rumored girlfriend, pwede namang Girlfriend na!

Fake news sila ah.

"Oh? really? Ahm, do i know you guys?" I asked, i haven't encounter them.

She chuckle, "wow!, Maka asta ka naman, feeling mo! Wala pang dalawang buwan kayong magkasama feeling kana? Sa pagkaka alam ko kasi, hindi na nag gi- girlfriend si Samuel after nilang mag break ni Jiana. So, ikaw? Itigil mo na ang kalandian mo!" Tanginang to!

Haharangin ako tapos ganito sasabihin nya sa akin? Tarantado pala to eh! Hindi ko alam kong nagagalit ako o nasasaktan ngayon sa mga sinasabi nya or both?

"Alam mo, kung naiinggit ka gayahin mo ako, yung sinasabi mong 'kalandian' ko." Nakita ko naman na natamaan sila sa sinabi ko dahil umangat ang kanang bahagi ng labi nila na parang gusto akong saktan. Edi go!

"Iba ang tabas ng bunganga mo, mas deserve talaga ni Samuel si Jiana keaa sayo! Tingnan mo nga! Meron ka ng Samuel the future Engineer, may Bliss ka pa na Future Accountant at........ Kaklase mo pa!" Hindi ko alam kung anong pinupunto nitong mga tanginang to eh! Namumuro na sila sa akin ah!

"Tanga ka ba? Kung ano anong pinagsasabi mo sa akin, e samantalang hinarang mo lang naman ako dito!kung may pinupunta ka, diretsuhin mo hindi yung ang dami mong satsat." Bulyaw ko sa kanila, naiinis na ako ah!

Marami ng naka tingin na mga students sa amin ngayon dahil sa pagbulyaw ko sa kanya at WALA. AKONG. PAKI! gusto ko lang mawala sa paningin ko ang babaeng to at diretsuhin nya na ako.

Under The Moon | Moon Series #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now