Chapter 11

52 6 0
                                    


"Epal ka! Napagkamalan tuloy na may jowa ako!"

Bulyaw ko sa kapatid ko ng makarating ako sa bahay at nakita ko syang prenteng naka upo at naglalaro nanaman ata.

"Chill ate, as if naman may nagalit"

Hindi ko nga rin a kung bakit ko sya binubulyawan ngayon kasi tama naman sya eh, as if naman may nagalit diba? Samuel.

Hindi naman ata sya, pero feel ko talaga kanina na kailangan kong magpaliwanag sa kanya eh,edi yun ang ginawa ko pinaliwanag kong kapatid ko yun at nag post pa ako sa story ko ng Picture naming dalawa with a caption ' my annoying brother'
Sana lang ma seem nya para naman maniwala sya, i even followed him on IG at send a request in FB! Ohmygosh!

"Nagselos ba ate? Hahaha" naningkit ang mata ko sa sinabi. Pota.

"Epal!" Sigaw ko sa kanya tsaka umakyat ng kwarto.

Nakita ko agad sa phone ko na nag message si Samuel kaya agad ko itong inopen.

From Samuel:
          Are you in home?

Ano ang sasabihin ko? Oo, im here na? Baka busy nanaman sya hah!

Sa iba.

To Samuel:
      Yeah. Baka busy ka.

Pumasok na ako ng CR para magpalit at maka review na ulit. Wala lang review lang, advance reading nanaman, boring naman eh.

Paglabas ko, kumuha na akong damit sa Closet at nagpalit na. Kinuha ko ang phone ko at naupo sa kama. I saw his messages again. Yes, messages.


From Samuel:
     Nope.

From Samuel:
     Hey.

From Samuel:
     Are you busy?

From Samuel:
       Okay. Just text me if you done to what you doing.

Sipag mag type ah? Kanina lang hindi sya nagrereply sa mga texts ko tapos ngayon? Andaming texts.


To Samuel:
      Sorry, Nagpalit lang ako. Ngayon ko lang nabasa messages mo.



To Samuel:
      Im not busy actually bored na nga ako eh.

Totoo naman na bored na ako eh walang magawa kaya naman kinuha ko ang libro ko sa bag at nagsimulang nagreview review. Hobby ko talaga magbasa eh actually.

Hindi pa lang nag lilimang minuto, biglang mag ring ang phone ko. Its Samuel, kaya namn sinagot ko na agad ang call.

["Hey"] bungad nya, shet! Bedroom voice ampucha!

"Ahm hey" i couldn't say anything, damn!

[I saw your story.... with your brother"] oh tapos?

"Kapatid ko nga yun kulit eh! Sya lagi kasama ko uma- umaga dahil sabay kaming dalawang pumapasok.." i find myself explaining to him kaya naman natahimik ako

["... Then?"] anong then?

"Anong then na ano? Yun na yun! Epal kasi talaga yung kapatid kong yun."

["About dun sa cafeteria..."] Pota.

"Ikaw baka busy ka or may gagawin ka, bat ka nga pala tumawag pwede namang text text nalang" pag- iiba ko ng usapan dahil ayaw ko ngang pag-usapan yun, kumukulo ang dugo ko doon.

Under The Moon | Moon Series #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon