Chapter 10

55 6 0
                                    


  Pagkagising ko kinaumagahan, nakita kong may nag text kaya naman binuksan ko iyon at nakita kong si Samuel iyon. I saved his number din agad kagabi after nyang mag pakilala na sya yun, ewan ko nga dun kung bakit nag text tsaka bakit nya ako itetext? Or baka naman sinabi nila Viel?

Ohmygosh!

Nagreply ako sa text nyang 'hey' na 'hey too' wala akong ibang maisip na irereply eh. Ano ba dapat?

Kagabi kinulit din ako ni Sierra at Gab tinanong nila about dun sa napag usapan namin dati about him. Nakalimutan ko na nga yun eh, tsaka feeling ko alam ko na kung bakit sya ganyan, because of his family. Totoong pamilya.
Sinabi ko sa kanilang wag na naming imention yun tapos ayun, they tease me. Argg!

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan dahil kailangan kong maagang pumasok ngayon, may quiz eh! Kailangan maging fresh ang utak ko before nun para maging maayos ang kalalabasan ng quiz ko. Nag review pa naman ako kagabi at inabot ng syam-syam.

"Nagmamadali ka"

Nakita ko si papa na nagkakape, si mama na kumukuha ng foods tapos si Nicko na kumakain na, ako nalang kulang. Umupo na ako katabi si Nicko at nakita ko ang itsura nyang Parang brokenhearted.

"Itsura mo uy"

Tinaas nya phone nya at doon ko lang na gets na about dun sa brain out na laro ang problema nya. Jusko!
Akala ko kung ano na, itsura naman nito akala mo kaka break lang.

Hah! Ano bang alam ko sa break- up na yan!

"Nakuha mo na ba yung sagot, Nicko?" Tanong ni papa

Nicko sighed, "not yet" walang buhay nitong sagot

Hindi ko na sila pinansin at kumain nalang ako. Malay ko bang sa Project or what nya yun.

"Mag cheat kana kaya..." Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi ni papa.

Totoo ba to? About sa Brain out na laro ang pinag- uusapan nila?

"I can do it"

I chuckle, "Ohmygosh! Seryoso kayo papa? Sa laro ni Nicko ang pinag- uusapan nyo? Hahahaha" hindi ko na napigilan ang tawa ko kaya naman pinalo na ni mama ang kamay ko. Nakita ko ng kumukunot na ang noo ni Nicko at si papa naman tumatawa na rin.

"Pota! Hahahaha" i laughed

"Arely Vittales. Mouth." Natigil ako sa pagtawa ng tawagin ni papa ng buo kong pangalan, na narealized kong naging maganda yung nasabi ko kanina. Gosh! Nasa harap pa naman kami ng hapag. Seryoso na si papa.

"Sorry po." I said

"Ma, pa, alis na ako, may report ako ngayon" tumayo na ito

"Same here. May quiz po kami today Bye ma, pa, Alis na kami"

Nang maka alis na kami sa bahay, biglang nag vibrate ang cellphone ko. I always put it on vibrate mode para iwas distraction kaso mukhang itong nag text ang distraction eh.

From: Samuel
            Wru?

Napaka ano naman neto.

Napa irap nalang ako bago ako mag type ng reply ko. Bakit nya tinatanong kung asan ako? Malamang papasok palang diba?

To: Samuel
      Otw, bakit?

Hindi lang nag isang minuto nag vibrate agad cellphone ko. Bilis mag reply ah! Ideal ng mga babae to hahaha.

From: Samuel
           Bilisan mo, may Quiz kayo diba?!

Hah?!

Under The Moon | Moon Series #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now