Chapter 6

58 5 0
                                    

 
   Last set na ng laro at Accounting and Engineering Department na ang mag lalaban, feeling ko mas dumami ang na nanunuod ngayon compared kanina.

Kinakabahan tuloy ako jeez!

Nanalo ang Tourism at Culinary kaya sila ang naglaban kanina, sa last set kung sino ang mananalo sa dalawang department ay syang ilalaban sa Culinary for the final set ng laro kung saan malalaman na kung sino ang champion sa basketball. malalaman din mamaya kung sino ang nanalo sa sayaw, the Performance is not like the basketball na may laban laban pa ulit, ang kalaban ng isang department ay ang lahat ng department na kasali kaya nakaka kaba rin dahil marami din na magagaling na sumayaw. Well,  depende pa rin talaga yun sa Performance at sa mga judge.

Mag uumpisa na ang laro, pumupunta  na ang mga players na kasama sa first 5 ng laro habang ang mga crowd naman ay sobra ng ingay todo cheer sa kani-kanilang pambato.

Bilang suporta sa aming department, kinuha ko ang mga pompoms na ginawa ng department namin para sa larong ito at nag cheer.

"Go! go! Go Accounting Department!"

Humarap sa gawi namin ang mga players namin at kumaway. Ako naman ay todo parin sa cheer, habang sila Viel ay naka upo lang at pumapalakpak lang.

"Parang tanga lang si Bliss hahaha" Gab said

Napa tingin kami Kay Bliss na todo ang kaway sa gawi namin na parang nangangampanya. Napa tawa nalang din kami sa ginagawa nya. Parang sira!

"Go Engineering!" Cheer ni Viel kaya napa tingin kami sa kanya

"What? Duh supporting!"

"Ah ganun? Kanina hindi kayo nakipag cheer sa akin tapos ngayon nag che- cheer ka jan" I pouted

"Chill Arie hahaha, nag che- cheer lang naman. Tara Viel sabay tayo" singit ni Gab

Hindi ko talaga alam kong nang iinis sila or what, sasayaw pa naman ako mamaya tapos naiinis ako. Ohmygosh baka magkamali ako mamaya! Oh no!.

First Quarter ng laro pero lamang na ng 5 points ang Engineering kaya sobrang ingay na ng crowd todo sigaw sa players na sinusuportahan nila. Hindi naman nagpa huli ang Accounting Department dahil todo cheer din naman kami lalo na ngayong naka 3 si Bliss.

"Go Bliss!" Cheer namin

Twenty Seconds nalang matatapos na ang first quarter pero kita parin ang diperensya ng dalawang team, kung sunod sunod na tres ang ma iiskor ng players namin siguro makaka habol pa sila pero parang malabo dahil kapit ng kalaban ang bola ngayon at naka iskor si Leo ng tres kaya naman umingay ulit ang crowd.

Last ten seconds, kapit namin ang bola at na shoot ito sa tres kaya naman umingay ang crowd dahil doon. Pakiramdam ko hindi namin mahahabol ang iskor ng kalaban ngayon first quarter dahil ngayon ay kapit na ng kalaban ang bola. Kapit na ni Samuel at Hinaharang na sya ngayon ni Bliss pero na iskor nya ito sa tres. Tumunog ang buz hudyat na tapos na ang unang quarter ng laro kaya naman tinawag na ng Engineering na sasayaw dahil sila ang lamang sa unang Quarter silandin ang sasayaw na una, means mamaya pa kami, huli!

Mas lalo akong kinakabahan ngayon!

The Performance of Engineering is good, may twist pero sa bandang huli may nagkamali at kitang kita yun ng lahat. Pansin kong laging sa huli may mali or nagkakamali ang mga perfomers. Sana hindi sa amin.

Continuation of the game, Second quarter na. Unang kapit ng bola ay sa amin, lamang kami this time pero ng makuha ni Samuel ang bola sa isang 4th year naging sunod sunod na ang kapit nila sa bola, hindi na namin makuha ang iyon sa kanila kung makuha man hindi kami nakaka iskor dahil nakukuha din iyon either Samuel or Leo.

Under The Moon | Moon Series #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon