Chapter 1

161 7 0
                                    


"...... And business defined as an organization of the people with varied ahmm skills, which... Which uses property or t-talents, to produce goods or service, which can be sold to others for more than their costs."

"Thank you Ms. Vittales"

"Okay, next is Ms........"

Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ko dahil naka sagot na ako sa recitation namin ngayong araw.
Di ko inaasahan na ang daming tanong ng teacher naming ito mabuti nalang nag advance reading ako kagabi. Nakaka stress!

Nagpatuloy pa ang recitation namin habang ako ay nakikinig nalang sa mga sumasagot na mga kaklase ko. Nakikita kong kinakabahan ang iba sa isasagot nila sa tanong ng teacher namin, siguro kasi dun lang sa lesson na yun sila nag review kagabi hindi nag advance.

Tama nga si Mama sa sinabi sa akin kagabi na mag advance Reading ako dahil college na hindi na pwede yung kung ano lang yung sinabi eh doon lang mag fo-focus ang discussion. Kahit naman noong 2 years ko as Accounting student eh ganyan na talaga sinasabi sa akin ni mama.

'Mag advance Reading ka, hindi ka na senior high.'

Napabuntong hininga nalang ako ng matapos na ang recitation namin dahil oras na rin iyon ng out namin sa kanya. Habang nag lalakad palabas ng room may naramdaman ako, Kinuha ko sa bulsa ng palda ko ang cellphone ko dahil naramdaman kong nag vibrate iyon.

Nag text sakin si Gab na magkita daw kami sa tambayan namin ngayon.

From Gab:

   Sa tambayan ngayon, otw na kami.

Mas binilisan ko pa ang paglakad ko ginawa ko na ngang lakad-takbo para makarating kaagad doon.

Nakita ko na silang naka upo doon at kumakain na kaya tumakbo na talaga ako. Geez! Gutom na rin ako!

Binagsak ko kaagad ang sarili ko sa bakanteng upuan katabi ni Gab at kumuha ng fries sabay inom ng coke na dala nya. Feeling ko kasi pagod ang ngayong araw dahil sa recitation na yan! Ni hindi nga ko naka tulog ng maayos kagabi dahil kaka review at advance Reading in short ........... Puyat ako!

"Zombie ka nanaman"


"Panda"


"Sipag eh"


"How's recitation?"




Sa lahat ng sinabi nila kay France lang ako sumang-ayon at sumagot, mga walang kwenta kasi mga sinasabi eh.

"Ayos lang. Letche! Nautal pa ako muntik ko ng makalimutan" pag susumbong ko

Natuon ang pansin namin sa inilabas na libro ni Gab. Cooking book.
"What's that? A korean dish?" Tanong ni Viel, tumango si Gab sakanya.

"Napa isip ako..." Biglang sambit ni Sie

Napatingin naman kami sa kanya na medyo nagulat dahil sa bigla nyang pagsalita. Umirap naman si France.


"Ano yun?" She asked


"Alam ko na kung bakit laging pagod at parang haggard lagi si Arie....."


"Anong parang.... Laging haggard nga eh hahaha" singit ni Gab, pareha naman sila ni Viel na tumawa.



Super supportive bestfriends!





"...... Wala kasi syang jowa kaya!" Pagpapatuloy nya.

Napa irap naman ako sa sinabi nya,  Di ako natutuwa ah! Natawa naman silang apat sa sinabi ni Sie. Langya! Pag ako talaga nagka jowa, 'who you?' sakin mga 'to!



Under The Moon | Moon Series #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now