Chapter 16

53 6 0
                                    


  Nang pumasok ako kinabukasan ay dumiretso ako sa cafeteria para bumili ng C2 at Valmer para pampakalma. Hindi ko na talaga alam ang gagawim ko this time pag umeksena pa yang Jiana na yan!

Yabang porket naging Girlfriend sya.


Palabas na akong Cafeteria ng humarang sa akin si Samuel kasama sila Hugo pero nagpaalam din. " Kila France na muna kami, bro" sabay tapik nya sa balikat ni Samuel. Sinundan ko sila ng tingin para maka iwas kay Samuel and after that lumakad na ako.


"Arie... Arie.." pigil nya sa braso ko, "Arie please, wag naman ganito. Don't ignore me please." Bilang pag-iingat ay hindi ko sya pinansin at lumakad na ako paalis pero nakasunod parin sya.

Humarap ako sa kanya, "Wag ka ng sumunod please lang Samuel. Baka naman gusto mo pang may mangyari pa sa akin bago mo ako lubayan." Nakita kong may nagbadyang kakaibang emotion sa mga mata nya pero hindi ko nalang pinansin.

For what?

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin sila Jiana habang nakasunod parin si Samuel sa akin. Nakita kong nagulat pa sya dahil doon pero lalampasan ko na sana sila ng biglang umaray si Jiana. Hah!

"A..aray.......  S-samuel masakit, let me go" nagulat ako sa nangyayari kaya hindi ako naka react agad.

Hawak hawak ni Samuel ang Braso ni Jiana na alam kong madiim iyon dah nakikita kong namumula na iyon, iba na rin ang itsura ni Jiana dahil nasasaktan na sya. Agad akong lumapit kay Samuel para awatin sya.


"Samuel... Sam please, stop it" pagpigil ko sa kamay nyang naka hawak parin sa braso ni Jiana, kita ko ang galit sa mata ni Samuel at takot naman kay Jiana.

"Ohmy! Samuel!.... Let her go! She is hurting!" pigil din ni Mina kay Samuel pero tinabig lang sila ni Sam.

" Wag. Na. Wag. ka ulit gagawa ng ikapapahamak ni Arie. Naiintindihan mo? Kung hindi, hindi lang ito ang mangyayari sayo!" Nakaka agaw atensyon na kami sa mga estudyanteng dumaraan at pinag bubulungan na kami ngayon.

"Ouch! Sam.... Let me go!"

"FUCKING ANSWER ME! DAMN!" napapikit ako sa sigaw nya kahit si Jiana at Mina ay ganun din. Galit na galit na talaga si Samuel ngayon.

Hindi ko alam na ganito pala sya magalit. Marami pa talaga akong hindi alam sa kanya.

"O..oo,naiintindihan ko Samuel. Sorry, sorry Arely. Let..let me go" agad naman syang binitiwan ni Samuel at tumatakbo pang umalis. Napapikit naman su Samuel after that trying to calm himself, i guess.

Hinawakan ko ang kamay nya para pakalmahin sya without saying anything, "Im sorry, i lost my control" umiling iling ako. Natakot ako, oo pero dahil doon nakita ko pa ang ibang side nya na hindi ko alam.

Inilagay nya ang kamay nya sa bewang ko at naglakad na kami papuntang Tambayan dahil andun daw sila. He even kissed my forehead!  At dito pa sa maraming mga Students na dumadaan!

Jusko naman Sam!. Hindi ko pala kayang iwasan sya.

"You didn't answered my calls last night" napayuko ako si sinabi nya dahil sinadya kong hindi sagutin mga tawag pati pagreply sa mga messages nya. "Sinadya ko yun. Hindi ko kasi alam ang sasabihin at gagawin ko eh, umiyak lang din ako kagabi" ngayon ko lang narealized ang nasabi ko. Wala na nasabi ko ng umiyak ako kagabi sakanya. Tsss.

"I can help you, retake the exam." Agad akong umiling sa sinabi nya. Baka kasi gamitin nya ang koneksyon ng pamilya nya dahil doon at yun ang ayaw kong gawin nya, baka kung ano nalang ang sabihin ng iba lalo na ang pamilya nya sa akin.

Under The Moon | Moon Series #1 [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant