Chapter 41

825 24 0
                                    

The Light in the Darkness
The prey of the Madness
He's not the felon
Look, he look like a lion

Darkness surround, so cold run
Miscreant is looking for pawn
Who's here? The liberator
Oh beware he's near

What a majestic forest
The rose of life is bleeding, what happpened?
Don't, don't look you'll be blind
A misty beauty, died

She's back, She's back!
Look out,
Someone is about to land.
Blood. Blood. Blood.
The sky is so dark.

"Akira!" Sa sobrang bilis ng dragon na lumipad muntikan ng mahulog ang dalaga,

'Naguumpisa na Alesea!' Rinig mula sa Akademya ang mga pagsabog na nagaganap na tila ba may digmaang nagaganap. Habang matulin ang lipad ng dragon pumikit ang Dalaga at dinama ang sariling kapangyarihan nito at ang sa Dragon, wala pang ilang segundo nagiba ang kulay ng mata ng dragon na naging ginto at ganon din sa dalaga. Mas bumilis ang paglipad nito at kitang kita na ang magulong Akademya, nagawang kontrolin ni Alesea ang dragon at gamit ang sariling kapangyarihan binugahan nito ang mga kalaban.

Nang makakuha ng bwelo agad itong tumalon sa dragon at buong tapang na naglakad habang kinokontrol ang kalikasan ayon sakanyang kagustuhan. Lahat ng kalaban ay bumaling sakanya at sabay sabay itong sumugod sa kinatatayuan ng dalaga, gamit ang hangin walang kahirap hirap na napalipad ng dalaga ang lahat na lumalapit sakanya. Dinama niya ang kanyang paligid na nagpatigil sa lahat, ramdam nito ang pagdaloy ng kapangyarihan ng mga kalaban sakanilang mga katawan at gamit ang pinakadelekadong hakbang buong pwersa niyang inilabas ang mga kapangyarihan nito dahilan ng pagsabog ng mga katawan ng kalaban.

Napaluhod ang dalaga sa panghihina na agad din namang tumindig at nakita ang patuloy na pagdating ng mga kalaban, sa hindi kalayuan sakanyang kinatatayuan ay ang kanyang mga kaibigan na patuloy pa rin na nakikipaglaban.

"Akira" tawag niya sa Prinsesa na nasa anyong dragon,

'Ano ang iyong kailangan Alesea?'

"Nasan siya?"

Mabilisang tumakbo ang dalaga sa bakuna ng patay na kagubatan, pinalakas nito ang kanyang pandinig at dali daling nagpatungo sa kanluran. Takbo lang ito ng takbo hanggang sa makita niya mula sa pinakadulo ang dalawang lalaki na mistulang naglalaban,

"Aeros"



"Lioht!" Hingal na hingal ang babae ng makalapit sakanyang kapwa Diyosa na hindi maitago sakanyang napakagandang mukha ang pagkabahala,

"Paano niya nagawang makatakas, Serien?! Nasa panganib siya, hindi maaaring makita siya ni Phlegein!" Hindi na alam ng Diyosa ang kanyang gagawin sa sobrang takot na kanyang nadadarama, paikot-ikot ito sakanyang kinatatayuan pilit ang sarili na makapagisip ng maaaring gagawin upang mailigtas ang nagiisang anak mula sa Diyos ng kadiliman

"Nasa Akademya na si Aeros upang hanapin si Alesea, uminahon ka Lioht. Walang magagawa ang pagkataranta mo at mas lalo ka lang matataranta, isipin mo ang dapat na gawin upang mailigtas si Alesea" Nagtitigan ang dalawa at dali daling naglakad palabas ng makasalubong nila ang kaibigang si Amanda na duguan,

"L-Lioht"

"Amanda!" Agad itong nasalo ng kanyang kaibigan at gamit ang sariling kakayahan pinagaling nito ang kanyang mga sugat na nag bigay sakanya ng mamunting lakas,

"Lioht!" Napatingin ang tatlo sa likod ni Amanda ng makarinig ng sigaw mula sa Diyos ng Apoy na si Firro na sugatan din,

"Umalis na kayo!"

"F-Firro" Akmang maglalakad ito patungo sa kaibigan ng hilain ito ni Amanda at tumakbo na walang sabi sabi habang hila hila ang dalawang kaibigan,

"Hindi natin kailangan tumakbo Amanda!" Buong lakas na binawi ni Lioht ang braso sa pagkakahawak ng kanyang kaibigan,

"Kaya nating lumaban!"

"Wala tayong laban kay Darek, Lioht!"

"A-Ano?" Bumuhos ang luha ng Diyosa habang tinitigan nito ang kaibigan,

"Hi--" Isang malakas na pwersa ang naging dahilan ng pagtilapon ng dalawa samantalang nanatili namang nakatayo si Lioht habang gulat na nakatingin sa kapwa Diyosang nanghihinang tumayo,

"Mahal kung Lioht"


The Long Lost Legendary Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon