Chapter 38

1.2K 42 1
                                    

FIRST DAY

"FAYE, SKY, HAIKA WHERE ARE YOU?!" Patuloy lang ang aking pagsigaw habang naglalakad sa masukal na kagubatan. Kanina paggising ko wala na ang tatlong kaibigan na katabi lang kagabi na natutulog,

"Where the hell are you?!" Naguumpisa na akong mawalan ng pasensya dahil halos kalahating oras na akong naghahanap sa wala. Napaupo ako sa isang sangang nadaanan at minasahe ang paa'ng kanina pa sumasakit,

"Psst" Napatigil ako sa paghilot ng paa ng makarinig ng sitsit tiyaka agad namang napatayo,

"Sino yan?! Lumabas ka kung nasaan ka man!" Hinanda ko ang sarili sa kung ano mang pag atake, gamit ang kapangyarihan sa hangin gumawa ako ng patalim na hindi makikita ng kung sino man maliban sa akin. Sinundan ko ang bawat paggalaw ng halaman kung saan nagtatakbo ang kung ano mang nilalang sa mga likod nito at ng makahanap ng tiyempo walang pagaalinlangan na itinapon ko ang ginawang patalim at kalaunan nakarinig na ako ng mahihinang daing. Kinontrol ko ang halaman kung saan nagtatago ang nilalang bago ito tinapon sa kung saan at naging handa sa ano mang atake nito,

"W-Wag mo ako saktan" Napatigil ako sa paglapit ng magsalita ito at bahagyang tumingin  sa akin. Kung aking ilalarawan ang anyo ng nilalang na nasa aking harapan, may dalawa itong paa na kahawig ng paa ng isang puting batang kabayo na may katawan ng maliit na tao ngunit ditelyado ang mga masel sa katawan. Ang kanyang buhok ay tila isang alon na lumulutang ng malaya sa himapapawid, may dalawa naman itong sungay na kahawig sa sungay ng kambing. Anong klaseng hayop ito?

"Anong klaseng hayop ka?" Tanong ko at ikinulong ko sa matitibay na kahoy na aking ginawa upang kung sakali mang umatake ito ay agad na mapipigilan ng kulungan,

"Isa akong Hroshomogeiz, Diyosa  o sa madaling tawag sa amin ay Ros. Kalahating kabayo, kalahating tao na may sungay ng mga kambing. Ikinagagalak ko po na makita at makilala kayo Mahal na Diyosa, gusto ko na ipakilala ang aking sarili kung iyong nanaisin Diyosa" Nanatili itong nakayuko habang nagsasalita na aking ipinagtaka,

"Hindi ako Diyosa" Agad naman itong tumingin sa akin na agad din namang yumuko,

"Impossible" Mahinang sambit niya,

"May pangalan ka?"

"Oo naman Mahal na Diyosa"

"Ano ang iyong panglan?"

"Ako po si Defian mula sa mga angkan ni Roliar na anak ng alaga ng diyosa na si Serien na si Alcamar" Tumaas ang kaliwa kung kilay ng marinig ang pangalan ng diyosa ng katubigan. Tinanggal ko ang kulungan at umupo  sakanyang harapan,

"Hindi mo kailangang yumuko at tawagin akong Diyosa, Defian. Tawagin mo na lang ako sa pangalang Sam" Inabot ko ang aking kamay upang makipagkamayan na agad naman niyang tinanggap,

"Hindi pa rin ako maka--" Agad ko siyang hinila sa aking likuran at nagpalabas ng naglalabagang apoy tiyaka itinira sa mga mukhang oso,

"Ano naman ang mga iyan?!" Tanong ko habang nakikipagpalit ng tira sa mga mukhang oso na nagbabato ng itim na ewan,

"Mga Beranbestia alagad ng kadiliman, kailangan na nating umalis Diyosa unti unting dumadating ang kanilang mga kauri at malala ang sanhi ng kanilang itim na kapangyarihan!" Agad akong gumawa ng malaking pagsabog at hinila ang maliit na si Defian,

"Diyosa kaya kung tumakbo magisa!" Binitawan ko naman ito ng walang pagaalinlangan at gulat ng mas nauna pa itong tumakbo sa akin,

"Dito!" Turo niya sa kaliwa na agad ko namang sinundan. Walang tigil na pagtakbo ang ginawa namin hanggang sa makarating kami sa mga maliliit na bahay kung saan sa tingin ko nakatira ang mga kauri ni Defian,

"May kailangan pa akong hanapin Defian" Mungkahi ko at naupo sa malaking bato na malapit,

"Tutulungan kita sa paghahanap Diyosa. Ito ang sinabi sa akin ng mahiwagang bituin noong bata pa lamang ako. Ang gabayan ka at protektahan sa ano mang piligro ang nakaabang ay aking misyon habang ako'y nabubuhay" Nakayuko ito habang nagsasalita ng buong puso,

"Ngunit Defian hindi ako Diyosa. Baka nagkakamali ka lang" 

"Hindi nagkakamali ang mga Ros sakanilang gagabayan Mahal na Diyosa" Binatukan ko ito na  agad naman niyang ikinatumba,

"Sam. Sam ang itawag mo sa akin"

"Pasesnsya na Diyo- Sam" Tumayo ako at pinakatitigan ang maliliit na kabahayan,

"Asan ang  mga ka-uri mo?" Tinignan ko si Defian na biglang napayuko sa kalungkutan,

"Nang umatake noon ang mga Tarchannen, pati ang mga nakatira rito sa kagubatan ay kinuha nila at ginawang alipin. Tanging ako lang ang nakatakas sa aming uri dahil na din sa tulong ng aking ama, alam niyang may malaki akong misyon at iyon ay ang gabayan ang anak ng liwanag at dilim na siyang tutulong sa lahat upang makawala sa kadiliman na ginawa ni Ph-" Napahawak agad ito sakanyang bunganga bago pa man mabigkas ang isang pangalan,

"Sino?" Tanong ko at muling umupo sakanyang tabi,

"Bawal sambitin ang kanyang pangalan binibini dahil kamatayan ang hatid nito" Bulong niya at siya naman itong tumayo,

"Sino ba ang nais mong hanapin?"

"Ang mga kaibigan ko" Tumayo na din ako ulit at sinundan siya sa isa sa mga bahay. Kung titignan sa labas tila isang maliit na tahanan lamang ito ngunit sa iyong pagpasok sobrang laki nito,

"Sira na itong tahanan namin noon ngunit nagawan ko ng paraan upang maisa-ayos" Masayang pagpapahayag niya habang kinukuha ang kanyang mga kagamitan,

"Maliit na handog ko sa iyo Mahal na Diyosa" Agad niyang inabot sa akin ang maliit na bote na pinapalibutan ng mga maliliit na naggagandahang bulaklak,

"Ano ito?" Tanong ko habang sinusubukan na tignan ang nasa loob,

"Gamot iyan sa mga matitinding lason, ibinigay sa akin ng aking ama na siyang isinabilin sa akin na ibigay sa iyo" Nginitian ko ito at bahagyang napatingin sakanyang sugat na gawa ko. Agad ko itong hinawakan upang pagalingin,

"M-Maraming salamat" Tumango na lamang ako dito tiyaka pinakatitigan ang boteng kanyang ibinigay bago itinago sa maliit na bag na aking dala dala,

"Tara na" Nauna itong lumabas na agad ko namang sinundan. Bago pa man umalis tinitigan muna ni Defian ang kanilang munting tahanan at sakanyang mga mata nakita ko ang munting mga luha,

"Makikita mo din siya Defian, pangako"

The Long Lost Legendary Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon