Chapter 22

7.9K 300 1
                                    

Third Person Point of View

Lumipas ang tatlong araw, patuloy pa din naging isang palaisipan ang tungkol sa nangyaring pagatake ng mga Tarchannen sa Akademya. Lalong lalo na ang nasaksihang kakayanan ng Dalaga,

"Malaki ang posibilidad Loreine na siya ang nawawalang anak ni Haring Aiko" Sa tatlong araw na paguusisa ng mga Head's ng mga iba't ibang paaralan sa katauhan ng Dalaga nahihirapan pa rin silang hanapin ang katotohanan,

"Sapat na ang ipinakita niya" Suwestiyon ng isang Head na si Mrs. Hyle Hidalgo na siyang sumasangayon sa sinabi ni Mr. Thane Lincoln,

"Iisa lang ang maaaring posibleng humawak ng ganoong abilidad Loriene, ayon na din sa Oracle na nagsasabing tanging anak ng isang purong bughaw ang makakahawak nito" Suwestiyon naman ni Mr. Hendery Bailé.

Hindi makatingin ang Ginang sa mga kasamahan na tila ba may tinatago, halos hindi ito gumalaw sakanyang kinauupuan habang ang mga tingin ay nanatili sakanyang inumin,

"Loreine?" Tawag sakanya ng isang kasamahan na si Mr. Dior Carter,

"K-Kung yan ang sa tingin niyo. Kung gayon kailangan na nating ipaalam ito sa mga Hari't Reyna" Tanging nasambit nito.

KINABUKASAN dumating nga ang malaking pagpupulong ng mga kinikilalang Head's at ang mga Hari't Reyna, maliban sa pinka-pinuno ng buong Magos na hindi dumalo,

"Hindi siya tunay na anak ng dating Soudeour na si Syla Ruis at Elios Valdez. Umatake ang Tarchannen sa tahanan nila noong nasa eskwelehan ang Dalaga, nadatnan nito ang mga tumayong magulang na wala ng buhay ayon sakanyang kaibigan na nadoon mismo sa araw ng pinangyarihan" Paliwanag ni Mr. Carter,

"At kamakailan lang umatake ang mga Tarchannen sa Akademya at dahil doon natuklasan namin ang kanyang kakayahan" dugtong naman  ni Mr. Bailé,

"Hindi pa rin tayo makakasiguro" Haring Gylo,

"Ngunit Mahal na Hari ayon na rin sa Oracle isang anak lang ng purong bughaw ang makakawahak ng ganong kakayahan. Apat na pinaka makapangyarihan ang nagawa niyang palabasin, hindi pa ba sapat iyon?" Ginoong Thane,

"Hindi sapat Thane. Minsan na itong nangyari sa mga sinaunang ninuno natin at kung inyong nalimutan isang anak ng Patrol na hindi dugong bughaw o isang maharlika ang biniyayaan ng apat na elemento" Mas lalo naman naguluhan ang lahat ng dahil sa suwestiyon ni Reyna Yukara,

"Mawalang galang Mahal na Reyna pero hindi pa nagkakamali ang oracle sakanyang pinapahayag. Malinaw na ang anak ng Haring Aiko ang siyang magiging tagapagmana ng apat na elemento" Ginoong Dior,

"Hindi malinaw ang Oracle Ginoong Dior tila ba may kulang sa pinapahayag nito kaya hindi tayo makakasiguro" pahayag ni Reyna Jendalá

"Mas mainam na bantayan muna natin ang Dalaga hanggat hindi pa klaro ang lahat" Haring Miller,

"Kung ganon mas mabuting ang mga prinsesa't prinsepe ang magbantay sa Dalaga habang kumakalap pa tayo ng ebidensiyang nagpapatunay na siya nga ang nawawalang prinsesa"  Reyna Revar,

"Hindi sapat ang mga anak ng maharlika Reyna, mismong si Prinsepe Jared ay hindi nakayanan ang pwersa ng mga Tarchannen. Kung maari isang Soudeour ang magmamanman sakanya mula sa kalayuan" Ginang Hyle,

"Hindi na iyon problema Hyle, si Julius na ang bahala doon" Ginang Loreine

Matapos ang halos dalawang oras na pagpupulong nagpasya na ang hari ng apoy na si Haring Gylo na tapusin na ito at muling magpapatawag agad ng pagpupulong kapag may nahanap ng ebidensiya.









EDITED

The Long Lost Legendary Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon