Chapter 31

1.3K 44 0
                                    

Malalakas ang sigawan ng dumating si Julius at nagsiupo naman sa inihandang upuan ang mga Head's ng paaralan. Mababakas ang kasiyahan at kasabikan ng mga estudyante para sa Third and Fourth Base Division,

"Are you ready students?!" Mas lumakas ang sigawan at tila hindi na sila makapaghintay,

"Let's start the Third Base Division to Stephanie Kwon of William Academy vs. Anthony Sawyer of Natura Academy!" Isa ako sa mga estudyanteng nanabik sa laban lalo na't isang Doll Manipulator si Stephanie at Mind control naman si Anthony.

Kilala ang mga Third Base dahil isa sila sa pinakamamagaling pagdating sa labanan, hindi din maipagkakait ang nakakabilib nilang Abilidad. Ang Second Base naman ay magagaling sa support kagaya ng mga First Base, medyo lamang lang ang mga Second Base dahil ang abilidad nila ay kayang gamitin sa pakikipagdigmaan karamihan naman sa mga taga First Base ay para sa mabilis na gamutan.

Dahil isang mind control ang kakayahan ni Anthony hindi magawang imanipulate ito ni Stephanie kaya kahit anong pilit nitong gamitin ang kakayahan laban sa lalaki sumasakit lamang ang ulo nito, kaya naisipan niya makipaglaban gamit ang armas. Sila na ata ang may pinakamatagal na laban as of now, wala pa din nagpapatalo kahit na sugatan na ang isa at nanghihina na,

"Walang awa talaga si Anthony" komento ni Miyuka na natiling nakatingin kay Anthony,

"Isa iyon sa mga katangian ng nararapat na Mind Controler" Suwestiyon ko naman. Kailangan ng isang Lucēre na may abilidad na Mind Control na patayin ang kanyang konsensya dahil ito ang magpapatalo sakanya,

"Stephanie Kwon got Ninety-four percent while Anthony Sawyer got Ninety-five percent!" Pasok ang dalawa sa next round dahip sa malalaking puntos na kanilang nakuha. Bumalik sa pwesto namin si Anthony na hinihilot ang ulo dala na rin siguro sa paggamit ng kanyang kakayahan. Samantalang si Stephanie naman ay sugatan at kinailangang dalhin agad sa pagamutan,

"Roshima McGregor of Hydor Academy vs. Athena Laurel of Fyr Academy!"

"Jared si Athena oh" turo ni JR sa babaeng maikli ang kulot na buhok na naglalakad sa bulwagan,

"Naalala ko yung mga kwento mo tungkol sakanya noong kabataan niyo!" Tukso sakanya ni Cyrene,

"May pabigay-bigay ka pa ng bulaklak" Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Miyuka samantalang nanatili akong tahimik at pinagmasdan ang tinawag nilang Athena. Maganda nga naman ito at bumabagay ang ayos ng kanyang buhok sakanyang maliit na mukha na mas lalong nagpaganda sakanya, ang malarosas niyang labi na bumagay sakanyang napakaputing balat, ang katawan nito na naisin ng mga kababaihan. Sa madaling salita isa siyang napakagandang babae,

"Sus wala yan kay Samantha!" Napabaling naman ako sa kaibigan na nag thumbs up pa sa akin,

"Oo nga kay Sam pa rin ako" Sangayon naman ni Xander. Nagumpisa ang laban ng dalawa at napansin ko ang kanyang kakaiba at nakakamanghang abilidad, Fear Inducement

"Ang galing!" Manghang komento ni Haika, mas magaling naman ako jan

"Mas magaling pa rin si Bespren!" Suwestiyon naman ni Faye na sinangayunan ko. Isang Willpower Inducement ang abilidad ng kalaban ni Athena, nagagawa nitong iresist ang kapangyarihan ng babae kaya hindi ito tumatalab sakanya at bumaliktad ang atake. Imbes na si Roshima ang talaban ng Fear Inducement na abilidad ni Athena, si Athena mismo ang inaatake ng kanyang mismong abilidad dahil sa Willpower Inducement ni Roshima.

"Ang galing talaga ng abilidad ni Rosh" Sumasang-ayon ako sa sinabi ni Cyrene dahil hindi maipagkakaila ang taglay niyang abilidad. Natapos ang kanilang laban at pareho silang nakakuha ng Ninety-four percent. Walang sugatan sa dalawa ngutin mahahalata mo ang kanilang pagkahina lalo na yung si Athena,

"Hindi mo ba pupuntahan?" Tanong sakanya ni JR dahilan upang mapabaling ako sakanya na nakatingin din pala sa akin. Agad akong napaiwas at tinitigan ang sariling mga kamay,

"Later" Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan, paihim ko namang minasahe ang dibdib na ninikip at huminga ng malalim.

"Rizzar Finley of Fyr Academy vs. Xander Hyun of William Academy!" Nagtawanan ang dalawang magkaibigan bago sabay na nagpunta sa bulwagan habang magkaakbay.

Xander's Ability is Lightning while Rizzar is a Shifter. Hindi ko alam kung may sakit ba si Xander sa pagiisip dahil tawa lang ito ng tawa habang inaatake ang osong si Rizzar na nagsasayaw sa bulwagan,

"Mga baliw" nakangiting pahayag ni Felix habang pinapanood ang baliw na mga kaibigan. Mabilisang nagseryoso naman ang dalawa ng sinita ng Headmistress Loreine. Magagaling ang dalawa kahit na sa una ay naglolokohan lamang ang mga ito, sa huli pareho silang nakakuha ng malaking porsyento. Ninety-five percent.

Bumalik ang dalawa na nagbabangayan pa,

"Ziara Hyun of William Academy vs. Felix Lennon of Aer Academy!" Halos magkaparehas lang ng abilidad si Ziara na isang Gravity Control at si Felix na isang Telekinesis. Ang pagkakaiba lang kayang igalaw ni Felix ang bagay na gusto niyang palutangin, samantalang si Ziara kaya lang pigilan o palutangin ang isang bagay. Maganda ang laban  dahil halos magkapareha ang dalawang abilidad. Sa pagtatapos ng laban nakakuha ng Ninety-four percent si Ziara samantalang lamang ng isang puntos si Felix.

Natapos ang laban ng Third Base matapos ang laban sa pagitan ng taga Aer Academy at Natura Academy. Sa hindi malamang dahilan mas malakas pa sa unang sigawan ang naganap ng matapos ang dalawang pares na naglaban,

"Congratulations to all Third Base Division of course to our winners;


Anthony Sawyer of Natura Academy
Stephanie Kwon of William Academy
Athena Laurel of Fyr Academy
Roshima McGregor of Hydor Academy
Rizzar Finely of Fyr Academy
Xander Hyun of William Academy
Felix Lennon of Aer Academy
Ryzel Dervan of Hydor Academy
Polly Rica of Natura Academy
Saint Lui of William Academey
Jasmie Reil of William Academy
Lyla Wilty of Fyr Academy
Jess Real of Hydor Academy
Justine Reiser of Aer Academy
Eleazar Yunà of Aer Academy
Winter Jake Sanchez of Hydor Academy
Jake Salazar of Natura Academy
Ron Chu of Fyr Academy
Rixer Seevar of Natura Academy
Jaxon Luis of Aer Academy"

"Everyone tomorrow will be the most special unforgettable fight of our Royalties! Not just like the other years of First Round Levelling Battle where the Young Royalties will be partnered to fight with the Head's, for the first time they will be partnered to the King and Queen's!"

The Long Lost Legendary Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon