Chapter 34

1.3K 46 0
                                    

Third Person Point of View

"To our last battle may I call on Ms. Samantha Abigail Valdez of William Academy vs. Prince Stephen Kiaro William of Magos!" Natahimik ang lahat dahil sa huling pangalan na tinawag, tila ba hindi din makapaniwala ang mga Prinsepe at Prinsesa sa naging anunsiyo ng tagapag-salita.

Buong tapang na naglakad ang dalaga sa gitna kung saan nagaantay ang kanyang kalaban. Samantala ang mga Hari't Reyna kasama ang mga Head's ng paaralan ay nanatiling nakatingin sa dalaga, mistulang bawat galaw nito'y inaabangan.

Nang makarating ito sa gitna walang buhay na tinitigan nila ang isa't isa tila nagaabang kung sino ang unang aatake,

"It's an honor to have a battle with you Prince Stephen" sambit ng dalaga na mas malamig pa sa yelo,

"It is nice to meet you too Ms. Valdez"

Ang lahat ay tahimik nagaabang sa unang atake ng dalawa na nakatayo lang at tila walang mga balak na umatake,

"Anong ginagawa nila?"

Lahat ay walang kaalam-alam sa nangyayari maliban sa dalawang nanatiling nakatayo sakanilang kinakatayuan,

"W-What did you do?" Tanong ng Prinsepe sa dalaga,

"Nothing" agad itong gumawa ng espada gamit ang kanyang kakayahan, hinugot naman ng Prinsepe ang sandatang nasakanyang likuran,

"I can't use my ability" Tumakbo ang dalaga sa binata at agad naman nitong naiwasan ng Prinsepe,

"Aggressive"

Sa sobrang tahimik ng kapaligiran tanging ang tunog lang nagtatamang espada ng dalawa ang tanging naririnig,

"Are you scared so you turn off my ability?" Nakangising tanong ng Prinsepe sa dalagang seryoso lang ang mga mukha at patuloy na nakikipagsalagan ng espada sa kalaban,

"You must be the one who feel scared Prince Stephen"

"Scared? A Prince of Magos doesn't know what scared mean is"

"Now you must know" Hindi agad nakakilos  ang prinsepe sa sunod na naging atake ng dalaga kaya naitalapon ito hindi kalayuan mula sa kinatatayuan ng nakangising Dalaga. Agad itong tumayo at ginamit ang kanyang abilidad upang gumawa ng atake na iniiwasan lang ng Dalaga,

"Tenebrous" Bulong ng dalaga sakanyang sarili ng masaksihan ang abilidad ng Prinsepe,

"Scared?" Ngumisi ang dalaga at pinaulanan ito ng nagbabagang apoy, kasabay nito ang mga naglalakihang bato hindi pa man nakakabawi sa naging atake ng Dalaga muli itong gumawa ng sunod na atake.

Gamit ang pinagsama-samang apoy, tubig, hangin at mga nag tutulisang mga halaman gumawa ito ng malaking bilog na agad nitog ibinato sa Prinsepe na agad din namang nakapagpalabas ng abilidad. Sa pagtama ng kanilang mga abilidad lumikha ito ng napakalaking pagsabog na hindi nakayanan ng Bulwark at ng First and Second Base Division kaya ang lahat ay nadamay at tumilapon sakanilang kinauupuan.

Nang mawala ang napakaitim na usok nanatiling nakatayo ang dalaga sakanyang kinatatayuan samantala napahiga naman ang kanyang kalaban na agad na dinaluhan ng mga taga-gamot,

"W-What was that?'' Hindi makapaniwalang tanong ni Reyna Javã.

"Samantha!" Sigaw ng kanyang mga kaibigan ng makitang nawalan ng malay ang dalaga na agad namang dinaluhan ng binatang si Roshima. Agad nitong itinakbo ang dalaga sa mga nakaabang na mga healer,

"Everything is ruined" Hindi makapaniwalang sambit ni Haring Aiko,

"What do you mean?" Tanong naman ng kanyang asawa na si Reyna Saphire,

"Mali ang inaakala nating lahat" Tinignan nito ang mga kapwa Hari't Reyna,











"Hindi siya ang nawawalang Prinsesa"

The Long Lost Legendary Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon