Chapter 35

1.3K 42 0
                                    

Samantha's Point of View


"Ms. Valdez the Headmistress wants you to go to her office" Umagang umaga sa araw na iyon ang pagmumukha ni Julius agad ang bumungad sa akin, wala akong balak na lumabas sa aking silid buong araw para makapagpahinga pero ayaw ata iyon ng Headmistress.

Napipilitan akong naligo at nagbihis ng maayos para magpunta sa opisina ng Headmistress dahil sa gusto niya, may ideya na ako kung bakit ako pinapapunta sa opisina ngunit may mga tanong pa rin ako sa aking isipan na tanging pagpunta ko lang sa opisina ang makakasagot,

"Headmistress" Walang katok katok na pumasok ako sa opisina ng Headmistress na aking pinagsisihan. Hindi ko naman inaasahan na naririto pala ang iba pang Head's at ang mga Hari't Reyna.

Dali dali akong yumuko upang magbigay galang sa mga maharlika matapos magbigay pugay buong tapang kung sinalubong ang kanilang mga tingin,

"Samantha" Tawag sa akin ng aming Headmistress, sinenyasan ako nito na maupo sa kanyang tabi na agad ko namang ginawa,

"Anong kailangan niyo?" Walang gana kung tanong,

"Who are you?" Napataas ako ng kilay at napatitig kay Haring Miller dahil sakanyang tanong,

"I'm Samantha Abigail Valdez of William Academy. 19 year old. Only daughter of Mrs. Sarah Valdez and Mr. Azrel Valdez. For more information just check my Birth Certificate King Miller" Taas noo ko namang tinitigan ang iba,

"You are not a biological daughter of the late Soudeour of Magos"

"Indeed Queen Saphire but still they are still my parents by heart"

"Do you know who's your Biological Parents?"

"I don't"

"Paano mo nakuha ang limang makapangyarihang abilidad Samantha?"

"I don't even know Mr. Dior" Mahabang katahimikan ang namuo sa silid pero dahil malakas ang pakiramdam ko, alam kung naguusap sila gamit ang isipan.

Nanatili akong tahimik at ino-obserbahan lang sila, ng mainip ako hindi ko na napigilan pang magsalita,

"I'm not the Long Lost Princess of Magos. I am one-hundred percent sure with that" Napatingin naman sa akin ang Hari ng buong Magos,

"Can you help us Samantha?" Tanong nito dahilan ng pagkabigla ko,

"S-Saan?"

"We need to find Samantha, she inherit the seven spirit. Kailangan nating maunahan ang mga Tarchannen na mahanap siya dahil siguradong gagamitin siya laban sa atin'' Queen Saphire,

Seven spirit?

"You can count on me to that Queen Saphire. I'll find her" Tumayo ako at huminga ng malalim,

"We're now clear" agad akong lumabas sa silid at halos matumba ako sa pagkakatayo ng bumungad sa akin ang pagmumukha ni Jared.

Tumikhim ako at dumaan sakanyang gilid at ng medyo makalayo, pilit ang sarili na hindi siya lingunin. Dali dali naman akong naglakad pabalik sa aming dorm at ng makapasok sa aking silid napahawak ako sa aking dibdib na naninikip sa sobrang bilis ng pagpintig ng aking puso,

"Calm down Sam si Jared lang yun" pagpapakalma ko sa sarili.

Tumayo naman ako kalaunan at binagsak ang katawan sa malambot na kama. Sa sobrang daming iniisip hindi ko na namalayan ang sariling nakatulog na.

The Long Lost Legendary Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon