Chapter 9

9.6K 347 8
                                    

Dumating ako sa dormitoryo namin na sobrang ingay sa loob,

"Sam!" Tinignan ko si Miyuka at ang iba pa na abala sa pagkwekwentuhan kanina na tumigil ng dumating ako,

"What are you doing here?"

"Nagkakasiyahan lang kami, halika" pagaaya sa akin ni Faye na hindi ko naman tinugunan at nag deretso sa aking silid. Hindi  pa nangangalahati ang oras na nakahiga ako ng may kumatok sa aking pinto at sumilip ang pagmumukha ni Faye,

"Kain na!" Dala na din ng gutom agad akong sumunod sakanya at nakitang nandoon pa rin ang tatlong maharlika.

Tahimik na kumakain at tila ba na kapag magsasalita ay may kamatayang nakaabang. Pati ang pagtunog ng mga kutsara't tinidor ay iniingatan para walang tunog na mailikha,

"What's the problem?" Malamig na tanong ko habang patuloy pa din ang pagkain. Sabay sabay naman silang nagbigay ng reaksyon at nagsimula ng magdaldalan ulit, mas okay pa palang tahimik

"Kung nahahati sa limang lugar lang ang Magos, nasaan naman matatagpuan ang mga rebeldeng dark users?" Sa usapan na iyon ay tuluyan akong napatigil at mahigpit na hinawakan ang mga kutsara at tinidor na nasa kamay, tila ba may malaking kasalanan ang pagkaing nasa harap dahil tinititigan ko ito ng purong galit

"Sa pagkakaalam namin matatagpuan ang Deorc sa pinakailaliman ng Magos" Miyuka,

"Iyon ay tungkol sa mga sabi sabi nila" Jim, nanatili akong tahimik ngunit tuluyan ng hindi ginagalaw ang kinakain sa pagkawala ng gana

"Walang nakakaalam kung nasan nga ba ang kaharian ng kadiliman" Haira,

"Sinubukan na ng mga ninuno natin dati na mga Lucēre na hanapin ang kuta nila ngunit sadyang mailap ang mga Tarchannen at ni isa sakanila walang nakakakita" Sky, mas lalo akong nanggigil sa nalaman na kaalaman

"P-Pero ngayon pa lang namin narinig ang kabago baguhang pag galaw ng mga Tarchannen" Napatingin sa akin si Cyrene na hindi ko naman pinansin,

"I-Iyon ay ng umatake sila sa Woruld at pinatay ang dalawang magigiting na Soudeour sa buong Magos" Napatayo ako at agad na lumabas sa kadahilanang hindi na makayanan ang kanilang paguusap.

Tila ba may sariling mga buhay ang mga paa at dinala ako sa pinaka gitna ng akademya kung saan makikita ang napakalinis na fountain. Sa sobrang pagkaburyo walang kahirap hirap ko itong kinontrol ayon sa ninanais






EDITED

The Long Lost Legendary Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon