Chapter 2

13.8K 450 7
                                    

Sam POV

"Sam can't you remember what happened in Faye's Birthday party? "Sabi ni Momy,

I can barely remember anything that day but I remember something weird event before I pass out,

"T-The pool, sa pagkakatanda ko bigla itong umangat na para ba'ng isang tsunami"

"Yes darling, ikaw ang may gawa nun. Because of hatred the ability that sleeping within you awakened"

Flashback

Kasama ko si Faye na nakaupo sa gilid ng kanilang pool at abala na pinapanood ang kanyang mga bisitang abala sa pakikipagkwentuhan,

"Hmmn Sam? " Faye,

"Bakit? " Tanong ko naman sa kanya habang ang tingin ay nanatili sa pool,

"Tignan mo" Sabay turo sa may madilim na parte ng bahay nila. Tinignan ko naman ito at dala ng mamunting liwanag mula sa hindi kalayuan na ilaw nakikita ang dalawang pigura ng taong mistulang naguusap,

"Bakit kaya sila diyan naguusap kung pwede naman sa mas maliwanag"

Hindi ko pinansin ang mga sinabi ni Faye dahil mas tinuon ko ang pansin sa dalawang taong naguusap sa dilim. Maya maya lang napansin ko na papaalis na sila at ng tuluyan ng makalabas at maaninagan ang kanilang mukha, kumulo ang dugo ko sa galit,

"HEY EVERYONE" Sigaw ni Hazel dahilan para mapunta ang buong attention sakanya,

"KAMI NA" Bakas ang saya sa mukha nilang dalawa at dahil doon nagsigawan ang lahat at mas lumakas ang musika. Tumingin sa banda namin si Ivan at nagtama ang mga mata namin, ngumiti ito na para ba'ng walang kasalanan at hindi ako sinaktan,

"S-Sam"

How could he do this?

"S-Samantha c-calm down"

We just broke up two days ago,

"S-Sam please"

If what we have is real? How come he is now in a relationship? He's not just in a relationship with a girl his with the girl I'm always getting jealous to.

"TITA TITO SI SAM"

Purong galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon na nakatingin sa dalawang taong dahilan ng lahat ng bigat sa aking puso. Nagiinit ang mga mata at katawan na para ba'ng may nilalabas na enerhiya,

"Samantha" bago pa man tuluyang lukubin ng kakaibigang enerhiya ang buong katawan tuluyan ng nagdilim ang paligid.

End of flashback

Simula ng araw na yun sinubukan kung ikontrol ang kakayahan sa tulong na din ni Faye na isa pa lang Stone Manipulator, hindi naging madali ang ensayo lalo na't iba ang kakayahan ni Faye, hindi ko din masasabing magaling na ako sa pagkontrol  kahit na may kaalaman na ako rito,

"Ang mga habilin namin sayo Sam ah?" Pahabol ng aking Ina bago ako bumaba sa sasakyan,

"Opo Mom, magiingat po kayo ni Daddy"

"Ikaw din anak" nginitian ko sila at tuluyan ng lumabas ng sasakyan tiyaka nag deretso sa Gate ng eskwelahan,

"Goodmorning Sam!" Hindi ko agad nabati si Faye dahil sa kakaibang pakiramdam na tila ba sa pagpasok namin ay may nagaabang na panganib,



EDITED

The Long Lost Legendary Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon