Chapter 33

1.4K 58 0
                                    

Nagising akong nananakit ang buong katawan at kumikirot ang ulo,

"Sammm!" Tumakbo naman papalapit sa akin ang kaibigang kakapasok pa lamang na si Faye,

"Okay kana ba?" Tumango lang ako dito at bumaba sa hinihigaan,

"N-Nagumpisa na ba?" Tanong ko sakanya matapos makuha ang tuwalya,

"Hindi pa, saan ka ba galing ulit kagabi?! Basang basa kayo ni Roshima noong inihatid ka niya dito ng walang malay!" Nagbalik sa akin ang nangyari kagabi at kumirot ang aking dibdib sa nasaksihan sa gabing iyon,

"N-Naglakad lakad lang" Agad ko naman siyang tinalikuran at pumasok sa banyo upang mabilisan na maligo.

"Galingan mo Sam ah!" Puro sila paalalang tatlo habang patungo kami sa Training Ground at puro tango lang naman ang naisasagot ko,

"Sammm!" Agad akong nilapitan ni Miyuka at hinila sa pwesto nila,

"Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Cyrene ng makaupo na ako sakanilang gitna,

"Hindi naman" Pero sa totoo lang kanina pa lumilipad ang isipan ko sa mangyayari mamaya. Habang hinihintay si Julius at ang mga Head's nagpatuloy na magkwentuhan ang limang kababaihan at limang kalalakihan ng kung ano ano.

Mula sa kalayuan nakita ko ang nagiisang si Roshima na nakaupo sa lilim ng malaking puno,

"May pupuntahan lang ako saglit" Pagpapaalam ko sakanila at hindi na hinintay pa ng sasabihin at agad na naglakad papunta sa pwesto ng lalaki,

"Hey" bati ko dito at naupo sa tabi niya,

"Kamusta?" Tanong niya,

"I'm fine. Thank you pala" Pagpapasalamat ko at binalingan siya, nagtama naman ang mga mata namin dahilan kung bakit ko siya nginitian at muling ibinalik ang tingin sa mga estudyanteng nakaupo malapit sa bulwagan,

"Wala yun" Nagtagal ang paguusap namin at ng dumating si Julius sabay kaming lumapit sa bulwagan at nagkanya-kanya na kami sa pagpunta sa aming pwesto,

"Okay ka lang ba Sam? Naikwento sa amin ni Faye yung paghatid sayo ni Roshima ng walang malay, ano bang nangyari?" Tanong ni Miyuka ng makaupo naman ako sa tabi niya,

"Nahilo lang ako" Magsasalita pa sana ito ng maunahan ni Julius kaya bumalik na lang siya sa pananahimik,

"Good Day everyone!" Tila ba mga gutom na hayop ang mga estudyanteng nagsisigaw ng mgaumpisang magsalita si Julius,

"This is the long awaited day where we will percieve the long awaited clash between the King and Queen's vs. the Young Royalties. A very peculiar phenomenon indeed. So without anything else may I call our Majesty King and Queen's of Fyr Kingdom, Hydor Kingdom, Aer Kingdom, Natura Kingdom!"

Hindi kagaya noong unang araw nila rito upang dumalo sa unang araw ng Levelling Battle nakasuot sila ngayon ng pormal na kasuotan para sa labanan,

"Let's us all stand and gave respect to our King Aiko and Queen Saphire of Magos with their Son Prince Stephan Kiaro William!" Nagsitayuan ang lahat at yumuko bilang paggalang sa pinakamatataas na Reyna't Hari ng buong Magos kasama ang kanilang anak na lalaki,

"Oh sht!" Mura ni Miyuka sa aking tabi,

"Bakit andito ang Prinsepe?" Nagtatakang tanong ni JR,

"Hindi ba dapat andito talaga siya?" Tanong ko naman sakanya,

"Hindi Sam. Hindi maaaring makihalubilo ang Prinsepe o Prinsesa ng Magos sa ibang Lucēre kung hindi pa naaanunsiyo kung sino ang susunod na mamumuno" Sagot naman ni Miyuka sa tanong ko,

The Long Lost Legendary Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon