EPILOGUE

1.3K 41 2
                                    


EPILOGUE

Magaganda hindi lang ang mga hitsura kundi maging ang mga boses ng tatlong babaeng miyembro ng bandang Silver Belles na siyang nagtatanghal sa stage ng bar na Bonzour. Ngayon lang nakita at narinig na tumugtog ng mga regular na parokyano ng bar ang naturang banda. Pero karamihan sa mga naroon ay nagkakaisa sa opinyon na mahusay ang naturang banda.

Nahati lang ang opinyon ng mga parokyano ng bar, lalo na ng mga babae at binabae, sa tanong kung sino ang mas gwapo sa dalawang lalaking miyembro ng banda. Ang drummer ba na si Cinda o ang lead guitarist na si Santi. Pero mas nahati ang opinyon ng mga babae at binabae nang mapuna ng ilan ang mga bagong dating na lalaki. Sa malas, ang tatlong nagugwapuhang lalaking dumating ay nakatutok agad ang tingin sa tatlong babaeng miyembro ng banda.

Iyong lalaking malaki ang hawig kay David Beckham, nakatuon ang mga mata sa bassist at vocalist na si Chrisma. Habang iyong isa pang gwapong lalaking tila mas makisig at medyo mas matandang version ng modelong si Sean Opry ay nakatutok ang mga mata sa vocalist na si Lucibelle. At ang ikatlong lalaki na pinakabata sa tatlo at kahawig ni Colin Farell ay halos hindi kumukurap habang nakatitig sa keyboardist na si Jing-jing.

Iilan lang ang nakakaalam na iyon na ang una't huling pagtugtog ng banda nang magkakasama. Sapagkat nagkasundo na ang limang magkakabanda na buwagin ang banda. Ang tanging maiiwan na lang kasi ay sina Cinda at Santi matapos magdesisyon nina Lucibelle, Chrisma at Jing-jing na mas gusto ng mga itong mag-focus sa ibang bagay. Si Lucibelle sa pagbubuntis nito sa unang supling nito at ni Joe. Si Chrisma sa pag-aalaga sa dalawang pamangkin nito at ni Wayne. At si Jing-jing sa bagong restaurant na itatayo nito ka-partner si Bell.

Nang matapos ang set ay awtomatikong nagsilapit agad sa mesang kinauupuan nina Joe, Wayne at Bell sina Lucibelle, Chrisma at Jing-jing.

It was obvious to all that the three women were very much loved by their men. It was in the way the men stared at their women.

Kaya naman kahit may bahagyang pagkayamot, pagtatampo at pagka-asar pa rin sina Cinda at Santi sa tatlong lalaking naging mitsa ng pagkakawatak-watak ng banda nila, nagkatinginan na lang sina Cinda at Santi saka sabay na nagkibit-balikat. Ano pa nga bang maggagawa nila? Na-in love na ang mga kabanda nila at naiba na ang priorities. Kahit ano pang pigil at paghadlang ang gawin nila, sa huli, taob pa rin sila.

"Remind me never to fall in love, Cin, and I'll do the same for you," bulong ni Santi sa kabanda at pinsan.

"Yeah," simpleng tugon at tango naman ni Cinda. Pero kung nakikinig lang siguro nang mas mabuti si Santi sa tono ng pinsan, mahuhulaan ni Santi na huli na para doon.

******* THE END*******

                                                                                                        THANK YOU SO MUCH FOR READING!

                                                                                                                     DREAM GRACE

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon